Kubiko na punsiyon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Kubikong punsiyon

Ang Kubiko na punsiyon(cubic function) ay punsiyon na may anyong:

kung saan ang a ay hindi sero, o sa ibang salita ay isang polinomial na may digring tatlo. Ang deribatibo ng isang kubikong punsiyon ay isang kwadratikong punsiyon. Ang integral ng isang kubikong punsiyon ay isang kwartiko na punsiyon.

Kung itatakda ang ƒ(x) = 0 at ipagpalagay na ang a ≠ 0 ito ay bumubuo ng isang kubikong ekwasyon na may anyong:

Karaniwan sa mga koepisyente na a, b,c, d ay mga real na bilang. Ang paglutas ng isang kubikong ekwasyon ay paghahanap ng mga ugat o sero ng kubikong punsiyon. May dalawang paraan upang lutasin ang isang kubikong punsiyon. Ang isang paraan ay ihayag ang mga ugat bilang pormula ng mga simpleng punsiyon gaya ng ugat ng kwadrado o ugat ng kubiko. Ang isa pang paraan ay paggamit ng aproksimasyong numerikal ng mga ugat sa field ng real na bilang o kompleks na bilang. Ang mga ito ay makukuha sa pamamagitan ng algoritmo na metodo ni Newton.