Pumunta sa nilalaman

Kultura ng Kapuluang Cocos (Keeling)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang payak na kalye sa Home Island.

Kahit na kabilang sa Panlabas na Teritoryo ng Australia, ang kultura ng Kapuluang Cocos (Keeling) ay may malawak na impluwensya mula sa Malaysia at Indonesia .

Ang mga wika, tradisyon, relihiyosong pista, lutuin at kaugalian ay naimpluwensyahan ng malaking populasyon ng mga Malay sa mga isla. Karamihan sa mga taga-isla na ito ay nagmula sa mga manggagawa sa taniman na dinala sa isla ni John Clunies-Ross. Noong panahon ng kanilang paninirahan, ang mga isla ay hiwa-hiwalay kaya umusbong ang mga natatanging kultura na galing sa mga tradisyong Malay at Islam.[1]

Nang ganap na isinama sa Australia noong 1984, ipinakilala ito sa mga kaugalian at kultura ng Australia, na kadalasang ginagawa ng mga etnikong Europeong Australyano na naninirahan sa West Island.

Kapuluan ay pinamamahalaan ayon sa batas ng Australia. Ang mga wika, pahayagan, pagdiriwang, edukasyon, kultura at lutuin ay naiimpluwensyahan din ng Australia.

Ang kapuluan ay may matibay na kasaysayan ng tradisyonal na sining na naiimpluwensyahan ng mga tradisyon ng mga Malay ng Cocos at kultura ng pag-susurf sa Australia. Hinihikayat ng tanggapan ng turismo ng Isla ang mga bisita na subukan ang kanilang tradisyonal na paghahabi ng basket at "matuto tungkol sa tradisyonal na pagbuo ng jukong (bangka)".

Sa Home Island, ang mga residente ay nagtatag ng museo na nakatuon sa dating industriya ng kopra ng Isla at isang tanghalan para sa sining, ang The Big Barge Art Center, na nagbebenta ng mga tradisyunal na likhang sining, modernong mga pinta at litrato. Sila rin ang namamahala sa mga gawaing pagsasanay para sa mga turista.

Ang Pulu Cocos Museum ay itinatag noong 1987, bilang pagkilala sa natatanging kultura ng Home Island na nangangailangan ng pormal na pangangalaga. Kasama sa pook ang mga pagtatanghal ng mga lokal na kultura at tradisyon, pati na rin ang kasaysayan ng mga isla at ang pagmamay-ari ng pamilya Clunies-Ross. Kasama rin sa museo ang mga pagpapakita sa kasaysayan ng militar at hukbong-dagat, pati na rin ang mga lokal na kagamitang botanikal at zoolohiya.[2]

Sa senso noong 2016, 75% ng populasyon ay Muslim. Ang Eid al-Fitr (sa pagtatapos ng Ramadan) ay nananatiling "pinakamalaking kaganapan" sa kapuluan.

Itinuturing ng karamihan sa mga natitirang populasyon ang kanilang sarili bilang hindi relihiyoso (13.4%) na may kaunting bilang na Kristiyano kabilang ang pagiging Anglikano (3.5%) at Katoliko (1.5%). Pinili ng 6.5% ng populasyon na huwag banggitin ang kanilang relihiyon.

Mga Pistang Opisyal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa ika-6 ng Abril ng bawat taon, ipinagdiriwang ng mga taga-isla ang Araw ng Sariling Determinasyon (Self Determination Day), na minarkahan ang petsa kung kailan sila bumoto para sa ganap na pagsasama sa Australia.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Services, Regional. "Cocos Islands environment and heritage". www.regional.gov.au. Nakuha noong 15 Agosto 2020
  2. "Cocos Museum Naka-arkibo 2021-11-28 sa Wayback Machine.". Commonwealth Walkway Trust. Nakuha noong 4 Setyembre 2021.
  3. Wynne, Emma (6 Abril 2019). "There was trouble in paradise until Cocos Islanders changed their destiny". ABC News. Nakuha noong 15 Agosto 2020.

Karagdagang pagbasa

[baguhin | baguhin ang wikitext]