Pumunta sa nilalaman

Mga Yungib ng Batu

Mga koordinado: 3°14′14.64″N 101°41′2.06″E / 3.2374000°N 101.6839056°E / 3.2374000; 101.6839056
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kuweba ng batu)
Mga Yungib ng Batu
Pasukan ng mga yungib at ang Estatwa ni Murugan sa harap
Relihiyon
PagkakaugnayHinduismo
DistrictGombak
DiyosMurugan
Mga PistaThaipusam
Lokasyon
EstadoSelangor
BansaMalasya
Mga koordinadong heograpikal3°14′14.64″N 101°41′2.06″E / 3.2374000°N 101.6839056°E / 3.2374000; 101.6839056
Arkitektura
Nakumpleto1920


Ang Mga Yungib ng Batu ay isang mogoteng may serye ng kuwebang batong-apog sa Gombak, Selangor, Malasya. Matatagpuan ito sa mga 13 km (8.1 mi) pahilaga ng kabiserang lungsod ng Kuala Lumpur. Naglalaman ang pangkat ng mga yungib ng maraming templong Hindu, pinakasikat dito ang isang dambanang nakatuon kay Murugan, isang Hindung diyos. Ito ang pinakasentro ng pistang Tamil na Thaipusam sa Malasya. Ang kompleks ay mayroon ding 43 m (141 tal) estatwa ni Murugan, isa sa pinakamalaking estatwa ni Murugan sa mundo.

Hinango ang pangalan ng mga yungib sa kalapit na Ilog Batu Pahat.[1][2] Nagmula ang salitang batu sa Malay na nangangahulugang "bato".[3] Ang burol ay tinawag na "Kapal Tanggang" (barko ni Si Tanggang) ayon sa alamat Malay na Malin Kundang.[4] Sa Tamil, Pathu malai (பத்து மலை) ang tawag sa templo.[5]

Pinagkanlungan ang mga yungib ng mga katutubong Temuan, isang tribo ng Orang Asli.[2] Noong d. 1860, nagsimulang maghukay ang mga naninirahang Tsino ng guwano mula sa mga yungib, na ipinampataba.[6] Noong 1878, nadiskubre ang mga yungib ng Amerikanong naturalista na si William Hornaday.[7] Itinaguyod ang mga yungib ni K. Thamboosamy, isang Indiyanong Tamil na mangangalakal, bilang sambahang Hindu.[2] Natapos noong 1891 ang templong Hindu na nakatuon sa panginoong Murugan, at nag-umpisa noong 1892 ang taunang pagdiriwang ng Thaipusam.[1] Mula noon, nagkaroon ng mga karagdagang pagsulong ng mga sambahan sa rehiyon. Nagsimula ang pagpapabahay sa rehiyon noong huling bahagi ng ika-20 siglo. Nagpahayag ang di-pampamahalaang organisasyon ng mga alalahanin tungkol sa labis na pagpapaunlad ng lugar.[8]

Batong-apog na karst

Ang kompleks ay isang mogoteng may serye ng mga kuwebang apog, na nabuo mahigit 400 milyong taon na ang nakalilipas.[9][10] Binubuo ito ng komplikadong sistema ng 20 kilalang yungib kabilang dito ang apat na mas malaking sistema ng yungib na may maraming magkakaugnay na pitak.[4]

Binuo ang mga espeleotema sa pagpatak-patak ng tubig sa rabaw. Tumatagos ito sa rabaw at umaabot sa ilalim ng rabaw, na nagreresulta sa pagtutunaw ng mga batong-apog. Bunga nito, nabubuo ang mga estalaktita at estalagmita. Bumubuo ang mga estalaktikang nakausli mula sa kisame at estalagmitang umaangat mula sa sahig ng mga elaboradong pormasyon ng mga kurtinang-yungib, batong-dinaloy, perlas-yungib, at gatla-gatla. Marahil mahalumigmig at basa ang loob noong nabuo ang mga yungib.[11][12]

Marami ang matatagpuang espesye ng halaman at hayop sa madidilim na loob ng mga yungib

Ang mga yungib ng Batu ay kaniguan ng saribuhay na binubuo ng maraming espesye ng halaman at hayop. Akmang-akma ang marami sa mga ito sa mga ganitong kapaligiran ng batong-apog.[13] Halos 269 espesye ng halamang baskular kabilang ang 56 espesye (21%) ng kalsipilo ang naitala sa lugar.[14] Sari-sari ang sanghayupan nito, kabilang dito ang mga endemikong espesye tulad ng Liphistius batuensis, isang uri ng gagamba.[15] May 21 espesye ng paniki, kabilang dito ang ilang espesye ng mga paniking prutasin. Tahanan ang mga madidilim na yungib ng maraming espesye ng mga haplotaksid, gagamba, mita, garapata, alakdan, springtail, salagubang, langaw, langgam, putakti, bubuyog, paruparo, gamugamo, palaka, butiki, ahas at kuhol.[13][16][17]

Tinatahanan ang lugar ng iba't ibang uri ng matsing. Kadalasang umaasa ang mga matsing sa mga tao para sa pagkain kaya maaaring manggulo o mang-istorbo sa mga tao.[18] Upang mapreserba ang ekolohiya ng yungib, limitado ang akses sa panloob na kompleks ng yungib na maaakses lamang sa pagsali sa mga trip na inorganisa ng Malaysian Nature Society. Kabilang sa mga banta sa saribuhay sa rehiyon ang pag-uunlad sa paglipas ng panahon, mga pang-industriyang aktibidad, at pagdaan ng marami dahil sa sambahan sa lugar.[13]

Mga hakbang patungo sa mga yungib na may estatwa ni Murugan sa harapan

Ang pagkakahawig ng pasukan ng mga yungib sa vel (sibat) na hinawak ng deidad na si Murugan ay sinasabing inspirasyon ni Thamboosamy na magtayo ng templo. Nakatagpo itong templo sa pinakamalaking yungib sa kompleks.[1] Noong una, kailangang akyatin ang burol upang makarating sa dambana. Noong 1920, ikinabit ang mga kahoy na hagdan upang maabot ng mga peregrino ang templo. Noong d. 1930, nag-umpisang magpakita ng pagkaupod ang hagdanan at pinagpasiyahang magtayo ng kongkretong hagdanan sa timugang bahagi ng mga yungib. Noong 1940, 272 kongkretong hagdan ang naitayo, na umiiral pa rin hanggang ngayon.[19][20] Noong Agosto 2018, muling pininturahan ang mga hagdan, at may ibang kulay ang bawat pangkat ng mga hagdan.[21][22] Noong 2024, inihayag ang mga plano upang magtayo ng bulwagang panlahatan sa paanan ng burol at isang eskalador patungo sa templo.[23]

Ang pangunahing dambana

Sa paanan ng burol, may dalawang yungib, ang Galeriya ng Sining at Museo, na nagbubuo sa Cave Villa na kompleks. Naglalaman ang mga ito ng mga estatwa at larawan mula sa mitolohiyang Hindu, karamihan may kaugnayan sa buhay at kuwento tungkol kay Murugan.[1] Nasa kaliwa ang Yungib ng Ramayana, na nilalaman ng mga larawan mula sa epikong Hindu na Ramayana. May 15 m (49 tal) na estatwa ni Hanuman sa pasukan at templong inialay kay Hanuman, na binuksan noong Nobyembre 2001.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Batu caves" [Mga yungib ng Batu] (sa wikang Ingles). Britannica. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Agosto 2018. Nakuha noong 1 Disyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Ashley Morton (12 Agosto 2016). "Visiting Lord Murugan" [Pagbisita kay Panginoong Murugan]. Huffington Post (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Setyembre 2023. Nakuha noong 1 Disyembre 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Batu meaning" [Kahulugan ng Batu] (sa wikang Ingles). Merriam Webster. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Disyembre 2023. Nakuha noong 1 Disyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Teckwyn, Lim; Sujauddin, Yusof; Mohd, Ashraf (2010). "The Caves of Batu Caves: a Toponymic Revision" [Ang Mga Yungib sa Yungibang Batu: isang Rebisyong Toponomiko]. Malayan Nature Journal (sa wikang Ingles). 62 (4): 335–348. Inarkibo mula sa orihinal noong 2024-05-22. Nakuha noong 2024-05-22.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "History and Specialties of Batumalai Cave Murugan Temple in Malaysia Built by Tamils" [Kasaysayan at Espesyalidad ng Templo ni Murugan sa Yungib ng Batumalai sa Malaysia na Itinayo ng mga Tamil]. Samayam (sa wikang Ingles). 25 Hunyo 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Agosto 2023. Nakuha noong 1 Disyembre 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Multiracial history of Batu caves". 6 Pebrero 2023. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Mayo 2024. Nakuha noong 1 Disyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. By Kon Yit Chin; Voon Fee Chen (2003). Landmarks of Selangor. Jugra Publications. p. 30. ISBN 978-9-814-06878-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Explain land grants within Batu Caves reserve, NGOs tell Selangor" [Ipaliwanag ang pagbibigay ng lupa sa loob ng reserba ng Mga Yungib ng Batu, sinasabi ng mga NGO sa Selangor]. Free Malaysia Today (sa wikang Ingles). 10 Setyembre 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Marso 2024. Nakuha noong 12 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "This 400 million-year-old cave site and temple in Malaysia is planning an escalator upgrade" [Itong 400 milyong taong gulang na yungib at templo sa Malasya, nagpaplano ng pagpapabuti ng eskalador]. CNN (sa wikang Ingles). 21 Enero 2024. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Marso 2024. Nakuha noong 1 Mayo 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Indian Navy. Maritime Heritage of India [Maritimong Pamana ng Indiya] (sa wikang Ingles). Notion Press. p. IV. ISBN 978-9-352-06917-0.
  11. E. Soepadmo; Thian Hua Ho (1971). A Guide to Batu Caves [Isang Gabay sa Mga Yungib ng Batu] (sa wikang Ingles). Malayan Nature Society. p. 10.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. David Farley (2018). Underground Worlds:A Guide to Spectacular Subterranean Places [Mga Ilalim-lupang Mundo: Isang Gabay sa Mga Kamangha-manghang Lugar sa Ilalim ng Lupa] (sa wikang Ingles). Running Press. ISBN 978-0-316-51400-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 13.2 Ong, Dylan Jefri (2020). Kiew, Ruth; Zubaid Akbar Mukhtar Ahmad; Ros Fatihah Haji Muhammad; Surin Suksuwan; Nur Atiqah Abd Rahman; Lim Teck Wyn (mga pat.). Batu Caves: Malaysia's Majestic Limestone Icon [Mga Yungib ng Batu: Ang Marilag na Ikonong Batong-apog ng Malasya] (sa wikang Ingles). Kuala Lumpur: Malaysian Cave and Karst Conservancy. p. 44. ISBN 978-967-17966-0-3. Inarkibo mula sa orihinal noong 2024-05-22. Nakuha noong 2024-05-22.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Kiew, Ruth (12 Setyembre 2014). "Checklist of vascular plants from Batu Caves, Selangor, Malaysia" [Patakdaan ng mga halamang baskular mula sa Mga Yungib ng Batu, Selangor, Malasya]. Check List (sa wikang Ingles). 10 (6): 1420–1429. doi:10.15560/10.6.1420. ISSN 1809-127X. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Oktubre 2020. Nakuha noong 22 Oktubre 2020.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. T.W. Lim and S.S. Yussof (2009). "Conservation status of Batu Caves Trapdoor Spider (Liphistius batuensis Abraham (Araneae, Mesothelae)): A preliminary survey. 61: 121–132" [Katayuan ng konserbasyon ng Trapdoor Spider ng Mga Yungib ng Batu (Liphistius batuensis Abraham (Araneae, Mesothelae)): Isang paunang survey. 61: 121–132.]. Malayan Nature Journal (sa wikang Ingles). 62 (1): 121–132. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-05-07. Nakuha noong 2020-05-12.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Annandale, N.; F.H. Gravely (1914). "The limestone caves of Burma and the Malay Peninsula, Part II: The fauna of the caves" [Ang mga kuwebang batong-apog ng Burma at Tangway ng Malaya, Ika-2 Bahagi: Ang sanghayupan ng mga yungib]. Journal and Proceedings of the Asiatic Society of Bengal (sa wikang Ingles). 9 (10): 402-423.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Elliott McClure (1965). "Microcosms of Batu Caves and a List of Species Collected at Batu Caves" [Mga Mikrokosmo ng mga Yungib ng Batu at Talaan ng mga Espesyeng Nakolekta sa Mga Yungib ng Batu]. Malayan Nature Journal (sa wikang Ingles). 19 (1): 68.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Mugged by macaques: the urban monkey gangs of Kuala Lumpur" [Ninakawan ng mga matsing: ang urbanong gang ng mga unggoy ng Kuala Lumpur]. The Guardian (sa wikang Ingles). 28 Enero 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Mayo 2024. Nakuha noong 1 Disyembre 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Were the 272 steps going up Batu Caves originally made of wood?" [Orihinal na gawa ba sa kahoy ang 272 hagdan paakyat sa Mga Yungib ng Batu?]. The Star (sa wikang Ingles). 3 Pebrero 2023. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Hunyo 2023. Nakuha noong 1 Disyembre 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Tajuddin, Iskandar (24 Enero 2016). "It began with prayer to Lord Muruga" [Nagsimula ito sa dasal kay Panginoong Muruga]. New Straits Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Hunyo 2021. Nakuha noong 5 Hunyo 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Bavani, M. (30 Agosto 2018). "Batu Caves temple committee steps into trouble" [Ang komite sa templo ng Mga Yungib ng Batu, pumasok sa gulo]. Star (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Disyembre 2019. Nakuha noong 31 Agosto 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Temple gets stunning paint job" [Templo, pininturahan nang kamangha-manga]. BBC (sa wikang Ingles). 31 Agosto 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Hunyo 2019. Nakuha noong 31 Agosto 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Malaysia's Batu Caves temple to get escalator in 2024" [Templo ng Mga Yungib ng Batu ng Malasya, magkakaroon ng eskalador sa 2024]. Channel News (sa wikang Ingles). 19 Enero 2024. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Marso 2024. Nakuha noong 1 Mayo 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)