Pumunta sa nilalaman

Ang Marikit na Walang-damit

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa La maja desnuda)
Ang Marikit na Walang-damit
Alagad ng siningFrancisco de Goya
Taoncirca 1797–1800
TipoLangis sa kanbas
KinaroroonanMuseo del Prado, Madrid

Ang dibuhong Ang Marikit na Walang-damit (Kastila: La maja desnuda, ang orihinal na pamagat; Ingles The Nude Maja) ay isang larawang yari sa langis-pampintura na gawa ng dalubhasang Kastilang pintor na si, Francisco de Goya, na naglalarawan ng isang hubu't hubad na babae at nakahimlay na pasandal sa isang kamang may mga unan. Isinagawa ni de Goya ang pagpipinta nito sa loob ng pagitan ng 1797 at 1800. Paminsan-minsang sinasabi na ito ang pinakaunang paglalarawan ng babeng may napagmamasdang bulbol sa sining na Kanluranin. Ang ibang mga ipinintang larawan ay nagpapahatig lamang ng buhok na ito, bagaman ang The Nymph of the Spring, o "Ang Diwata ng Bukal" [ca. 1539] isang dibuhong iginuhit ni Lucas Cranach, Ang Matanda, ay waring nagpapakita na ng buhok sa may kasarian ng isang babae.

Kabilang sa koleksiyon ng ang Museo del Prado sa Madrid, Espanya, at itinatanghal na katabi ng La maja vestida sa loob ng iisang silid.


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]