Lahing Tao
Naglalaman ang artikulong ito ng mga tekstong Tsino. Kapag walang tamang suportang pampanitik, maari kang makakita ng mga tandang pananong, mga kahon, o ibang sagisag sa halip na mga karakter na Intsik. |
Ang mga Tao (Tsino: 達悟族), na kilala rin sa pangalang Yami (雅美), ay isang pangkat ng mga Katutubo ng Taiwan na nakatira sa maliit na Pulo ng Orkidya. Ang "tao" ay ibig sabihin "tao" (kasama ng wikang Tagalog).Sila ay mga manggagamit ng isang wikang Awstronisyano. Malapit ang kanilang kabihasnan doon sa kabihasnan ng mga Ivatan ng Batanes, lalo na't katulad ng wika ng mga Ivatan ang wika ng mga Tao, at malayo ang relasyon nito sa mga wikain ng mga Katutubo ng Taiwan. Mahusay sa paggawa ng mga balanghay ang mga Tao, at kinikilala itong simbolo ng kanilang tribo. Noong taong 2000, mahigit-kumulang 3,872 ang bilang nila o 1% populasyon ng ng mga katutubo ng Taiwan. [1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Directorate General of Budget, Accounting and Statistics, Executive Yuan, R.O.C. (DGBAS). National Statistics, Republic of China (Taiwan). Preliminary statistical analysis report of 2000 Population and Housing Census Naka-arkibo 2007-03-12 sa Wayback Machine.. Excerpted from Table 28:Indigenous population distribution in Taiwan-Fukien Area. Accessed 8/30/06
Mga kawing palabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.