Pumunta sa nilalaman

Lalawigan ng Florencia

Mga koordinado: 43°46′17″N 11°15′15″E / 43.771388888889°N 11.254166666667°E / 43.771388888889; 11.254166666667
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Para sa lungsod, tingnan ang Lungsod ng Firenze. Para sa kompositor, tingnan ang Andrea da Firenze. Para sa karakter sa Harry Potter, tingnan ang Firenze (Harry Potter).
Lalawigan ng Florensiya
administrative territorial entity, former province of Italy, former administrative territorial entity
Watawat ng Lalawigan ng Florensiya
Watawat
Eskudo de armas ng Lalawigan ng Florensiya
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 43°46′17″N 11°15′15″E / 43.771388888889°N 11.254166666667°E / 43.771388888889; 11.254166666667
Bansa Italya
LokasyonToscana, Italya
Itinatag1865
Binuwag31 Disyembre 2014
KabiseraFirenze
Bahagi
Pamahalaan
 • president of the Province of FlorenceAndrea Barducci
Lawak
 • Kabuuan3,514 km2 (1,357 milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+01:00, UTC+02:00
Plaka ng sasakyanFI
Websaythttp://www.provincia.fi.it/

Ang Firenze, Florencia, o Florence (Italyano: provincia di Firenze) ay isang dating lalawigan sa hilagang rehiyon ng Toscana sa Italya. Ang lungsod ng Florencia ang kabisera nito, pati na rin ng rehiyon ng Toscana. Ito ay may sakop na 3,514 square kilometre (1,357 mi kuw) at populasyon na 1,012,180 noong Disyembre 31, 2014.[1] Ang teritoryo ng lalawigan ang naging pinagmulan ng Renasimyentong Italyano.[2]

Ito ay pinalitan ng Kalakhang Lungsod ng Florencia noong 2015.

Ang Lalawigan ng Florencia noon ay nasa hangganan ng Lalawigan ng Bolonia sa hilaga, ang Lalawigan ng Ravena at Forlì-Cesena sa hilagang-silangan, ang mga lalawigan ng Prato, Pistoia, Pisa, at Lucca sa kanluran; ang Lalawigan ng Siena sa timog at ang Lalawigan ng Arezzo sa silangan at timog-silangan.[3] Karamihan sa lalawigan ay nasa kapatagan ng ilog Arno.

Ang lalawigan ay nagmula sa Dakilang Dukal na prepektura ng parehong pangalan na itinatag noong 1848, na kinabibilangan ng pinakamatandang bahagi ng mga dominyong Florentino. Noong nakaraan, mula noong panahon ng munisipyo, ito ay binubuo ng "maharlikang kanayunang Florentino" (ika-14 na siglo), na nahahati sa tatlong malalaking bikaryati ng Scarperia at Mugello, San Giovanni Valdarno at Mataas na Valdarno, Certaldo, at Chianti, nahahati sa iba't ibang podesterie at maraming mga liga sa kanayunan, at mula sa "Distritong Florentino" na binubuo ng mga lungsod, nayon at lupain na nasakop ng Florencia sa paglipas ng mga siglo.

Mga kawing na panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Italya Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. "2014 Istat census". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-10-01. Nakuha noong 2022-08-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Florence, Tuscany". ITALIA. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Oktubre 2014. Nakuha noong 18 Setyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Domenico 2002, p. 314.