Lamido Philippines
Ang Lamido Philippines ay isang buy and sell (bumibili at nagbebenta) websayt[1] kung saan maaring magbenta at bumili ng iba't ibang klase ng gamit tulad ng kagamitang pambahay, pampaganda, pangkalusugan, mga aksesorya, gadyets at marami pang iba. Ang Lamido ay isang pakikipagsapalaran ng Rocket Internet, isang ecommerce na kumpanya[2] na nakabase sa Alemanya. Kilala ang Rocket Internet sa pagbuo ng iba't ibang kumpanya sa Europa at Asya at pati na rin sa ibat ibang sulok ng mundo.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Lamido Philippines ay itinatag noong Enero 2014, sumunod sa mga nauna na nitong kahalintulad sa Timog-silangang Asya. Ang mga naunang nailunsad na kahalintulad nito ay ang Lamido Vietnam,[3] Lamido Indonesia,[4] at Lamido Malaysia.[5] Ang logo ng Lamido ay sumisimbolo ng pag-apruba ng publiko sa pamamagitan ng pagtaas ng hinlalaki. Ang disenyo ng websayt ay pinaghalong kulay ng asul at kahel.
Mga produkto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Lamido Philippines, makakakita ng iba’t ibang produkto na nakagrupo sa iba-ibang kategorya tulad ng kagamitang pambahay, aksesorya, alahas, elektronika, relos at marami pang iba. Ang websayt ng Lamido ay binuo na nakaayon sa mga patakaran na pumuprotekta sa seguridad[1] ng parehong mamimili at nagbebenta. Pinahahalagahan din ng Lamido ang impormasyon ng mga gumagawa ng transaksyon[2] Naka-arkibo 2014-07-02 sa Wayback Machine. sa websayt. Ang pamimili sa Lamido ay sa pamamagitan ng bank transfer at cash on delivery (COD).[3] Naka-arkibo 2014-07-02 sa Wayback Machine.
Nitong Setyembre 2014, Ang Lamido ay naglabas ng mobile app para sa mga gumagamit ng smartphones at android phones. Ito ay naging posible ayon na rin sa lumalaking demand ng publiko para sa mas mabilis at madaling pamamaraan ng online shopping. Sa pamamagitan ng Lamido App[4] Naka-arkibo 2015-03-04 sa Wayback Machine., maaari nang mamili ng iba’t ibang gamit sa pamamagitan ng mobile phone. Maaari na ring maging updated sa mga kasalukuyang online deals sa website kahit saan mang sulok ng Pilipinas kung may naka-install na Lamido App sa cellphone.
Pagtanggap ng publiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa Third Team Media, isang social media at digital marketing na kompanya na nakabase sa Cebu, ang Lamido ay isa sa mga papaangat na tindahan ng mga gamit online.[6] Tinagurian din nito ang Lamido bilang isang kumpanya na nagbibigay ng pinakamagandang deals sa mga mamimili.
Rocket Internet
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Rocket Internet ay isang kumpanya na itinatag ng Samwer Brothers noong 1997 at matatagpuan sa Berlin, Germany. Kilala ito bilang isang kumpanya na bumubuo ng iba’t ibang klaseng kumpanya sa buong mundo.[7] Sa kasalukuyan, mayroong mahigit isang daang kumpanya ang Rocket Internet sa humigit kumulang limampung bansa.
Mga kumpanya ng Rocket sa Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Lazada – ang nangungunang online shopping store na nagbebenta ng iba’t ibang gamit
- EasyTaxi – isang dinibelop na mobile app at ginagamit sa pagarkila ng taxi
- Carmudi – isang websayt na nagbebenta ng mga bago at lumang kotse
- Lamudi – isang websayt kung saan pwedeng magbenta ng real estate
- Lamido – isang buy and sell websayt kung saan pwede magbenta at mamili ng mga gamit
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Rocket Internet rolls out Lamido, yet another online marketplace for the Philippines". 2014. Nakuha noong 18 Hunyo 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Rocket Internet takes next step into Asian e-commerce market". 2013. Nakuha noong 18 Hunyo 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Lamido Vietnam". 2014. Nakuha noong 18 Hunyo 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Lamido Indonesia". 2014. Nakuha noong 18 Hunyo 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Lamido Malaysia". 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Hunyo 2014. Nakuha noong 18 Hunyo 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Loading Your Online Shopping Cart: A Look at Emerging Online Stores in the Philippines". 2014. Nakuha noong 18 Hunyo 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Rocket Internet's Marc Samwer On Cloning: We Make Business Models Better Because We Localize Them". 2013. Nakuha noong 18 Hunyo 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga link na panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- "Official Website". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-06-13. Nakuha noong 2014-06-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)