Lehiyon ni Maria
Ang Legion ni Maria o Lehiyon ni Maria (sa Ingles ay Legion of Mary at sa Latin ay Legio Mariae) ay isang pandaigdigang organisasyon ng Simbahang Katoliko para sa mga layko o hindi mga pari na naglilingkod sa simbahan sa pamimintuho kay Maria.
Kasaysayan ng pagkakatatag
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binuo ni Frank Duff ang organisasyon sa Dublin, Irlanda noong ika-7 ng Setyembre 1921 dahil sa kanyang masidhing hangarin na magkaroon ng pamimintuho ang mga layko kay Maria.
Layunin ng Legion
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang layunin ng Legion ni Maria ay ang kaluwalhatian ng Diyos at ang kabanalan ng mga kasapi sa pamamagitan ng panalangin at pakikipag-isa sa gawain ni Maria at Santa Iglesia na durugin ang Ulo ng Ahas (Genesis 3:15) at palaganapin ang kaharian ni Kristo sa ilalim ng pamunuan ng Simbahan.[1]
Ang mga Paraan para maging isang miyembro ng Legion
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Legion ni Maria ay bukas sa lahat ng mga katoliko na:
- Tapat na tumutupad ng kanilang relihiyon.
- May maalab na hangaring isagawa ang apostolado sa mga gawain ng Legion.
- Handang sumunod sa bawat isa at sa lahat ng tungkulin.
Para maging miyembro ng organisasyong ito, kailangan siya ay binyagang katoliko at handang maglingkod sa watawat ni Maria sa pamamagitan ng pagkakawang-gawa sa kapwa upang mapalapit sa Diyos at sa Simbahan. Ang gawaing ito ay tinatawag na apostolado.[2]
Ang mga nais maging kasapi ng Legion ay kailangang magpatala sa Praesidium. Kung ang kandidato ay wala pang labing-walong gulang, siya ay matatanggap lamang sa Junior praesidium.[1]
Pamahalaan ng Legion
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pamahalaan ng Legion, maging pampook at panlahat ay pinapatakbo ng kanyang mga sanggunian o councils. Ang kanilang tungkulin ay pairalin ang buklod ng pagkakaisa, panatilihing buhay ang mga simulain ng Legion ni Maria, ipagtanggol ang diwa, mga tuntunin at patakaran ng Legion alinsunod sa saligang-aklat ng Legion at palaganapin ito.
Ang takbo ng Legion ay magiging mabuti kung ang palakad na ipinatupad nito ay mabuti.
Ang mga sanggunian ng Legion ay ang mga sumusunod, mula sa mababa hanggang pinakamataas na sanggunian:
- Praesidium
- Curia
- Comitium
- Regia
- Senatus
- Concilium[1]
Pagpapalaganap ng Legion
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Legion ay lumaganap sa buong mundo sa tulong na rin ng dalawang prominenteng lingkod ng Legion na si Venerable Edel Quinn na nagpalaganap ng Legion sa kontinente ng Aprika, at ni Servant of God, Alfie Lambe na nagpalaganap naman sa kontinente ng Timog Amerika.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 Padron:Legion of Mary Tagalog Handbook
- ↑ Saligang Aklat ng Legion ni Maria. Nilimbag ng Concilium Legionis Mariae. Dublin, Irlanda. Bagong Edisyon, 1993. Nihil Obstat: Mons. Soc Villegas. Imprimi protest: +Jaime Card. Sin, Archiep. Manilensis. Maynila, Disiembre 8, 1996.