Pumunta sa nilalaman

Leon Guinto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Leon Guinto
Alkalde ng Maynila
Nasa puwesto
27 Enero 1942 – 17 Hulyo 1944
Bise AlkaldeHermenegildo Atienza (1942−1944)
Nakaraang sinundanJorge B. Vargas
Sinundan niHermenegildo Atienza
Kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula ikalawang distrito ng Tayabas
Nasa puwesto
1925–1931
Nakaraang sinundanRafael R. Vilar
Sinundan niMarcelo T. Boncan
Gobernador ng Quezon
Nasa puwesto
30 Disyembre 1955 – 30 Disyembre 1959
Nasa puwesto
1931–1933
Personal na detalye
Isinilang
Leon Gawaran Guinto

28 Hunyo 1896(1896-06-28)
Bacoor, Cavite, Captaincy General of the Philippines
Yumao10 Hulyo 1962(1962-07-10) (edad 66)
Maynila, Pilipinas
HimlayanManila South Cemetery
Partidong pampolitikaKALIBAPI
AsawaMarta Montes
Anak3
Alma materColegio de San Juan de Letran
Trabahopolitiko

Si Leon Gawaran Guinto Sr. (28 Hunyo 1896 − 10 Huyo 1962) ay dating lingkod bayan mula sa Pilipinas mula noong panahong ng Komonwelt hanggang sa panahong makaraan ang digmaan. Higit siyang nakilala bílang alkalde ng Maynila noong panahon ng digmaan.

Panimulang búhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Guinto noong 28 Hunyo 1896 kay Juan Guinto at Pia Gawaran sa Barrio San Nicolas, Bacoor, Cavite. Nagtapós siya ng pag-aaral sa Colegio de San Juan de Letran. Una siyang nagtrabaho sa Kawanihan ng Panahon. Ikinasal siya kay Marta Montes na taga-Atimonan, Tayabas at nagkaroon ng limang supling, tatlong lalaki, at dalawang babae.

Noong 1916, nilisan niya ang kaniyang trabaho sa Kawanihan ng Panahon upang mag-aral ng batás sa Escuela de Derecho, at noong 1920 naging ganap na abogado. Matapos noon, nakapagtrabaho siya bílang pribadong kalihim ni Manuel L. Quezon na Pangulo ng Senado.

Paglilingkod sa pamahalaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Panahon ng mga Amerikano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Makaraang manungkulan sa maikling panahon bílang pribadong kalihim ni Manuel Quezon, tumakbo noong 1922 si Guinto bílang kagawad ng Lupong Panlalawigan ng Tayabas, ang pinanggalingang lalawigan ng kaniyang asawang si Marta Montes.

Noong 1925, kumandidato si Guinto bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Tayabas sa Kapulungan ng mga Kinatawan. Kaniya itong napanalunan at nanungkulan sa naturang posisyon sa loob ng anim na taon hanggang 1931.

Nahalal siya bílang gobernador ng Tayabas noong 1931, ngunit napaikli ang kaniyang termino nang siya'y hirangin ni Gobernador Heneral Theodore Roosevelt Jr. bilang Komisyonado ng Kaligtasang Pambayan. Bandang hulí ng 1933, hinirang siya ni Gobernador Heneral Frank Murphy bílang pangalawang kalihim ng Kagawarang Interyor. Noong 1934, nang ipinagsanib ang kagawaran ng Interyor, at ng kagawaran ng Paggawa, nagpatuloy si Guinto bilang pangalawang kalihim sa naturang magkasanib na tanggapan.

Panahong Komonwelt

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1940, hinirang si Guinto bilang Kalihim ng Paggawa sa pamahalaang Komonwelt ni Pangulong Manuel L. Quezon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]