Atimonan
Atimonan Bayan ng Atimonan | ||
---|---|---|
| ||
Mapa ng Quezon na nagpapakita sa lokasyon ng Atimonan. | ||
Mga koordinado: 14°00′13″N 121°55′11″E / 14.003589°N 121.919861°E | ||
Bansa | Pilipinas | |
Rehiyon | Calabarzon (Rehiyong IV-A) | |
Lalawigan | Quezon | |
Distrito | Pang-apat na Distrito ng Quezon | |
Mga barangay | 42 (alamin) | |
Pagkatatag | 4 Pebrero 1608 | |
Pamahalaan | ||
• Punong-bayan | Rustico Joven U. Mendoza | |
• Manghalalal | 38,098 botante (2022) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 239.66 km2 (92.53 milya kuwadrado) | |
Populasyon (Senso ng 2020) | ||
• Kabuuan | 64,260 | |
• Kapal | 270/km2 (690/milya kuwadrado) | |
• Kabahayan | 16,701 | |
Ekonomiya | ||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng bayan | |
• Antas ng kahirapan | 22.69% (2021)[2] | |
• Kita | (2022) | |
• Aset | (2022) | |
• Pananagutan | (2022) | |
• Paggasta | (2022) | |
Kodigong Pangsulat | 4331 | |
PSGC | 045603000 | |
Kodigong pantawag | 42 | |
Uri ng klima | Tropikal na kagubatang klima | |
Mga wika | wikang Tagalog | |
Websayt | atimonan.gov.ph |
Ang Atimonan ay isang ika-1 klaseng bayan sa lalawigan ng Quezon, Pilipinas. Matatagpuan ang bayan sa silangang baybayin ng lalawigan, 42 kilometro (26 milya) mula sa Lucena at 172 kilometro (107 milya) sa timog-silangan ng Maynila. Naghahanggan ang bayan sa mga munisipalidad ng Gumaca, Plaridel, Pagbilao at ng Padre Burgos. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 64,260 sa may 16,701 na kabahayan.
Isang makasaysayang lugar ang bayan na itinayo pa noong panahong kolonyal ng mga Kastila. Maraming mga masaysayang mga lugar sa bayan tulad ng simbahang bayan, ang daang Balagtas, at ang watchtower ng Iskong Bantay, sa daang kapangalan din ng watchtower, na pangunahing ginamit noong panahong Kastila para mapag-handaan ang mga paglusob ng mga piratang muslim.
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa isang aklat ni Jesus Olega, sinasabing may tatlong pinanggalingan ang ngalan ng bayan ng Atimonan.
- Atimon, isang puno na hindi na nabubuhay sa kasalukuyan ngunit sinasabing tumubo sa bayan noon at maraming gamit sa mga mamamayan;
- Ang pariralang Tagalog na atin muna, nagpapahiwatig ng isang polisiya at pagkakaisa ng damdamin ng mga residente na nagpalakas ng kanilang mga diwa sa panahong nakipaglaban sila sa mga kaaway; at
- Simeona Mangaba, na mas kilala sa taumbayan bilang si Ate Monang, ang mas nakatatandang ate ni Francisco Mangaba, ang kauna-unahang kapitan ng bayan, at tagapagtatag ng bayan.
Ekonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nakabase ang ekonomiya ng Atimonana sa pangingisda at agrikultura. Marami rin ang nagiging marino. Bahagi ang bayan sa programang Tourism Highway ng Kagawaran ng Turismo.
Mga Barangay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang bayan ng Atimonan ay nahahati sa 42 barangay. Ang bawat barangay ay binubuo ng mga purok at ang ilan ay mayroong mga sityo.
|
|
|
Mga Tanawin
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Quezon National Forest Park
- Bundok Mirador
- Pinagbanderahan
- Sirena ng Atimonan
- Our Lady of the Angels Parish Church and Plaza
- Look ng Lamon
Demograpiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 11,203 | — |
1918 | 13,087 | +1.04% |
1939 | 18,512 | +1.67% |
1948 | 21,474 | +1.66% |
1960 | 32,294 | +3.46% |
1970 | 35,478 | +0.94% |
1975 | 37,483 | +1.11% |
1980 | 39,894 | +1.25% |
1990 | 46,651 | +1.58% |
1995 | 54,283 | +2.88% |
2000 | 56,716 | +0.94% |
2007 | 59,157 | +0.58% |
2010 | 61,587 | +1.48% |
2015 | 63,432 | +0.56% |
2020 | 64,260 | +0.26% |
Sanggunian: PSA[3][4][5][6] |
Atimonanin (atimonean) ang tawag sa mga naninirahan sa Atimonan. Tagalog ang pangunahing wika, at maraming lokal na ekspresyon. Kadalasang nauunawaan ng mga Manilenyo ang Atimonang Tagalog, ngunit may kakaunting pagkakaiba. Karamihan sa mga Atimonanin ay may lahing Intsik o kaya'y Kastila. Ang ibang Atimonanin naman ay nakakapagsalita ng Bicolano, Lan-nang, o kaya'y Espanyol.
Relihiyon
Pinakamalaking relihiyon ang Romano Katoliko sa Atimonan, may mga grupo o sekta din gaya ng Iglesia ni Cristo, Latter Day Saints at Born Again Christians. Ang Atimonan ay malalim na kaugat sa rural na buhay pangingisda. Ilan sa mga ibang relihiyon sa bayan ay:
- Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (mas kilala bilang Mormon)
- Atimonan United Christian Ministries AUCM (Kristiyanong Born Again)
- Iglesia ni Cristo
- Simbahan ng Adbentista ng Ikapitong Araw
- Mga Saksi ni Jehova
- Iglesia Filipina Independiente (kilala bilang mga Aglipay)
- Islam
- Ang Dating Daan
Klima
[baguhin | baguhin ang wikitext]Datos ng klima para sa Atimonan, Quezon | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Katamtamang taas °S (°P) | 31.6 (88.9) |
32 (90) |
34 (93) |
34.6 (94.3) |
35.6 (96.1) |
36 (97) |
35 (95) |
35 (95) |
35.3 (95.5) |
35 (95) |
33 (91) |
32 (90) |
34.09 (93.4) |
Katamtamang baba °S (°P) | 21 (70) |
20.3 (68.5) |
21.3 (70.3) |
21 (70) |
22.6 (72.7) |
23 (73) |
23 (73) |
23 (73) |
23 (73) |
23 (73) |
23.3 (73.9) |
23.3 (73.9) |
22.32 (72.02) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 156.6 (6.165) |
169.3 (6.665) |
109 (4.29) |
60.9 (2.398) |
198.9 (7.831) |
235.4 (9.268) |
262.7 (10.343) |
156.2 (6.15) |
234.5 (9.232) |
326.8 (12.866) |
346.6 (13.646) |
304.3 (11.98) |
2,561.2 (100.834) |
Araw ng katamtamang pag-ulan | 22 | 6 | 6 | 5 | 15 | 15 | 13 | 14 | 8 | 22 | 17 | 16 | 159 |
Sanggunian: MDRRMO Atimonan[7] |
sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑
"Province: Quezon". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population (2015). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "Region IV-A (Calabarzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑
"Province of Quezon". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Atimonan: Average Temperatures and Rainfall". MDRRMO Atimonan. Nakuha noong 1 Hunyo 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
Kawing Panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Atimonan Online
- Discover Atimonan, Quezon Naka-arkibo 2009-04-16 sa Wayback Machine.
- eXplore Quezon Naka-arkibo 2004-09-28 sa Wayback Machine.
- Philippine Standard Geographic Code Naka-arkibo 2012-04-13 sa Wayback Machine.
- 2010 Philippine Census Information Naka-arkibo 2012-06-25 sa Wayback Machine.