Pumunta sa nilalaman

Quezon

Mga koordinado: 13°56′N 121°37′E / 13.93°N 121.62°E / 13.93; 121.62
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Tayabas (lalawigan))
Tungkol sa lalawigan ang artikulong ito. Para sa ibang pang gamit, sumangguni sa Quezón (paglilinaw).
Quezon

Tayabas
(mula itaas: kaliwa hanggang kanan) Bundok Banahaw de Lucban, Quezon Provincial Capitol, Quezon boundary arch sa Tiaong, Alibijaban Island, Cagbalete Island at Tulay Malagonlong
Watawat ng Quezon
Watawat
Opisyal na sagisag ng Quezon
Sagisag
Mga palayaw: 
Kalupaan ng Libong Kulay (Land of Thousand Colors)
Kaniyugan/ Lupain ng Niyog (Cocolandia)[1][2]
Buslo ng Pagkain ng Calabarzon (Food Basket of CALABARZON)[3]
Bansag: 
Walang Tamad sa Quezon![4]
Pilipinas, Quezon Naman!
Healing Quezon
Awit: Lalawigan ng Quezon (Quezon Hymn)
Lokasyon sa Pilipinas
Lokasyon sa Pilipinas
OpenStreetMap
Map
Mga koordinado: 13°56′N 121°37′E / 13.93°N 121.62°E / 13.93; 121.62
BansaPilipinas
RehiyonCalabarzon (Rehiyong IV-A)
Itinatag1591 (bilang Kalilayan)
Paghihiwalay mula sa Laguna1754 (bilang Tayabas)
Itinatag muliMarso 12, 1901 (bilang Tayabas)
Ipinangalan kay (sa)Manuel L. Quezon
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Lucena
Pamahalaan
 • GobernadorAngelina D.L. Tan (NPC)
 • Bise GobernadorAnacleto A. Alcala III (NPC)
 • LehislaturaQuezon Provincial Board
Lawak
 • Kabuuan8,989.39 km2 (3,470.82 milya kuwadrado)
Ranggo sa lawak8th out of 81
Pinakamataas na pook2,170 m (7,120 tal)
Populasyon
 (senso ng 2020)
 • Kabuuan1,950,459
 • Ranggo13th out of 81
 • Kapal220/km2 (560/milya kuwadrado)
 • Ranggo sa densidadika-45 sa lahat ng 81
 (maliban sa Lucena)
DemonymQuezonian (Ingles)
Taga-Quezon, Quezonin (Tagalog)
Tayabasin (Tagalog-petsado)
Tayabeño(-a) (Espanyol-arkeyik)
Divisions
 • Malalayang lungsod
 • Mga bahaging lungsod
 • Mga munisipalidad
 • Mga Barangay
 • Mga distritoLegislative districts of Quezon (ibinahagi kasama ang Lucena)
Demographics
 • Mga Etnikong grupo
Sona ng orasUTC+8 (PHT)
ZIP code
4300–4342
IDD:area code+63 (0)42
Kodigo ng ISO 3166PH-QUE
Sinasalitang wika
Websaytquezon.gov.ph

Quezon (Baybayin: ᜃᜒᜐᜓᜈ꠸), opisyal na Lalawigan ng Quezon (Ingles: Province of Quezon), ay isang lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Calabarzon sa Luzon. Kalilayan[N 1] ang unang kilalang pangalan ng lalawigan noong pagkatatag nito noong 1591. Noong kalagitnaan ng ika-18 siglo, ito ay pinalitan ng Tayabas. Bilang pagkilala sa ikalawang pangulo ng Pilipinas na si Manuel L. Quezon, ang pangalan ng Lalawigan ng Tayabas ay pinalitan ng Quezon. Ang Lucena, ang kabisera ng probinsiya ay pinamamahalaan nang malaya mula sa lalawigan bilang isang lubos na urbanisadong lungsod. Upang maitangi ang lalawigan sa Lungsod Quezon, minsan ay tinatawag itong Probinsya ng Quezon.

Pinalilibutan ito ng mga lalawigan ng Aurora sa hilaga, Bulacan, Rizal, Laguna at Batangas sa kanluran, at ang Camarines Norte at Camarines Sur sa silangan. Ang bahagi ng Quezon ay namamalagi sa isang dalahikan na nagdurugtong ng Tangway ng Bicol sa pangunahing bahagi ng Luzon. Kabilang din sa lalawigang ito ang mga pulo ng Polilio sa Dagat ng Pilipinas.

Isa sa pangunahing atraksyon sa Quezon ay ang Bundok Banahaw. Sinasabing ang kabundukang ito ay napapalibutan ng espirituwal na mistisismo kung saan maraming may Anitismong paniniwala at mga kulto o debotong Kristiyano ang pumupunta at nananatili sa banal na lugar na ito tuwing sasapit ang Mahal na Araw. Ang kabundukang ito ay isa rin sa mga pinakasagradong pook o dambana para sa mga sinaunang Tagalog bago dumating ang mga Espanyol.

Sinaunang kasaysayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga arkeolohikong paghuhukay sa lalawigan ay nagpapatunay sa mayamang nakaraan nitong prekolonyal. Ang mga arkeolohikal na materyales kabilang ang burial jar, buto ng tao, shell midden at pot shreds ay natuklasan sa iba't ibang lugar sa Bondoc Peninsula kabilang ang mga bayan ng San Narciso, San Andres, Mulanay at Catanauan. Ang pinakahuling paghuhukay ay isinagawa sa Catanauan ng Catanauan Archaeological and Heritage Project.

Ayon sa paunang ulat na inilabas ng Catanauan Archaeological and Heritage Project, maraming paghuhukay na ang isinagawa noong 1930s. Ang isa sa mga paghuhukay ay isinagawa sa San Narciso kung saan natagpuan ng mga arkeologo ang mga banga ng libing. Ang pook, na sinuri ni Ricardo Galang, ay nagresulta sa pagkatuklas ng mga banga na malapit sa baybayin. Nagpunta rin si Galang sa San Andres kung saan ang mga paghuhukay ay nagbunga ng 14th at 15th daantaong mga seramik pati na rin ang kabibeng breyslet at kwintas. Ayon din sa dyurnal, sa isang pook na pinangalanang Tala, natuklasan ng mga arkeologo ang isang glazed Chinese jar na naglalaman ng mga buto mula sa unang bahagi ng dinastiyang Ming. Kung titingnan ang iba pang mga arkeyolohikong kinalalagyan na matatagpuan sa mga katabing lugar tulad ng Marinduque at Masbate, mahihinuhang ang mga paghuhukay na ito ay nagmula pa sa panahon ng metal ng kapuluan.

Noong 2012, sa Mt. Kamhantik sa bayan ng Mulanay, natuklasan ang 15 kabaong apog. Ang carbon dating sa isang ngipin ng tao ay natagpuan na ito ay hindi bababa sa 1,000 taong gulang. Ayon sa mga arkeologo, ang nayon ay patunay na ang mga sinaunang naninirahan sa lugar ay nagpraktis ng mas sopistikadong paraan ng pamumuhay. Ang mga kasangkapang metal ay pinaniniwalaang ginamit sa pag-ukit ng mga kabaong, at ito ang unang uri nito na natuklasan sa kapuluan. Ang mga labi ay sinasabing mula pa noong ika-10 hanggang ika-14 na siglo.[6]

Panahon ng kolonyal ng mga Espanyol

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Lalawigan ng Quezon ay orihinal na tinawag na Kaliraya/Kalilayan, hango sa kabiserang bayan nito (ngayon ay Unisan) sa pagkatatag nito noong 1591. Gayunpaman, noong kalagitnaan ng ika-18 siglo, ang kabisera ay inilipat sa bayan ng Tayabas na noon ay pinalitan din ang pangalan ng lalawigan sa Tayabas. Ang teritoryo na ngayon ay bumubuo sa lalawigan ay dating nasa ilalim ng hurisdiksyon ng iba't ibang lalawigan. Ang timog at gitnang bahagi ay nasa ilalim ng lalawigan ng Bonbon, kung minsan ay tinatawag na Balayan, noong 1585. Ang hilagang bahagi ay nahahati sa pagitan ng Laguna at Nueva Ecija.

Pananalakay ng mga Moro

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakatala sa kasaysayan na ang lalawigang ito ay ginalugad ni Juan de Salcedo noong 1571 at 1572 sa panahon ng kanyang ekspedisyon mula Laguna hanggang Ambos Camarines. Binisita din niya ang bayan ng Baler, Casiguran, at Infanta. Tulad ng maraming iba pang mga lalawigan, ang Tayabas ay dumanas ng mga pananalakay ng mga Moro. Noong 1798, hinarass ng isang armada ng mga 25 o higit pang mga bangka ang mga bayan ng Casiguran, Palanan, at Baler kung saan nagdakip ng 450 bihag. Ang mga bayan sa kahabaan ng timog na baybayin ng Bondoc Peninsula ay hindi nakaligtas sa marahas na pananalakay.

Ang pagkawasak ng Kalilayan noong 1604 dahil sa malaking armada ng mga tulisang Moro ay naging sanhi ng paglipat ng mga naninirahan sa Palsabangon (Pagbilao). Ang panloloob at pandarambong ng mga Moro galing sa Jolo at Brunei ay laganap noong 1600s. Upang makapagdakip ng gagawing alipin o alila, ang isang dahilan ng paglaganap ng mga pagsalakay na ito. Isang padron para sa Calilaya ang iniutos pagkatapos magdusa nang husto ng Tayabas dahil sa pagsalakay ng mga Moro. Sinasabing 187 katao ang nabihag o napatay habang 400 ang tumakas. Ang takot sa mga pagsalakay na ito ay ang pangunahing dahilan ng permanenteng paggalaw ng mga pamayanan sa kahabaan ng baybayin sa loob ng bansa at pati na rin ang pangkalahatang pagbaba ng populasyon. Ang madalas na pagsalakay ng mga Moro ay nakagambala sa produksyon ng pagkain sa lalawigan, na nakakaapekto sa nutrisyon ng mga naninirahan dito. Ang malnutrisyon ng ina ay binanggit din bilang isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ng sanggol noong panahong iyon. Pagsapit ng 1701, ang dating makapal na mga lugar sa baybayin ng lalawigan, ay inilarawan bilang binubuo ng mga rancheria na ang mga naninirahan ay umaasa sa mga produktong ligaw.

Ang mga mararahas na pananalakay na ito ay nagpatuloy halos hanggang sa katapusan ng kolonyal ng mga Espanyol.

Pagbabangon ng Tayabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa mga panahon ng teokrasyang kolonyal ng Espanyol, naging aktibo ang Confradia de San Jose sa lalawigan, dulot ng lumalaking agwat ng hindi pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mahihirap at ng matataas na uri. Ang organisasyong ito ay nakadirekta karamihan sa mahihirap o katutubo at hindi tinatanggap ang mga Espanyol o Mestizo nang walang pagsang-ayon. Pinamumunuan ang samahan ni Apolinario de la Cruz, tubong Lucban, at kilala rin bilang Hermano Pule. Ang cofradía ay kaniyang naitatag noong 1832 bilang tugon sa mga gawain ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas na umaabuso at nagdidiskrimina sa katutubong lahi. Ang kapatiran ay lumago sa bilang at impluwensya, na umaakit ng mga tagasunod na nagbahagi ng kanyang pananaw sa katarungang panlipunan at reporma sa relihiyon. Sa kasagsagan nito, ang Cofradía ay may 4,500 hanggang 5,000 miyembro mula sa mga lalawigan ng Tayabas, Batangas, Cavite, Laguna, at Camarines. Ninais niyang maging legal ang Cofradia dahil sa paglaki ng kasapian ngunit binatikos ito ng mga paring Español, sa pangunguna ni Arsobispo Jose Segui.

Dahil sa paghihinala na isang samahang mapanghimagsik ang Cofradia, ang pamahalaang kolonyal ay nagpadala ng mga pwersang militar upang sugpuin ang Cofradía, isang pag-atake na dinipensahan at nilabanan ni Hermano Pule at ng kanyang mga tagasunod noong Oktubre 23, 1841. Gayunpaman, mas maraming armadong pwersa ang ipinadala at ang cofradía ay nasugpo ng kolonyal na pwersang militar noong Nobyembre 1, 1841. Nilitis at binitay siya sa bayan ng Tayabas noong Nobyembre 4, 1841. Pinagputol-putol ang kaniyang katawan. Tinuhog ang kaniyang ulo at itinanghal sa daan patungong Majayjay upang huwag sundan ng taumbayan si Hermano Pule na tinatawag ng mga tagasunod na “Hari ng mga Tagalog".

Tayabas Regiment Revolt

Ilang taon pagkatapos ng Cofradia Revolt, noong Enero 20, 1843, ang Rehimenteng Tayabas, sa pamumuno ni Sarhento Irineo Samaniego, ay bumangon sa pag-aalsa laban sa Espanya upang bigyang katarungan ang pagpatay kay Hermano Pule at sa mga kasapi ng Cofradia. Nakubkob ng Rehimyento ang Kuta ng Santiago at iba pang lugar ng Intramuros sa tulong na rin ng mga katutubong bantay sa loob nito. Ito ang tanging katutubong puwersa sa kasaysayan ng Pilipinas na matagumpay na nakakubkob sa Fort Santiago at Maynila. Sa unang pagkakataon, ang salitang “Independencia” ay isinisigaw ng Tayabas Regiment, upang hikayatin ang kanilang mga kababayan ng pagbangon laban sa Espanya. Gayunpaman, kinabukasan, ang mga tarangkahan ng Fort Santiago ay binuksan ng mga loyalistang sundalo. Pagkatapos ng madugong labanan, ang mga rebolusyonaryo ay natalo ng mga loyalistang tropa, na nagresulta sa pagbitay kay Samaniego at 81 sa kanyang mga tagasunod sa parehong araw.

Ang Tayabas ay isa rin sa unang lalawigang sumapi sa Rebolusyon sa Pilipinas. Noong Agosto 5, 1898, naangkin ni Heneral Miguel Malvar ang Tayabas sa ngalan ng Rebolusyonaryong Pamahalaan. [7]

Panahon ng pananakop ng mga Amerikano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dumating ang mga Amerikano at sinanib ang Pilipinas. Isang pamahalaang sibil ang itinatag sa lalawigan noong Marso 12, 1901, at ang Lucena ay ginawang kabisera ng probinsiya.

Sa panahon ng pasipikasyon ng mga Amerikano sa kapuluan, ang mga pag-aalsa ay pangkaraniwan sa tinatawag noon na lalawigan ng Tayabas. Kadalasang ginagamit ng mga rebelde mula sa mga kalapit na lalawigan ng Laguna at Batangas ang Tayabas bilang kanilang base ng operasyon pati na rin ang kanilang pinagkukunan ng mga suplay. Ang isang rebeldeng gobyerno, na may koneksyon kina Gen. Malvar at Pedro Caballes ay sinasabing nakabase sa Infanta. Ito ang nagbunsod sa American in charge, Brigadier-General J.F. Bell na magdesisyong bumalik sa Tayabas na may mas malaking contingent. Kinilala ni Bell ang kahalagahan ng mga daungan ng Tayabas bilang pinagmumulan ng mga panustos sa pag-aalsa kung kaya't siya ay naniniwala na ang pagsasara ng lahat ng mga daungan sa lalawigan ay maaaring magkumbinsi ng pagsuko sa mga pinuno ng resístans.

Noong 1902, ang distrito ng El Principe ay inilipat mula sa hurisdiksyon ng Nueva Ecija patungo sa Tayabas. Sa parehong taon, naging bahagi ng lalawigan ng Tayabas ang Marinduque sa bisa ng Act 499 na pinagtibay ng Philippine Commission. Gayunpaman, noong 1920, ang Batas 2280 ay ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas, na muling itinatag ang Marinduque bilang isang hiwalay na lalawigan.

Dahil sa layo ng Tayabas at Bicol at sa dumaraming populasyon, nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Diyosesis ng Lipa ang Tayabas noong 1910.

Panahon ng pananakop ng mga Hapones

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pananakop ng mga Hapon sa lalawigan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagsimula noong Disyembre 23, 1941, nang dumaong ang Hukbong Imperyal ng Hapon sa Atimonan. Ang nakatalagang General Headquarters ng Philippine Commonwealth Army at Philippine Constabulary sa Tayabas mula Enero 3, 1942 hanggang Hunyo 30, 1946, ay mga operasyong militar laban sa pananakop ng mga Hapones. Abril 4, 1945 ang araw na napalaya ang lalawigan nang makarating sa Lucena ang pinagsamang pwersa ng hukbong Pilipino at Amerikano.

Kasarinlan ng Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagpapalit ng pangalan mula Tayabas patungong Quezon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkatapos ng digmaan, noong Setyembre 7, 1946, pinalitan ng Batas Republika Blg. 14 ang pangalang Tayabas patungong Quezon, bilang parangal kay Manuel L. Quezon, ang pangulo ng Kommonwealth na nagmula sa Baler, na isa sa mga bayan ng lalawigan.[8]

Pag-usbong ng industriya ng niyog

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bago pa man makamit ng Pilipinas ang kasarinlan, ang lalawigan ay umaasa na sa niyog. Ang kasaysayang ito ay malinaw na makikita sa pamamagitan ng mga mayayamang bahay na itinayo sa bayan ng Sariaya sa panahong ito. Ang mga niyog ay nagsilbing pangunahing pinagkukunan ng kita para sa mga maylupang uri ng Sariaya at ito ang nagbigay-daan sa kanila na makapagtayo ng mga ancestral house na nakikita ngayon.[9] Ito ang nagbunsod sa ilang kumpanya tulad ni Peter Paul na itatag ang presensya nito sa Candelaria para gumawa ng mga produkto tulad ng desiccated coconut noong panahong ito.

Pagtatatag ng Lalawigan ng Aurora

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Hunyo 1951, ang hilagang bahagi ng Quezon (partikular, ang mga bayan ng Baler, Casiguran, Dilasag, Dingalan, Dinalongan, Dipaculao, Maria Aurora at San Luis) ay ginawang sub-probinsya ng Aurora na hango sa ngalang Aurora Quezon, asawa ni Manuel L. Quezon. Nahiwalay ang Aurora sa Quezon bilang isang malayang lalawigan noong 1979. Sa pagpapalabas ng Executive Order No. 103, na may petsang Mayo 17, 2002, ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ang lalawigan ng Aurora ay inilipat sa Gitnang Luzon (Rehiyon III), heograpikal na lokasyon ng lalawigan; ang natitirang mga lugar ng Quezon at iba pang mga lalawigan ng Timog Katagalugan na nahahati sa Calabarzon at Mimaropa.

Noong panahon ng diktadurang Marcos

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Quezon Province ay hindi nakaligtas sa panlipunan at pang-ekonomiyang kaguluhan sa panahon ng Diktadurya ni Ferdinand Marcos, kabilang ang kanyang pagsuspinde noong 1971 sa writ of habeas corpus, ang kanyang 1972 na deklarasyon ng batas militar, at ang kanyang patuloy na paghawak sa kapangyarihan mula sa pagtanggal ng batas militar noong 1981 hanggang sa pagpapatalsik sa kanya sa ilalim ng People Power Revolution ng 1986. Isang malaking kaganapan na naganap sa panahong ito ay ang Guinayangan massacre noong Pebrero 1, 1981, kung saan pinaputukan ng mga elemento ng Militar ang isang grupo ng humigit-kumulang na magniniyog na nagmartsa patungo sa Guinayangan plaza air para iprotesta ang coco levy fund scam. Dalawang tao ang namatay at 27 ang nasugatan.[10][11]

Kabilang sa mga mamamayan ng Quezon na naging biktima ng sapilitang pagkawala sa panahon ng diktadurang Marcos ay ang human rights worker na si Albert Enriquez ng Lucena, na nagdokumento ng mga pang-aabuso ng militar bilang isang boluntaryo para sa Task Force Detainees of the Philippines; at aktibistang si Ramon Jasul na nagtatag ng Bagong Kabataan ng Lukban (Bagong Kabataan ng Lucban) sa kanyang bayan. Si Enriquez ay dinukot ng mga armadong lalaki noong Agosto 29, 1985,[12] habang si Jasul ay dinukot sa Makati bilang bahagi ng Southern Tagalog 10 insidente noong huling bahagi ng Hulyo 1977.[13] Ni hindi na nakitang muli, at pareho silang pinarangalan sa pamamagitan ng pag-ukit ng kanilang mga pangalan sa dingding ng alaala sa Bantayog ng mga Bayani ng Pilipinas.[14]

Ang Quezon ang nangungunang tagagawa ng bansa ng mga produkto ng niyog tulad ng langis ng niyog at kopra. Maraming mga planta ng niyog ang matatagpuan sa malaking bahagi ng lalawigan. Iba pang mga pangunahing pananim ay palay, mais, saging, at kape. Isa ring pangunahing bahagi ng ekonomiya ng Quezon ang pangingisda.

  • Gobernador: Angelina Tan
  • Bise-Gobernador: Anacleto A. Alcala III
  • Kinatawan:
    • Unang Distrito: Wilfrido Mark M. Enverga
    • Pangalawang Distrito: David C. Suarez
    • Pangatlong Distrito: Matias Defensor, Jr.
    • Pang-apat na Distrito: Keith Micah Tan

Sa heograpiya, ang lalawigan ng Quezon ay may kabuuang 41 na bayan na binubuo ng 39 na munisipyo, 1 bahaging lungsod at 1 kabiserang lungsod. Ito ay may kabuuang 1,242 na barangay kasama ang mga barangay ng kabiserang lungsod.

Sa pangangasiwang pampolitika, binubuo ang Quezon ng 39 na mga bayan at isang bahaging lungsod, Tayabas. Lahat ay nakaayos sa apat na mga distritong pambatas, at nahahati sa 1,209 na mga barangay.

Ang kabiserang lungsod, Lucena, ay malaya mula sa pamamahalang pampangasiwaan at pampiskal ng lalawigan, ngunit maaari silang bumoto ng mga opisyal ng lalawigan.

  1. Ang lalawigan ng Kalilayan ay ang makasaysayang opisyal na pangalan ng lalawigan ng Quezon mula 1591 hanggang 1749. Ang orihinal na kabisera ng Quezon ay ang bayan ng Kalilayan, ngayon ay Unisan. Ang mga makabagong katawagan ang pamantayan sa kontemporaryong paggamit sa pagsusulat. Gayunpaman, nananatili ang paggamit ng Kalilayan bilang pangalan ng mga panlipunang organisasyong sibil kagaya ng Hiyas Kalilayan, Kalilayan Folkloric Dance Group, UP Kalilayan, atbp.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Philippine Coconut Statistic 2018" (PDF). Philippine Coconut Authority. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2023-02-13. Nakuha noong 2023-04-08.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Quezon Province has been known as Cocolandia for being the top coconut producer in the Philippines". FILIPIKNOW®. Hulyo 15, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Building climate-resilient communities". Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-02-13. Nakuha noong 2023-04-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. ATAGAN - Alternatibong Tahanan ng mga Akda at GAwang Nasaliksik. [Tayabas (Quezon) Studies Center]
  5. "List of Provinces". PSGC Interactive. Makati City, Philippines: National Statistical Coordination Board. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 17, 2013. Nakuha noong Nobyembre 22, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "1,000-year-old village found in Philippines". The Telegraph (sa wikang Ingles). 2012-09-20. Nakuha noong 2023-10-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Quezon Province" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-04-06. Nakuha noong 2023-10-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Republic Act No. 14". lawphil.net. Nakuha noong 2023-10-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. BOLISLIS, By FERDI (2015-04-25). "The stunning, endangered heritage buildings of Sariaya". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-10-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Doyo, Ma Ceres P. (2016-09-22). "Martial law massacres". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-10-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Gavilan, Jodesz (2018-10-23). "Massacres, incidents of violence against farmers". RAPPLER (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-10-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Inquirer, Philippine Daily (2018-09-22). "Tish, Jessica, Hermon and other missing martial law activists". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-10-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Olea, Ronalyn V. (2008-09-20). "The Cruelty of Enforced Disappearances: An Abhorrent Crime Against Humanity". Bulatlat (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-10-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "ENRIQUEZ, Albert R." bantayog.foundation (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-10-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. 15.0 15.1 "Province: Quezon". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 8 Enero 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Census of Population (2015). Highlights of the Philippine Population 2015 Census of Population. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Census of Population and Housing (2010). Population and Annual Growth Rates for The Philippines and Its Regions, Provinces, and Highly Urbanized Cities (PDF). NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)