Pumunta sa nilalaman

Papa Leon XIII

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Leon XIII)
Leon XIII
Nagsimula ang pagka-Papa20 February 1878
Nagtapos ang pagka-Papa20 Hulyo 1903
HinalinhanPius IX
KahaliliPius X
Mga orden
Ordinasyon31 Disyembre 1837
ni Carlo Odescalchi
Konsekrasyon19 Pebrero 1843
ni Luigi Emmanuele Nicolò Lambruschini
Naging Kardinal19 Disyembre 1853
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanVincenzo Gioacchino Raffaele Luigi Pecci
Kapanganakan2 Marso 1810
Carpineto Romano,
Roma, Imperyong Pranses]
Yumao20 Hulyo 1903
(sa gulang na 93)
Palasyong Apostoliko,
Roma, Kaharian ng Italya
Eskudo de armas{{{coat_of_arms_alt}}}
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Leon

Si Papa Leon XIII o Papa Leo XIII (2 Marso, 181020 Hulyo, 1903), ay isang paring Italyano at nagsilbi bilang Papa at tagapamahala ng Simbahang Katoliko. Ipinanganak bilang Konde Vincenzo Gioacchino Raffaele Luigi Pecci, ay ang ika-256 na Papa ng Simbahang Romano Katoliko, na namuno mula 1878 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1903,[1] at pumalit kay Papa Pio IX. Naglingkod hanggang sa edad na 93, siya ang pinakamatandang papa, at ang ikatlong may pinakamahabang panahon sa pontipise, sa likod nina Papa Pio IX at Papa Juan Pablo II. Kilala siya bilang ang "Papa ng Manggagawang Tao" at "Ang Papang Panlipunan".

Bilang tagapagtaguyod ng karapatang panlipunan noong mga huling panahon ng ika-19 dantaon, iminungkahi niya ang pagbibili o pagbebenta ng mga lupaing Katoliko (pag-aari ng mga kapariang Kastila) na nasa Pilipinas.[2]

Iginawad ni Papa Gregorio XVI kay Pecci ang pamagat na Monsignore (Monsinyor).[3] Noong 1903, nagkaroon ng mga pagdiriwang ng Hubileong Ginintuan na bumalik-tanaw sa 50 mga taon magmula nang mapangalanan si Pecci bilang isang kardinal.[4]

Noong 1846, dinalaw niya ang London kung saan nakaharap niya si Reyna Victoria.[5]

Si Pecci ay naging Obispo ng Perugia sa loob ng 32 mga taon, magmula 1846 hanggang 1878.[6]

Pagkakardinal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Itinaas ni Papa Pio IX ang ranggo ni Pecci upang maging kardinal noong 1853.[3]

Noong 1878, nahalal si Kardinal Pecci bilang Papa.[7] Pagkaraan ng pagkahalal sa kaniya, hindi kailanman lumabas si Papa Leon sa hangganan ng mga tarangkahan ng Batikano.[3] Nanungkulan si Papa Leon XIII hanggang sa edad na 93. Siya ang pinakamatandang papa at ang pangalawang may pinakamahabang pamumuno bilang papa bago ang pagiging papa ni Papa Juan Pablo II. Nakilala si Papa Leon XIII bilang ang "Papa ng Naghahanapbuhay na Tao."

Namatay si Papa Leo XIII sa edad na 93 dahil sa pulmonya at katandaan.[3]

Pagkaraan ng kaniyang kamatayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ibinurol si Papa Leo XIII sa Basilika ni San Pedro. Inilibing siya sa Basilika na San Juan Laterano,[3] na opisyal na luklukan ng Obispo ng Roma.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Eskudo ng Armas ni Papa Leon XIII
  1. "List of Popes," Catholic Encyclopedia (2009); retrieved 2013-3-18.
  2. Karnow, Stanley (1989). "Leo XIII". "In Our Image, America's Empire in the Philippines", Random House, Inc., New York, ISBN 0345328167.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 "The Life and Personality of the Dead Pope," New York Times. Hulyo 21, 1903; nakuha noong 2011-11-10.
  4. "Leo XIIIs Jubilee," New York Times. Pebrero 22, 1903; nakuha noong 2011-10-30.
  5. "Leo and Victoria," New York Times. Marso 3, 1899; nakuha noong 2011-11-10.
  6. "Pope Leo XIII," Catholic Encyclopedia; nakuha noong 2011-10-27.
  7. "Election of Pope Leo XIII," New York Times. Pebrero 21, 1878; nakuha noong 2011-10-30.

Mga kawing na panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Wikisource
Wikisource
Ang Wikisource ay may orihinal na tekstong kaugnay ng lathalaing ito:
Sinundan:
Pio IX
Papa
1878–1903
Susunod:
Pio X