Leonor Dy-Liacco
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Marso 2019)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: wala |
Si Leonor Rojano Dy-Liacco (29 Des. 1920 - 12 Nob. 2008) ay isang Bikolanang edukador, poeta, iskolar at manunulat, malawak ang pinag-aralan patungkol sa kultura at kasaysayan ng Bikol, awtor ng mga librong pang-kultura, at isa sa tagapagtatag ng Kabikolan Cultural Association.
Pamilya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Siya ipinanganak sa Minalabac, Camarines Sur. Siya ang bunsong anak ni Juan Rojano at Hilaria Granada. Napangasawa niya si Abogado William E. Dy-Liacco noong Enero 3, 1948 at ang pagsasama nila ay nagbunga ng dalawang anak: si Gil at si Becky. Nabalo siya noong Hunyo 20, 1991.
Edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Produkto ng pampublikong paaralan, siya ay nagtapos ng hayskul sa Camarines Sur High School klase 1938, na valedictorian. Kumuha siya ng Batsilyer Artes na grado sa Unibersidad ng Pilipinas at Graduate Studies sa University of Nueva Caceres sa ilalim ng pamumuno ni Dean Bienvenido Santos. Apatnapung taon siyang naging guro sa ilalim ng Kagawaran ng Edukasyon (Pilipinas), naging Superbisor sa Filipino sa probinsya ng Camarines Sur at nagi ring General Education Supervisor.
Ang pagmamahal niya sa kulturang Bikolnon ay hindi matatawaran at halos buong buhay niya'y naigugol sa pagsusulat ng alinman na Bikolnong bagay, maging sa lenggwaheng Bikol, sa kalawakan ng teritoryo nito, sa mga kaugalian, mga tradisyon, at dahil sa malapit sa puso niya ang mga kabataan, nagsulat naman siya ng mga librong pwedeg basahin ng mga bata.
Sa kagustuhan na mapatibay at maisiwalat ang pagmamahal sa kultura ng Bikol, isa siya sa bumuo ng Kabikolan Cultural Association at nagsilbi bilang pinuno ng 22 na taon. Sa kaisahang iyan, kasama niya sa Atty. Luis General, Jr., Fr. James O'Brien, S.J. Fr. Eduardo Lucero, Jaime Malanyaon, Atty. Alfredo Tria at iba pang mga prominenteng mga manunulat sa rehiyong Bikol.
Mga nailimbag na libro
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Memories and Reminiscences. A collection of poems. 2nd ed. A.M.S. Press.1994. Sa Ingles.
- Sarung Dolot Sa Satuyang Ina. J & R Printing co., Inc. Parañaque, M. M. (1996?) Sa Ingles. Tinipon na mga artikulo patungkol sa kasaysayan ng Bikol hali sa iba-ibang parasurat.
- Ipinapamidbid: An Bikolana. 1997. A.M.S. Press. Naga City. Sa duwang seksyon- Kadamotan nin 61 rawitdawit na Bikol asin Pamidbid sa 10 Bikolana.
- Mga Osipon ni Tiyong Juan saka ni Tiyang Laling. Regal Printing C. Ltd. Hongkong.Pambatang libro. Lahat Bikol.
- Mga Sambit asin Kawat nin mga Aki. A.M.S. Press. Naga City. 1998. Pambatang libro. Lahat Bikol.
- Bikol Syntax (1956)
- Handiong, an epikong Bikol, pinalis sa Ingles
- Siisay Nagsabi Na An Tataramon Na Bikol Kulang, Kulapos, Ilako, Tikapo, Alangan, Asin Dai Sangkap?
- Bikol Courtship Ritual
- The Pantomina
- Nagkapirang Kabtang Kan Historia Kan Camarines Sur Na Nangyari Sa Minalabac.
- Naga Of the 1930"s.
- Folk Stories Of Our Elders
Mga natanggap na pagkilala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Lifetime Achievement Award, iginawad ng Premio Tomas Arejola para sa Literaturang Bikolnon (PTALB. Naga City) dahil sa kaniyang nagawa at naiambag sa pagpapalago ng kulturang Bikolnon.(2007)
- Outstanding Bikolana Award, iginawad ng The Bicol Women Convenor's Group, Legazpi City (1996)
- Most Outstanding Bicolana, mula sa Samahan ng mga Kababaihan sa Kabikolan,Bicol University, Legazpi City (1996)
- Award of Distinction,mula sa Kababaihang Rizalista, Inc, Naga City (1994)
- Mayoral Distinguished Service Award, mula sa syudad ng Naga (1988)
- "Sarong Pag-Omao", mula sa Ateneo de Naga (1988)
- Cattleya Award, iginawad ng Philippine Association of University Women, Cam. Sur Chapter (1981)
- Special Mayoral Award for Work done in the Promotion of Bikol Culture, iginawad noong ika-28 na Anibersaryo ng Syudad ng Naga (1976)
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Leonor's Autograph[patay na link]
- Lifetime Achievement Award Saiya Naka-arkibo 2012-05-22 sa Wayback Machine.
Tingnan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mga rawitdawit niya-
- Dila Ko, Pagmaan
- Nahihidaw Ko Daw
- Pano An Pagdara?
- Ratak An Ati
- An Buhay Sa Uma.
Pinagkunan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Datos sa buhay niya mula sa libro niyang "Memories and Reminiscences" at "Sarung Dolot Sa Satuyang Ina".