Lina Espina Moore
Lina Espina Moore | |
---|---|
Kapanganakan | 20 Mayo 1919
|
Kamatayan | 2000 |
Mamamayan | Pilipinas |
Nagtapos | Pamantasan ng Dulong Silangan |
Trabaho | mamamahayag |
Si Lina Espina-Moore ay isang nobelista at kuwentista.
Ipinanganak siya noong 20 Mayo 1919 sa Cebu. Nagtapos siya ng kursong Bachelor of Arts sa Southern College na ngayon ay University of Southern Philippines. Nag-aral din siya ng abogasya at Foreign Service sa Far Eastern University habang nagtatrabaho sa Malacañang Press Office.
Sa edad na labindalawa ay sinulat na niya ang isang dulang ang pamagat ay Rizalina, isang dulang tungkol sa buhay ni Rizal. Siya rin ang gumanap na pangunahing tauhan nang ito ay itanghal.
Sa edad na labingwalo, naisulat niya ang kanyang unang kuwento na nailathala sa Philippine Graphic, at may pamagat na Just Like Any Dream. Ang kuwentong ito ay nagbigay sa kanya ng sampung pisong gantimpala.
Labing-isang nobela ang naisulat niya sa wikang Cebuano. Ang ilan sa mga ito ay: Kain Kutob Ang Kalipay (How Long Will Happiness Lasts?); Paghalad (Offering); Pinaghigugma (Love); Ang Balay Nga Baraha (House of Cards) at iba pa. Ang dalawang nobelang kanyang nasulat ay Heart of the Lotus (1970) at A Lion in the House (1980).
Ang koleksiyon ng kanyang mga tula ay pinamagatang Cuentos.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.