Pamantasan ng Malayong Silangan
Pamantasan ng Malayong Silangan | |
---|---|
Itinatag noong | June 1, 1928 |
Uri | Pribadong unibersidad |
Tagapangulo | Aurelio Reyes Montinola III |
Pangulo | Juan Miguel Montinola |
Pangalawang Pangulo | Maria Teresa P. Tinio |
Lokasyon | Kalye ng Nicanor Reyes, Sampaloc , , |
Dating pangalan | Far Eastern College (1919-1922)
Institute of Accountancy (1928-1929) Institute of Accounts, Business, and Finance (1929-kasalukuyan) |
Awit | FEU Hymn |
Mga Kulay | Green Gold |
Maskot | Tamaraw |
Websayt | https://www.feu.edu.ph/ |
Ang Pamantasan ng Malayong Silangan (Ingles: Far Eastern University, dinadaglat bilang FEU) ay isang pribadong unibersidad sa lungsod ng Maynila, Pilipinas.[1] Itinatag noong 1934 mula sa pagsasanib ng dalawang institusyon, ang Far Eastern College at Institute of Accounts, Business, and Finance, sa ilalim pag-gabay ng tagapagtaguyod nito at unang presidente, Dr. Nicanor Reyes Sr. [2]
Bilang unang paaralan ng pagtutuos at negosyo para sa mga Pilipino, ang pamantasan, sa pagdaan ng panahon, ay pinalawakan pa ang mga kursong itinuturo sa larangan ng sining at agham, arkitektura, edukasyon, pag-iinhinyero, turismo at pagtanggap, abogasiya, narsing, at medisina. Ang FEU ay mayroong siyam na kampus sa Kalakhang Maynila, Kabite, at Rizal. Ito ay nag-aalok ng pag-aaral mula elementarya, sekondarya, tersiyaryo, hanggang graduate studies.