Pumunta sa nilalaman

Lindol sa Valdivia (1960)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
El Gran Terremoto de Valdivia (Ang Dakilang Lindol ng Valdivia)
Petsa 22 May 1960 (1960-05-22)
Kalakhan 9.5 Mw[1]
Lalim 33 kilometro
Sentro nang lindol Cañete
Mga bansa/
rehiyong apektado
Tsile
Nasawi 2231, 3000, 5700[2] o 6000[3]

Ang Lindol sa Valdivia noong 1960 o ang Dakilang Lindol sa Tsile (Kastila: Gran terremoto de Valdivia) ay sa ngayon, ang pinakamalakas na lindol na naitala na may antas na 9.5 sa iskalang moment magnitudyo.[1] Ito ay nangyari sa hapon (19:11 GMT) at ang nagbungang tsunami ay naka-apekto at umabot sa timog Tsile, Hawaii, Hapon, ang Pilipinas, silangang Bagong Selanda, timog silangang Australya at ang Kapuluan ng Aleut sa Alaska.

Ang episentro ay malapit sa Cañete, mahigit kumulang na 900km (435 milya) timog ng Santiago ngunit ang Valdivia, Tsile ang pinaka-naapektuhang lungsod. Nagkaroon ng mga lokalisadong mga tsunami na bumugso sa dalampasigan ng Tsile na may mga alon na umaabot sa 25 metro (82 talamapakan). Ang pangunahing tsunami ay dumaloy sa Karagatang Pasipiko na tumama at sumira sa Hilo, Hawaii. Mga alon na may taas na 10.7 metro (35 talamapakn) ay naitala 10,000 kilometro (6000 milya) mula sa episentro, at naranasan sa Hapon at ang Pilipinas.

Ang bilang ng mga namatay at laki ng pinasalang pananalapi na mula sa ganitong kalaking sakuna ay hinding-hindi malalaman nang tiyak. Maraming mga palagay o estimasyon ng tiyak na bilang ng mga namatay mula sa lindol at tsunami ang naitala: ang USGS (United States Geological Survey) ay nagsasabi na ang mga tala ng mga namatay ay iba-iba sa mga pag-aaral na may 2231, 3000 o 5000 na namatay [2] at may isa pang sanggunian ang nagsasabing 6000 ang namatay.[3] Iba-ibang estimasyon ang ipinatong sa kabuuang pinsalang gastos mula 400 milyon hanggang 800 milyong dolyar ng US [2] (o 2.8 to 5.5 billion sa palitan ng dolyar, 2007, isinaayos sa paglobo.)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 U.S. Geological Survey (7 March 2006). Historic Earthquakes - Chile - 1960 May 22 19:11:14 GMT- Magnitude 9.5: The Largest Earthquake in the World. Naka-arkibo 2009-10-07 sa Wayback Machine. Retrieved on 2007-01-09
  2. 2.0 2.1 2.2 "The Largest Earthquake in the World - Articles". U.S. Geological Survey. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-01-07. Nakuha noong 2007-01-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Emergency & Disasters Data Base". Centre for Research on the Epidemiology of Disasters (CRED). Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-01-07. Nakuha noong 2007-01-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)