Pumunta sa nilalaman

Klase (biyolohiya)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lipihay)
LifeDomainKingdomPhylumClassOrderFamilyGenusSpecies
The hierarchy of biological classification's eight major taxonomic ranks. Padron:Biological classification/core Intermediate minor rankings are not shown.

Ang klase[1] ay isang kahanayang pang-taksonomiya sa pagtitipun-tipong pang-agham ng mga organismo sa larangan ng biyolohiya, na nasa ilalim ng sangahay at nasa ibabaw ng sunudhay.

Halimbawa, ang pangalang Mammalia ang lipihay na ginagamit sa katipunan ng mga aso na ang lapi ay Chordata (mga hahop na may mga notokurdon) at ang sunudhay ng mga ito ay Carnivora (mga mamalyang kumakain ng karne).

Ang lipihay ay isang natatanging ranggo ng klasipikasyong pang-biyolohiya, na may sarili at natatanging pangalan (na hindi tinatawag lamang na mataas na sari (Ingles: higher genus; Latin: genus summum). Ipinakilala ito ni Joseph Pitton de Tournefort, isang botanistang Pranses, sa kaniyang Eléments de botanique (Mga Sangkap ng Botanika) noong 1694. Si Carolus Linnaeus ang unang tahasang gumamit ng lipihay para sa mga hati ng lahat ng tatlong mga kaharian ng Kalikasan (kinabibilangan ng mga mineral, halaman, at hayop) sa kaniyang akdang Systema Naturae (Likas na Pamamaraan) (1735, unang labas). Mula noon, itinuring na ang lipihay bilang pinakamataas na antas pang-taksonomiya hanggang sa dumating ang mga pagsasanga-sanga (Pranses: embranchements), na sa ngayon ay tinatawag na sangahay (phylum [isahan], o phyla [maramihan]). Pinakilala naman ang mga hatihay noong ika-19 na dantaon.

Hierarka ng mga ranggo sa ibaba at itaas ng lebel ng klase

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pangalan Kahulugan ng prefix Halimbawa 1 Halimbawa 2 Halimbawa 3[2] Example 4
Superklase super: above Tetrapoda Tetrapoda
Klase Mammalia Maxillopoda Aves Diplopoda
Subklase sub: ilalim Theria Thecostraca Chilognatha
Impraklase infra: ibaba Cirripedia Neognathae Helminthomorpha
subter: ibaba, underneath Colobognatha
Parvklase parvus: maliit, unimportant Neornithes
-

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James (1977). "Klase, bilang 1 at 4, pahina 341". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Classification according to Systema Naturae 2000, which conflicts with Wikipedia's classification. "The Taxonomicon: Neornithes". Nakuha noong 3 Disyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Biyolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.