Pumunta sa nilalaman

Gian Lorenzo Bernini

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lorenzo Bernini)
Gian Lorenzo Bernini
Kapanganakan7 Disyembre 1598[1]
  • (Kalakhang Lungsod ng Napoles, Campania, Italya)
Kamatayan28 Nobyembre 1680[1]
LibinganBasilika ni Santa Mariang Mayor
MamamayanItalya
Trabahoeskultor,[2] alagad ng sining, pintor,[2] arkitekto,[2] disenyador
AnakDomenico Bernini
Magulang
  • Pietro Bernini[3]

Si Giovanni Lorenzo Bernini (ipinanganak sa Napoles, 7 Disyembre 1598 – namatay sa Roma, 28 Nobyembre 1680), na mas nakikilala bilang Gianlorenzo Bernini, Gian Lorenzo Bernini, o Giovanni Lorenzo, ay isa sa pinakamahusay na artista ng sining noong kapanahunan ng Barok sa Italya. Naging tanyag siya dahil sa kaniyang mga lilok at sa kaniyang arkitektura.[4] Mula 1527, nagtrabaho siya para kay Papa Urbano VIII at pagkaraan ay para kay Papa Alejandro VII sa Basilika ni San Pedro, kung saan niya idinisenyo ang bantog na piazza ("lugar") na nasa harapan ng basilika at ang maraming mga kahanga-hangang bagay na nasa loob nito. Pangunahin siyang naghanapbuhay sa Italya lamang. Siya ang nangungunang manlililok noong kaniyang kapanahunan, at sa kaniya ikinakabit ang paglikha ng estilo ng eskulturang Barok (Baroque o Baroko).[5] Bilang karagdagan, nagpinta rin siya ng mga larawan, nagsulat ng mga dula, at nagdisenyo ng mga akdang-metal at mga bagay na panglagay sa entablado.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Giovanni Lorenzo Bernini".
  2. 2.0 2.1 2.2 http://www.getty.edu/vow/ULANFullDisplay?find=Gian+Lorenzo+Bernini&role=&nation=&prev_page=1&subjectid=500032022.
  3. http://www.wissen-digital.de/index.php?title=Gian_Lorenzo_Bernini&galerie%5B2477_0%5D=0; wika ng trabaho o pangalan: Wikang Aleman.
  4. "Gian Lorenzo Bernini". Encyclopædia Britannica Online. Encyclopædia Britannica. Nakuha noong 2012-12-06.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Boucher, Bruce (1998). Italian Baroque Sculpture. Thames & Hudson (World of Art). pp. 134–42. ISBN 0500203075.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


TalambuhayItalyaSining Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Italya at Sining ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.