Los Angeles Clippers
Los Angeles Clippers | ||||||
---|---|---|---|---|---|---|
| ||||||
Conference | Western | |||||
Division | Pacific | |||||
Founded | 1970 | |||||
History | Buffalo Braves 1970–1978 San Diego Clippers 1978–1984 Los Angeles Clippers 1984–present[1][2] | |||||
Arena | Staples Center | |||||
Location | Los Angeles, California | |||||
Team colors | Red, blue, black, silver, white[3][4][5] | |||||
Main sponsor | Bumble[6] | |||||
President | Lawrence Frank[7] | |||||
General manager | Michael Winger[7] | |||||
Head coach | Tyronn Lue | |||||
Ownership | Steve Ballmer[8] | |||||
Affiliation(s) | Agua Caliente Clippers | |||||
Championships | 0 | |||||
Conference titles | 0 | |||||
Division titles | 2 (2013, 2014) | |||||
Website | nba.com/clippers | |||||
|
Ang Los Angeles Clippers ay isang propesyonal na lupong basketbolista, na naka base sa Los Angeles, California. At naglalaro sila sa National Basketball Association (NBA).
Base ng Operasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Buffalo Memorial Auditorium (1970-1978)
- San Diego Sports Arena (1978-1984)
- Los Angeles Memorial Sports Arena (1984-1999)
- Staples Center (1999-present)
Kasaysayan ng Prangkisa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Clippers ay nagsimula noong 1970 bilang Buffalo Braves. Isa sila sa tatlong prangkisa na sumali sa NBA noong 1970-71 season, and iba pa ay ang Portland Trail Blazers at Cleveland Cavaliers.
Ang Taon ng Buffalo Braves (1970-78)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Braves, sa kanilang pang-walong season bilang Buffalo, ay ginanap ang kanilang sariling korte sa Buffalo Memorial Auditorium, kaparti dito ay ang ibang may bagong prankisa , ang Buffalo Sabres ng National Hockey League, na nakilala din noong 1970. Ang Koponan ng Clippers na head coach ay isang Hall of Famer Dolph Schayes, ang prangkisa ay may mga unang sikat na manlalaro sila ay sina Bob Kauffman and Don May, na nakuha noong expansion draft. Bilang parte ng normal na mao-obserba sa mga lupong pandagdag sa kanilang unang taon, natapos ang Braves na may talang 22-60, at may pitong larong lamang sa kapwa lupong pandagdag mula sa Cleveland, na siyang nakatapos sa talang 15-67. Kauffman, na may karaniwang 4.3 puntos kada laro sa nakaraang taon laban sa Chicago Bulls, pinangunahan ng Buffalo sa iskor na may 20.4 puntos kada laro at nagkamit ng pwesto sa 1971 NBA Eastern Conference All-Star team.
Ang Braves, ay inulit ang kanilang 22-60 season sa sumunod na 1971-72 season, na nakakuha ng magaling na manlalaro para mapabuti ang kanilang Lupon. Ang Buffalo ay pinili ang center Elmore Smith na taga Kentucky State University, at ang lokal na paborito na si Randy Smith, na taga Buffalo State College. Si Schayes ay pinalitan ng isang laro sa season na to kay John McCarty bilang coach ng Lupon. Ang Lupon ay hindi nagpakita ng magandang laro noong 1972-73 season, sila ay bumagsak sa 21-61 sa pamumuno ng bagong head coach, Dr. Jack Ramsay. Ang Braves' sa pinaka-malaking pagpasok sa season ay nang pinili nila ang forward/center Bob McAdoo, na taga North Carolina. Ang lupon ay nakamit ang kanilang kauna-unahang pagpasok sa playoff noong 1973-74, nakaharap nila ang Boston Celtics sa unang round at natalo sila sa ika-anim na round.
Noong 1974-75 si Bob McAdoo ay pinagkalooban bilang NBA MVP Award o pinka-magaling na manlalaro, nagtala siya ng kabuuang 34.5 puntos, 14.1 rebounds and 2.12 blocks kada laro, habang may shooting siya na 51.2 percent sa labas at 80.5 percent mula sa free-throw. Ang Braves ay pumasok sa playoffs noong 1974-75 season at pumasok muli noong 1975-76 season, na itinuturing na huli nilang pagsok bilang isang Buffalo.
Sa summer ng 1976, and nagtatag ng lupon na si Paul Snyder ay ibinenta ang kalahati ng prankisa sa isang businessman na si John Y. Brown, Jr., na nauna na niyang pamunuan ang Kentucky Colonels sa American Basketball Association. Si Brown ng katagalan ay nabili na ang kalahati kay Synder noong kasagsagan ng 1976-77 season. Si Brown, ay ibinenta din ang ibang parte sa isang businessman, Harry Mangurian, na sa bandang huli ay nabili din sa isang bahagi ng Boston Celtics noong 1980s. Gayon man, sa paghahanda ng transakyon ay isinasaad na kung si Brown ay ibinenta ang kontrata sa isang Braves na manlalaro, samakatuwid ang pera ay mapupunta kay Synder at ang presyo ng pagkakabili ay bababa. Ito ay naganap nang si McAdoo ay ipinadala ng Braves sa New York Knicks para sa mga manlalaro at nagkasundo na sa kala-gitnaan ng 1976-77 season.
Si Brown ay na nakipag-negosasyon muli para sa sa kanyang pagupa sa Buffalo Memorial Auditorium, sa kanyang pandagdag sa kasunduan na kung ang Braves ay hindi nakapag-benta ng humigit kumulang na 4,500 season tickets, ang Braves matapos ang kanilang pagupa ay maaari nang lumipat sa isang siyudad. Dahil sa mahinang laro sa kanilang huling dalawang taon (30-52 in 1976-77 at 27-55 sa 1977-78), kasama ng mga bali-balitang paglipat ng prangkisa, nakipagkita si John Y. Brown sa noo'y may-ari ng Celtics na si Irv Levin at nakipagsundo sa pakikipagpalitan ng prankisa, na kung saan si Brown ang mag mamay-ari ng Celtics at si Levin ang mag may-ari sa Braves. Si Levin ay isang California businessman, at gustong mag may-ari ng isang lupon sa NBA sa kanyang estado. Ang kasunduan ay inayos ni David Stern, isang tagapayo sa NBA na sa huli ay naging commissioner ng liga noong 1984. Sa huling season sa western New York, ang mga nag mamay-ari NBA ay bumoto 21-1 para mailipat ng lokasyon ang Braves. Lumipat sila sa San Diego, California pagkatapos ng 1977-78 season, at naging San Diego Clippers.
Sa naganap na paglipat ito ay itinuturing na collusion ngayon, pero noon ay wala namang batas na pumipigil para mawala ang Buffalo sa NBA. Meron ding mga kaparehong pamamaraan na gagawin pagtapos ng dalawamput-limang taon para malipat angMontreal Expos prangkisa ng baseball sa Washington, sa paglipat na ito kung saan ang mga nag mamay-ari Expos na sina Jeffrey Loria at MLB Commissioner Bud Selig ay nagtalo at nagbigay ng kani-kanilang reklamo.
Ang Taon ng San Diego (1978-84)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang unang season ng koponan sa San Diego, ang Clippers ay nagtala ng panalo na 43-39, sa pamumuno ng bagong head coach Gene Shue. Subalit, ang itinalang record ay hindi pa sapat para pumasok sila sa post-season, tinapos nila ang dalawang laro matapos silang matanggal sa playoff. At kung nagkataon, ito bale ang huling panalo sa season ng Clippers mula pa nung 13 taon. Dito din sa first season sa Southern California na ang isang matagal ng tagapagpahayag na si Ralph Lawler nagsimula ang samahan niya sa lupon. Randy Smith ay mayroong isang solidong season, nagtala siya ng 20.5 puntos kada laro, pumapanglawa kay World B. Free, na nakilala sa offseason at galing sa Philadelphia 76ers. Pangalwa siya sa pangkalahatang nagtala ng mataas na iskor sa NBA, meron siyang 28.8 kada laro, habang si George Gervin ng San Antonio Spurs ay mayroong 29.6 kabuuang iskor.
Noong 1979-80 season ay hindi rin maganda, habang ang Clippers ay hirap manalo, ito ay bago nila dalhin sa koponan nila ang isang taga-San Diego, center Bill Walton, na noo'y dalawang taon nang tinanggal mula sa NBA championship kasama ang Trail Blazers. Si Walton ay hindi masyadong nakapaglaro dahil sa kanyang mga pinsala sa paa, dahil dito hindi siya nakapaglaro ng 68 na laro at dahil sa pinsala niya dito na din niya tinapos ang huling taon niya sa Portland. Ang San Diego ay nakamit ang tala na 37-45, kahit na marami sa kanilang pangunang manlalaro ay hindi nakapglaro dahil sa pinsala. Si Free ay pinagpatuloy ang kanyang maganadang laro at mataas na puntos, at muli siya ang pangalawa sa pinka-mataas na iskor sa liga, siya ay may talang 30.2 PPG. Si Paul Silas ay pinalitan si Shue sa sumunod na season, at ang Clippers natapos ng 36-46 na tala, at muli sila ay hindi nakapasok sa postseason. Si Walton ay hindi nanaman nakapaglaro sa buong season dahil sa pinsala sa kanyang paa. Si Free ay ibinigay sa Golden State Warriors kapalit ni guard Phil Smith.
Ang 1981-82 season ay nagdala ng pagbabago sa prangkisa ng Clippers, si Irv Levin ay ibinenta ang lupon sa isang Los Angeles-area real estate developer at attorney Donald Sterling sa halagang $20 million. Ang mahinang laro ng Clippers sa kanilang huling taon sa San Diego ay nag-resulta sa mbabang bilang ng manonood, dahil ang koponan ay may karaniwang 4,500 na manonood kada laro. Si Sterling ay kinausap ang NBA para ilipat ng lokasyon ang kanyang lupon sa kanyang lugar sa Los Angeles.
Taon ng Los Angeles (1984-hanggang ngayon)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1984, ang Clippers ay nilipat sa Los Angeles, California, sila ay naglalaro sa Los Angeles Memorial Sports Arena. Ang head coach ng Clippers na si Jim Lynam (at ngayo'y Don Chaney) at ibang kasama na si naMarques Johnson, Junior Bridgeman, and Harvey Catchings (lahat ay nakuha mula sa isang pagpapalit ng kasunduan Milwaukee Bucks), natapos nila ang unang season sa talang 31-51 sa Los Angeles.
Ang Clippers ay hindi man lang nakapasok sa playoffs sa sumunod na dalawang taon, kasama na ang kanilang talang 12-70 sa 1986-87 season, noong panahong iyon ito ay pangalawa unang season na may pinaka-mababang tala sa kasaysayan ng NBA (muntik na ang pinaka-mabang record na 9-73 mula the Philadelphia 76ers noong 1972-73). Noong season na iyon ay puno ng mga manlalaro na may pinsala kasama sina Marques Johnson at gwardiya na si Norm Nixon, na muntik na hindi makapag-laro sa season na ito. Ang pinsala ni Nixon ay lubhang nakaka-dismaya, dahil ito ay hindi naganap sa basketbol kort o sa isang laban, ito ay naganap sa isang softball na laro sa New York's Central Park. Sa season din ito nakamit nila ang isang Hall of Famer Elgin Baylor na siyang bise-presidente at general manager ng basketbol, ito ay posisyong kanyang pinanghahawakan hanggang sa ngayon. Sa 1989-90 season, si Baylor gumawa ng isang pagpapalit sa Cleveland Cavaliers at nakuha nila si Ron Harper, isang magaling at bagong gwardiya, kapalit sa manlalarong forward na si Danny Ferry (na hindi naglaro para sa Clippers) at swingman Reggie Williams. Itong naganap na to, kasama na ang 1987 NBA Draft na si Ken Norman na galing sa University of Illinois, ang 1988 draftings ng University of Kansas forward na si Danny Manning at Charles Smith mula sa University of Pittsburgh, ang 1990 NBA Draft na si Loy Vaught mula sa University of Michigan, dahil dito sila ay nakabuo ng isang matibay sa koponan na maaaring kalaban sa playoffs.
Kalagitnaan ng 1991-92 season, ang Clippers ay nagpalit ng panibagong coach, pero ito ay naganap ng pabor sa lahat. Larry Brown, na inalis na sa pwesto ng Spurs isang linggo na ang nakakalipas, Siya ay ginawang head coach ng koponan noong Enero 1992. Pinalitan niya si Mike Schuler, na nakapagtala ng 22-25 bago nila siya alisin bilang coach. Si Brown ay tinapos ang season ng talang 23-12, para sa pangkalahatang tala na 45-37. Ito ang kauna-unahang panalo sa prangkisa ng Clippers matapos ang 13 taon (unang panalo sa Los Angeles). Ang Clippers ay pumasok sa playoffs sa unang pagkakataon makalipas ang 16 na taon (noon pang sila ay Buffalo), pero tinalo sila ng Utah Jazz sa unang round ng playoffs, ang iskor ay 3-2. Dahil sa naganap noong Abril 1992 Los Angeles riots, ang game 4 sa serye nila ay nilipat sa Anaheim Convention Center, at ang Clippers ay nanalo sa larong iyon. Ang Clippers ay pumasok muli sa playoffs noong 1992-93 season na may 41-41 na tala, at muli silang natalo sa ikalimang laro sa unang round, at dito sila ay anatalo sa Houston Rockets.
Si Brown ay umalis sa Clippers at lumipat sa Indiana Pacers bilang head coach, at si Bob Weiss ang ipinalit sa kanya. Ang 1993-94 season na ito ay isa sa pinak-pangit na laro sa Los Angeles NBA history, dahil parahong Clippers at Lakers na may pinagsamang talang 60-104 sa regular season, pareho silang hindi nakapasok sa playoffs. Matapos ng isang taon sa trabaho bilang head coach, si Weiss ay inalisat pinalitan ng isang beteranong head coach Bill Fitch, siya ay pinili bilang head coach ng lupon para turuan ang mga baguhan at wala pang masyadong karanasan na mga manlalaro. Ang Cippers ay ipinagpatuloy ang pagpapalit ng head coach at mga manlalaro sa mga sumunod na mga taon at muli silang nakatung-tong sa palyoffs noong 1997, sa pamumuno ni Fitch. Ang lupon ng playoffs an ito ay may talang 36-46 at natalo ulit sa unang round ng Western Conference Champion Utah Jazz, 3 laban sa wala.
Mula 1994 hanggang 1999, ang Clippers ay naglaro sa mga piling mga laro sa Honda Center, kasama nilang gumagamit sa lugar ang Mighty Ducks (hockey) at ang Splash (soccer).
Subalit, noong 1999, ang Clippers at Lakers ay parehong naglalaro sa Staples Center. Ito ang unang season sa Staples Center na ang Clippers ay pumili baguhan at star forward na siLamar Odom mula University of Rhode Island. Ang Clippers ay natapos ang season at nagtala ng 15-67. Para matulungan ang mga manlalaro nila mula sa sa pagka-kabigo, ang lupon ay kumuha ng isang dating All-Star (at Los Angeles native) Dennis Johnson, na nagkamit ng tatlong NBA championships sa Seattle noong (1979) at sa Boston noong (1984 and 1986) bilang isang assistant coach. Ang lupon ay kumuha din ng isang Hall of Famer at dating Lakers na si Kareem Abdul-Jabbar bilang isa ring assistant coach, para matulungan ang isang second-year center Michael Olowokandi, na isang #1 pangkalahatang napili sa 1998 NBA Draft. Si Johnson ay nanatili bilang assistant coach hanggang sa kalagitnaan ng 2002-03 season, nang siya na ang hinirang bilang head coach. Si Abdul-Jabbar ay nanatili ng isang season lamang bilang assistant coach.
Ang 2000-01 season ay nagdala ng maraming pagbabago. Pero ito naman ay para sa ikabubuti ng lupon. Reserve forward Derek Strong, kasam na ang ibang manlalaro at si cash, ay ipinadala sa Orlando Magic kapalit ang isang second-year forward na si Corey Maggette at ang draft an napili na si Keyon Dooling na mula sa University of Missouri. Ang Clippers sa dalawa nilang piniling draft sa taong ito ay magkaba-bata na nagmula pa sa Illinois: high schooler Darius Miles mula sa East St. Louis (pangatlong pangkalahatang napili) at si Quentin Richardson, isang guard/forward na galing sa DePaul University (panglabing-walong pangkalahatang napili). Ang lupon ay naging tanyag sa mga tagahanga dahil sa kanilang magandang laro at ang Clippers ay gumanda at umangat an tala nila at naging 31-51, at nanguna sa NBA sa bench-scoring na may 37 puntos kada laro.
Para mapahusay ang mga manlalaro, ang Clippers ay kumuha ng isang mataas pumuntos at malakas sa rebound at isang forward na si Elton Brand na galing sa Chicago Bulls kapalit niya ay isang taga-Los Angeles at high schooler na si Tyson Chandler. Sa puntong ito ng career ni Brand, nakapagtala na siya ng career averages na 20 puntos at 10 rebounds kada laro sa loob lamang ng dalawang seasons. Dahil sa sikap ni Brand at sipag siya ay nagkamit ng pwesto sa 2002 NBA Western Conference All-Star team bilang isang pamalit kung sakaling mapinsala sa laro si center Shaquille O'Neal ng Lakers. Ang Clippers ay kuntento na sa mga season na nilaruan nila, pero nanalo lamang ng 3 laban sa 13 na laro at nagtala ng rekord na 39-43, sa ika-5 laro natanggal sila sa huling playoff.
Ang 2002 offseason ay nagdala ng maraming pagbabago, dahil si Miles ay pinalit nila sa Cavaliers kapalit ng point guard na si Andre Miller, na naguna sa NBA sa pagpasa noong 2001-02 na may 11 assist kada laro. Subalit, sa pamamagitan ng magaling na point guard na si Miller,ang taga-gawa ng play na si Lamar Odom bilang isang small forward, isa sa pinka magaling na forward na si Elton Brand, ang umuusbong pa lamang na sentro na si Michael Olowokandi, at ang magaling na suporta mula sa koponan ng Clippers, ang Clippers seryosong makakapaglaro sa playoffs. Ngunit, sa mababang koordinasyon ng miyembro at mga manlalarong napipinsala (ang Clippers ay nawalan na ng 293 manlalaro dahils a pinsala sa laro), and Clippers ay natapos sa talang 27-55. Si head coach Alvin Gentry ay pinalitan ni Dennis Johnson sa kalagitnaan ng 2002-03 season.
Sa 2003-04 season, ang Clippers ay nawalan ng magagaling na manlalaro dahil sa free agency (Miller, Odom, Olowokandi, at forward Eric Piatkowski—isa sa pinka-matagal ng naglalaro sa kasaysayan ng Clippers), nakumbinsi naman nila na manatili sa kanilang lupon sina Brand and Maggette na may mahabang kontrata. Sila, kasama si Richardson, ay isa sa mga pinaka-mataas kumalap ng puntos sa NBA trios, sila ay may pinagsama-samang puntos na 58 puntos kada laro. Kasama ang kanilang bagong head coach na si Mike Dunleavy, Sr., ang Clippers ay natapos sa talang 28-54, marami kasi ang kulang pa sa karanasan at ang iba ay injury.
Ang 2004-05 season ay nagsilbing magandang season para sa dalawang prangkisa ng Los Angeles, ang CLippers ay nagtala ng 37-45. Ang Lakers, kasama ang pagpalit kay O'Neal sa Miami Heat at ang umalis na hini-hinalang future Hall of Fame coach Phil Jackson, forward Karl Malone, at guard Gary Payton, ay natapos na ang season na may 34-48 record at hindi nakapasok sa playoffs. Ang Clippers, kahit hindi nakapasok sa playoffs, ay natapos ng may magandang tala kumpara sa Lakers sa unang pagkakataon simula noong 1993 at naniniwala sila na may future ang koponang ito, kasama ang mga magagaling na manlalaro na sina Elton Brand, Corey Maggette at Shaun Livingston. Isa sa pinaka-magandang pwesto ngunit ngunit pangit na season para sa forward na si Bobby Simmons na nanalo sa 2004-05 NBA Most Improved Player award matapos makapag-tala ang 16 puntos, 6 rebounds, at 3 assists kada laro. Dahil dito, si Simmons siya ay pumira ng 5 taon na kontrata,$47 million na kasunduan sa Milwaukee Bucks noong Hulyo 2005, para makapag-laro siya malapit sa kanyang lugar na kinalakhan sa Chicago.
Para ma-kontra ang pagkakawala ni Simmons, ang Clippers ay nag-balita matapos pumirma si Simmons at kinuha nila ang guard na si Cuttino Mobley (dating taga-Houston, Orlando, at nito lang sa Sacramento) sa kontratang katulad ng kay Simmons na may 5 taon pero sa mas mababang presyo ($42 million). Sapag-pirma ni Mobley mabibigyan ang Clippers ng isang manlalaro sa may tire sa labas, dahil sa pagkakawal ni Piatkowski na umalis sa Los Angeles at pumunta sa Houston (at ng kalaunan ay sa Chicago), na may magandang tira sa labas, at magaling na defensive na manlalaro at shooting guard, na wla ang Clippers noon pa man. Ngayon si Mobley ay isa sa mga free agent na pumirma sa labas ng organisasyon, noon ay si Bill Walton noong 1970s. Si Mobley ay opisyal ng pumirma ng kontrata sa Clippers noong 3 Agosto 2005.
Marami pang kasunduan ang naganap, mas kilala ay noong 12 Agosto 2005, ng ang Clippers ay magpalit ng guwardya na si Marko Jaric (isang sign at trade na kontrata) at si Lionel Chalmers sa Minnesota Timberwolves kapalit ang guwardyang si Sam Cassell at ang lottery-protected pick na unang round pick noong 2006 NBA Draft. Kasabay ng lottery-protected pick, ay isang kasunduan para sa Clippers para makakuha ng pick, ang Timberwolves ay kailangang makapasok sa playoffs, at kung hindi ang Minnesota ang mangunguna sa draft pick.
Noong summer ng 2005, ang Clippers ay nagsabi na sila ay magtatayo ng isang maganda lugar para sa mga manlalaro ng Clippers at may mga mataas na kalidad na pasilidad (ito ay kauna-unahan sa NBA na isang lugar ng pagsasanay na may magandang kalidad at pasilidad na dito lamang sa Siyudad ng Los Angeles) sa Playa Vista development. Ang mga manlalaro ng Clippers ay pumila sa harap ng nasabing komunidad. Ang sabi sa website ng Clippers [1], ang bagong pasilidad ay magbubukas para sa lahat ng programa sa komunidad at ito ay bukas para sa mga programa tuwing tapos na ang season at lalagyan pa ng parke at mga naka-kaaliw lugar sa paligid.
Ang 2005-2006 Season
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang 2005-06 season ang pinka-magandang taon para sa koponang ito; nagkaroon sila ng maraming panalo at doon pa sa mga koponang malalakas, na nakakuha ng atensiyon ng maraming manonood. Si Elton Brand na piniling reserbang manlalaro para sa posisyong power forward para sa All-Star Game at maraming mga artikulo sa mga ibat-ibang sports magazines na nagbibigay ng parangal at pagkilala sa koponang malaki ang iginaling. Bago matapos ang palugit na ibinigay ng NBA sa pagpapalit ng mga manlalaro, ang Clippers ay kinuha ang power forward na si Chris Wilcox mula sa Seattle SuperSonics kapalit ng forward na si Vladimir Radmanovic. Ang Clippers ay naghahanap ng manlalarong magaling tumira sa labas, kaya sila ay naghanap ng kapalit na magaling tumira sa labas.
Habang ang Clippers ay may iilang pangit na laro ngayong season, sila ay nagkamit ng nakaka-dismayang pagkatalo, pero kahit ganun napanatili nila ang maganda nilang record, kasama na ang sunod-sunod nilang panalo. Ang Clippers ay nakamit ang kanilang unang panalo matapos ang 14 na seasons at pumasok sila sa playoff na huli nilang nakamit noong 1997.
Pang-anim ang koponan sa Western Conference, na may talang 47-35 (ang pinaka-magandang naitala mula pa noong sila ay umalis sa Buffalo), ang Clippers ay nakinabang sa nagdaang NBA playoff format dahil sa kanilang regular season records at nagbigay daan para sila ay makakuha ng panalo sa dibsyong ito, at para din makuha nila ang home court advantage laban sa Denver Nuggets kaysa naman pumunta sila sa Denver para sa apat na laban na madalas mangyari sa mga koponan sa pang-anim na pwesto. Noong 12 Abril 2006 ang Clippers ay nasa #5 na pwesto at makakalaban nila ang Dallas Mavericks sa playoffs, ngunit natalo sila ng 5 sa kanilang 7 laban ng Memphis Grizzlies at nasilat sa kanila ang pwesto.
At noong 22 Abril 2006, ang Clippers ay nakamtan ang kanilang unang NBA playoff game sa loob ng 13 na taon. Matapos ang dalawang araw, nanalo sila sa kanilang pangalawang playoff na laro, at nagtala ng 2-0 sa kanilang kalaban na masasabing ito ay kauna-unahan sa kasaysayan ng prangkisa ng Clippers. Pero kahit nanalo sila sa kanilang unang dalawang panalo, natalo sila sa ikatlo, ngunit nanalo naman sa ika-apat. Lunes, 1 Mayo 2006 nanalo sila sa Game 5 sa Los Angeles at ang kanila ring unang panalo simula ng lumipat sila galing ng Buffalo.
Ang koponan ay humarap sa Phoenix Suns sa Western Conference Semifinals. Matapos matalo sa unang laban (130-123 sa Phoenix), tinalo naman nila ang Suns sa nakaka-manghang 122-97 sa Game 22. Ang seryeng ito ang nilipat sa Staples Center para sa game 3, at tinalo ulit ng Suns ang Clippers, 94-91, dahil sa forward na si Shawn Marion ay nagkamit ng 32 puntos at pati din ang game-high 19 rebounds. Sa game four, si Elton Brand ay gumawa ng 30 puntos, nine rebounds, at eight assists para sa Clippers at nanalo noong 14 Mayo 2006 na may 114-107 panalo sa Suns. Sa Game 5, ang guard/forward ng Suns na si Raja Bell ay gumawa ng isang 3 points na may 1.1 segundo na lamang na natitira at nagdala sa pangalawang overtime. And Phoenix ay nanalo sa Los Angeles Clippers sa ikalawang overtime sa laro, 125-118.
Ang dalawang overtime na larong iyon para sa Clippers ay masasabing nakakapang hinayang, pero sila ay bumawi sa, at sa seryeng ito sila ay nanalo sa Suns sa Game 6 na may 118-106 tala. Isang Second-year na magaling sa dipensa Quinton Ross ay nakuha ang kanyang magaling na opensa sa laro bilang isang pro, siya ay nagtala ng career-high 18 puntos. Si Elton Brand naman ay nagbigay din ng magandang laro, siya ay may 30 puntos (ang kanyang normal na score sa seryeng ito), 12 rebounds, three assists, at five blocks. Si Corey Maggette naman ay nagtala ng 25 puntos, at may 7-8 shooting sa field, at 9-9 na shoot sa free throw line. Si Chris Kaman at Sam Cassell ay nakagawa ng 15 puntos kada isa sa kanila. Si Marion ay pinangunahan ulit ang Phoenix sa skoring, mayroon siyang 34 na puntos, at mayroon pang reserbang guwardya na siLeandro Barbosa na kumalap ng 25 na pintos sa galing lang sa bench.
Ang Clippers ay natalo sa ika-pitong laro sa Phoenix 127-107.
Mike Dunleavy, Sr. ay babalik bilang head coach ulit para sa susunod na season.
General Manager (at Basketball Hall of Fame na miembro) Elgin Baylor ay nanalo sa NBA Executive of the Year award para sa kanyang pagtaguyod sa Clippers na makapasok sa playoffs.
Ang 2006-2007 Season
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Clippers ay maituturing na ang season na ito ay ang pinka-maganda sa loob ng 22 taon na sila ay nandito sa Los Angeles. Kahit na ang 2005-06 na season ay nakaka-dismaya, ang organisasyon ay mas tiwala sa susunod na season. At ngayong offseason, ang lupon ay kumuha ng isang sentro na si Paul Davis na taga Michigan State University sa ikalawang round ng 2006 NBA Draft, bilang ika-34th na pinili. Ang pagpili ay nakuha ng Clipper dahil sa 2004 na pagpapalit sa Charlotte Bobcats para sa center/forward Melvin Ely. Ang Lupon ay kumuha din ng guard Guillermo Diaz na taga University of Miami biling ika-52nd na pagpili. At ngayon, si Davis ay pumirma para sa koponan nitong July, habang si ay hindi pa Diaz pumipirma. Habang marami sa lupon ay may posisyon na point guard, nadito sina Cassell, Livingston, and Ewing, si Diaz ay baka hindi kuhanin ng Clippers para sa koponan nila at baka ilagay siya sa bagong NBA Development League na ka-alyado nila, ang Anaheim Arsenal. Ang Clippers ay hindi kumuha ng pick sa unang round ng taong 2006 Draft.
Samantala sa free agency, nitong 13 Hulyo 2006, ang Clippers ay nagtagumpay, sa pagpili nila sa isang forward na si Tim Thomas na taga Phoenix, para sa isang 4 na taon, $24 million na kontrata. Ito ay para kotrahin ang paglipat ng kanilang forward na si Vladimir Radmanovic papuntang Lakers na parehong pangyayari katulad ng natanggap ni Thomas sa Clippers, puwera lng dahil si Radmanovic ay pumirma ng karagdagang isang taonr,pero parehas naman sila ay nakakakuha ng parehas na pera sa isang taon, sila ay tumatanggap ng $6 million.
Pati nitong Hulyo 13th, ang guard na si Sam Cassell (na marami ang nagsasabi na isa siya sa mga rason kung bakit matagumpay ang Clippers) ay pumirma ng dalawang-taong kontrata sa halagang $13 million dollars. Sa mga pakikipanayam kay Cassell, na kapag siya ay nag-retiro na, na ibig sabihin ay kapag natapos na ang kontrata niya sa Clippers, gusto sana niyang pumasok sa coaching staff ng Clippers sa pamumuno ni Mike Dunleavy, Sr. Pati ngayong Agosto 1, ang koponan ay kumuha ng isang beteranong forward/center na si Aaron Williams (na dating taga New Orleans/Oklahoma City Hornets) para sa isang hindi natapos na kontrata. Si Williams ay naglaro para kay Dunleavy para sa Milwaukee Bucks noong 1994-95 season.
At para mapalawak ang kanilang pasasalamat sa mga fans ng Clippers, nitong Agosto 11, ang Clippers at KTLA-TV ay nagsabi na tatagal pa ng 3 taon ang kontrata ng ng Clippers, ito ay magdadagdag ng mula sa 25 na laro hanggang 30 na laro kada taonp sa KTLA, at pati din ang mga napiling mga laro playoff na laro ay ipapalabas lamang sa ABC o kaya sa TNT. Kagaya ng huling dalawang season, ang KTLA ay ipapalabas lahat ng Staples Center-based na laro ng Clippers sa high definition. Sila lamang ang koponang magpapalabas ng kanilang mga laban sa HDTV. Kasama sa kontrata ng KTLA-Clippers, labing-lima sa 30 taong pagpapalabas nila ay sa KSWB-TV, San Diego, ang isa pang organisasyon ng KTLA; kahit na ang KTLA ay mapapanood na sa cable ng San Diego market.
Ang mataas na demand sa mga laro ng Clippers ay nagdala sa mga talatakdaan ng labing-dalawang mga laro ng Clippers sa TNT at ESPN, at pati narin ang kanilang unang paglabas sa ABC (15 Abril 2007 laban sa Sacramento Kings). Ang koponan ay magkakaroon din ng walong laban sa NBA TV; ang NBA TV madalas ay ginagamit ang mga telecast's video feed at mga mamamahayag, habang ginagamit ang sarili nilang on-screen score at graphics, samakatuwid, ang kanilang presentasyon ay hindi totoo, sariling video footage ng Clippers ang ipinapalabas sa bansa, pati din sa ESPN, TNT, at ABC. Ito ay nagbibigay daan para sa 20 na laro ng Clippers ay ipapalabas sa buong basa, na kauna-unahan sa kasaysayan.
Nitong Septiyembre 7, Ang Clippers ay nagsalita na nagbukas ng panibagong deal sa radyo ng KSPN-AM, ang lokal na ESPN Radio-operated outlet.
Ang Rekords Kada Season
[baguhin | baguhin ang wikitext]Note: W = Wins, L = Losses, % = Win-Loss %
Season | W | L | % | Playoffs | Results |
---|---|---|---|---|---|
Buffalo Braves | |||||
1970-71 | 22 | 60 | .268 | ||
1971-72 | 22 | 60 | .268 | ||
1972-73 | 21 | 61 | .256 | ||
1973-74 | 42 | 40 | .512 | Lost Conference Semifinals | Boston 4, Buffalo 2 |
1974-75 | 49 | 33 | .598 | Lost First Round | Washington 4, Buffalo 3 |
1975-76 | 46 | 36 | .561 | Won First Round Lost Conference Semifinals |
Buffalo 2, Philadelphia 1 Boston 4, Buffalo 2 |
1976-77 | 30 | 52 | .366 | ||
1977-78 | 27 | 55 | .329 | ||
San Diego Clippers | |||||
1978-79 | 43 | 39 | .524 | ||
1979-80 | 35 | 47 | .427 | ||
1980-81 | 36 | 46 | .439 | ||
1981-82 | 17 | 65 | .207 | ||
1982-83 | 25 | 57 | .305 | ||
1983-84 | 30 | 52 | .366 | ||
Los Angeles Clippers | |||||
1984-85 | 31 | 51 | .378 | ||
1985-86 | 32 | 50 | .390 | ||
1986-87 | 12 | 70 | .146 | ||
1987-88 | 17 | 65 | .207 | ||
1988-89 | 21 | 61 | .256 | ||
1989-90 | 30 | 52 | .366 | ||
1990-91 | 31 | 51 | .378 | ||
1991-92 | 45 | 37 | .549 | Lost First Round | Utah 3, L.A. Clippers 2 |
1992-93 | 41 | 41 | .500 | Lost First Round | Houston 3, L.A. Clippers 2 |
1993-94 | 27 | 55 | .329 | ||
1994-95 | 17 | 65 | .207 | ||
1995-96 | 29 | 53 | .354 | ||
1996-97 | 36 | 46 | .439 | Lost First Round | Utah 3, L.A. Clippers 0 |
1997-98 | 17 | 65 | .207 | ||
1998-99 | 9 | 41 | .180 | ||
1999-2000 | 15 | 67 | .183 | ||
2000-01 | 31 | 51 | .378 | ||
2001-02 | 39 | 43 | .476 | ||
2002-03 | 27 | 55 | .329 | ||
2003-04 | 28 | 54 | .341 | ||
2004-05 | 37 | 45 | .451 | ||
2005-06 | 47 | 35 | .573 | Won First Round Lost Conference Semifinals |
L.A. Clippers 4, Denver 1 Phoenix 4, L.A. Clippers 3 |
2006-07 | 40 | 42 | .496 | ||
2007-08 | 23 | 59 | .280 | ||
Totals | 1127 | 1959 | .365 | ||
Playoffs | 0 | 0 | .000 | ||
Playoffs | 20 | 27 | .426 | 2-7 series record | 0 Championships
|
Mga Coaches at Manlalarong Kilala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Current roster
[baguhin | baguhin ang wikitext]Los Angeles Clippers roster
| ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Players | Coaches | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
Roster |
Mga Tanyag na Basketball Hall of Famers
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 11 Bob McAdoo, C, 1973-77 (Buffalo Braves)
- 32 Bill Walton, C, 1979-85 (1979-84 with San Diego Clippers)
- 21 Dominique Wilkins, SF, 1994
- Dr. Jack Ramsay, Head Coach, 1973-76 (Buffalo Braves)
- Elgin Baylor, General Manager, 1986-hanggang ngayon
Si McAdoo at Randy Smith (G, 1972-79, 1983-84) ay mg amiyembro ng Greater Buffalo Sports Hall of Fame. Walton, isang taga San Diego, ay isa sa mga miyembro ng San Diego Hall of Champions. Bukod sa pinsala ni Walton sa season ng Los Angeles, wala pang Los Angeles Clippers na manlalaro ang napabilang sa Basketball Hall of Fame.
Retiradong Numero
[baguhin | baguhin ang wikitext]Wala
Hindi Malilimutang Manlalaro
[baguhin | baguhin ang wikitext]Head Coaches
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Dolph Schayes (1970-72)
- John McCarthy (1972)
- Jack Ramsay (1972-76)
- Tates Locke (1976-77)
- Bob MacKinnon (1977)
- Joe Mullaney (1977)
- Cotton Fitzsimmons (1977-78)
- Gene Shue (1978-80; 1987-89)
- Paul Silas (1980-83)
- Jim Lynam (1983-85)
- Don Chaney (1985-87)
- Don Casey (1989-90)
- Mike Schuler (1990-92)
- Larry Brown (1992-93)
- Bob Weiss (1993-94)
- Bill Fitch (1994-98)
- Chris Ford (1998-2000)
- Jim Todd (2000)
- Alvin Gentry (2000-03)
- Dennis Johnson (2003)
- Mike Dunleavy, Sr. (2003-present)
Mamamahayag at broadcast outlets
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ralph Lawler (telebisyon at radyo play-by-play)
- Michael Smith (telebisyon at radyo komentaryo)
- Matt Pinto (radyo play-by-play)
- Michael Eaves (sideline reporter at pregame na mananalita para sa telecasts sa Fox Sports Net Prime Ticket)
- Jerome "Pooh" Richardson (pregame at postgame analyst para sa telecasts sa Fox Sports Net Prime Ticket)
- Damon Andrews (sideline reporter para sa KTLA telecasts)
- Mga Cable telebisyon: Fox Sports Net Prime Ticket (Mga napiling laro sa Fox Sports Net West)
- Mga Over-the-air telebisyon: KTLA (Channel 5, The CW)
- Radyo: KSPN (710 AM, ESPN Radio)
Mga dating mamamahayag ng Clippers sa taon: Pete Arbogast, Mel Proctor, Ted Leitner, Bill Walton, Hubie Brown, Mike Fratello and Rory Markas. Basketball Hall of Famer Rick Barry siya ay isang panauhin para maging isang mamamahayag sa telebisyon (filling-in for Bill Walton) sa mga napiling mga laro noong mid-1990s (ang kanyang anak na si Brent ay naglaro din sa Clippers).
External links
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Los Angeles Clippers official web site
- Los Angeles Clippers official summer league
- Los Angeles Clippers team page on basketball-reference.com
- Los Angeles Clippers Naka-arkibo 2006-12-03 sa Wayback Machine. News and Information Site
- ↑ "History: Team by Team" (PDF). 2018–19 Official NBA Guide. NBA Properties, Inc. Oktubre 8, 2018. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Abril 11, 2019. Nakuha noong Hunyo 1, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "NBA.com/Stats–LA Clippers seasons". Stats.NBA.com. NBA Media Ventures, LLC. Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 15, 2017. Nakuha noong June 10, 2016.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ "Next Era of Clippers Basketball Launches With New Logo and Brand Identity". Clippers.com. NBA Media Ventures, LLC. Hunyo 17, 2015. Nakuha noong Hunyo 8, 2017.
The L.A. Clippers new visual identity is a symbolic turning of the page to the next era of Clippers basketball. The primary logo retains the legacy colors of red, white and blue as a tribute to the Clippers faithful, while adding black to provide a modern edge
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "LA Clippers Staff Directory". Clippers.com. NBA Media Ventures, LLC. Nakuha noong Disyembre 14, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "LA Clippers Reproduction Guideline Sheet". NBA Properties, Inc. Nakuha noong Agosto 10, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ LA Clippers PR (Marso 6, 2018). "Bumble and the L.A. Clippers Announce Global Partnership Based on Shared Principles of Gender Equality and Debut 'Empowerment Badge'". Clippers.com (Nilabas sa mamamahayag). NBA Media Ventures, LLC. Nakuha noong Marso 6, 2018.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 "CLIPPERS RESTRUCTURE BASKETBALL OPERATIONS DEPARTMENT". Clippers.com. NBA Media Ventures, LLC. Hunyo 16, 2014. Nakuha noong Nobyembre 29, 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "STEVE BALLMER COMPLETES PURCHASE OF LOS ANGELES CLIPPERS". Clippers.com (Nilabas sa mamamahayag). NBA Media Ventures, LLC. Agosto 12, 2014. Nakuha noong Nobyembre 29, 2015.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)