Lucifer
Si Lucifer o Lusiper sa pananampalatayang Kristiyano dahil sa pagkaunawa ni Jeronimo sa kanyang pagsasalin ng bibliyang Hebreo na binatay niya sa Septuagint ng salitang Griyegong heōsphoros na isinalin mula sa Hebreong hêlēl ng (Isaias 14:12) ay karaniwang ginagamit na isang pangngalan kay Satanas. Ang pangalang Latin na Lucifer ay ginamit sa saling King James Version noong 1611 ngunit hindi na matatagpuan sa mga modernong saling Ingles ng Bibliya.
Konteksto ng Isaias 14:12
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isaias 14:4 Na iyong gagamitin ang talinghagang ito laban sa hari sa Babilonia, at iyong sasabihin, Kung paano ang mamimighati ay naglikat! ang bayang ginto ay naglikat!
Isaias 14:5 Binali ng Panginoon ang tungkod ng masama, ang cetro ng mga pinuno;
Isaias 14:6 Siya na sumakit ng mga tao sa poot ng walang likat na bugbog, na nagpuno sa mga bansa sa galit, na may pag-uusig na hindi pinigil ng sinoman.
Isaias 14:7 Ang buong lupa ay nasa katiwasayan, at tahimik: sila'y biglang nagsisiawit.
Isaias 14:8 Oo, ang mga puno ng cipres ay nagagalak dahil sa iyo, at ang mga cedro sa Libano, na nangagsasabi, Mula nang ikaw ay malugmok wala nang mamumutol na umaahon laban sa amin.
Isaias 14:9 Ang Sheol mula sa ibaba ay nakikilos sa iyo upang salubungin ka sa iyong pagdating; nangapupukaw ang mga patay dahil sa iyo, sa makatuwid baga'y ang lahat na pinakapangulo sa lupa; nagsitindig mula sa kanilang mga luklukan ang lahat ng hari ng mga bansa.
Isaias 14:10 Silang lahat ay magsisisagot at mangagsasabi sa iyo, Pati ba ikaw ay naging mahinang gaya namin? ikaw ba'y naging gaya namin?
Isaias 14:11 Ang iyong kahambugan ay nababa sa Sheol pati ng tunog ng iyong mga biola: ang uod ay nangangalat sa ilalim mo, at tinatakpan ka ng mga uod.
Isaias 14:12 Ano't nahulog ka mula sa langit, isang nagliliwanag, anak ng bukang-liwayway!(Hebreo:hêlēl ben Shaḥar o hêlēl anak ni Shahar na diyos ng bukangliwayway sa Ugarit) paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa!
Isaias 14:13 At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at ako'y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan:
Isaias 14:14 Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan.
Isaias 14:15 Gayon ma'y mabababa ka sa Sheol, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hukay.
Pinagmulan ng Salita
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang salitang Lucifer ay saling Latin ni Jeronimo ng salitang Hebreo na hêlēl na isinalin sa Septuagint ng Aklat ni Isaias 14:12 na heōsphoros na lumang baybay ng phosphoros. Ang pangalang Lucifer ay batay sa paniniwala ni Jeronimong si Lucifer ay katumbas ni Satanas. Ang salitang heylel ay umiral lamang ng isang beses sa Lumang Tipan sa Isaias 14:12 patungkol sa Hari ng Babilonya.
Ang hêlēl ay karaniwang pinapakahulugang "isang nagliliwanag" mula sa pandiwang yalal (magliwanag o purihin) o halal (humagulgol).
Bagaman ang pangalang Lucifer ay ginamit sa KJV(1611) (King James Bible), ang salin ng Hebreong הֵילֵל (hêlēl) bilang "Lucifer" ay inabandona na ng maraming mga modernong saling Ingles ng Bibliya at isinalin bilang "morning star o tala ng umaga" (New International Version, New Century Version, New American Standard Bible, Good News Translation, Holman Christian Standard Bible, Contemporary English Version, Common English Bible, Complete Jewish Bible), "daystar" (New Jerusalem Bible, The Message), "Day Star" (New Revised Standard Version, English Standard Version), "shining one" (New Life Version, New World Translation, JPS Tanakh), o "shining star" (New Living Translation).
Sa Latin Vulgata
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isaias 14:12, quomodo cecidisti de caelo lucifer qui mane oriebaris corruisti in terram qui vulnerabas gentes.
Isinalin sa Ingles ng KJV (King James Version) ng Isaias 14:12: How art thou fallen from heaven, O Lucifer, son of the morning! how art thou cut down to the ground, which didst weaken the nations!
Sa tradisyong Kristiyano
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Lucifer ay iniugnay kay Satanas bilang nagmataas at nahulog na anghel mula sa langit na kalaban ng Diyos na may nais na wasakin ang lahat ng mga nilikha ng Diyos. Tinatawag din si Satanas bilang ang "isang masama", ang "prinsipe ng mundong ito" (ng lupa o daigdig na kinaroroonan ng tao), at bilang "ang diyos ng kapanahunang ito". Siya ang nagdala ng kasamaan sa mundo at nilarawan bilang isang "sinungaling, mapangwasak, at mapanlusob" ng mga tao ng Diyos.[2]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Tala ng Umaga
- Phosphoros
- Shaḥar - diyos ng bukangliwayway sa Relihiyong Ugaritiko
Sa astronomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ito rin ang pangalan ng planetang Venus kapag lumilitaw bilang "bituin ng umaga."
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Literal na salin.
- ↑ The Committee on Bible Translation (1984). "Satan, adversary, devil, evil one, the prince of this world and the god of this age". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary/Concordance, pahina B11.