Lusambo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Lusambo
Lusambo is located in Democratic Republic of the Congo
Lusambo
Lusambo
Mga koordinado: 4°58′22″S 23°26′12″E / 4.972912°S 23.436756°E / -4.972912; 23.436756Mga koordinado: 4°58′22″S 23°26′12″E / 4.972912°S 23.436756°E / -4.972912; 23.436756
Bansa Demokratikong Republika ng Congo
LalawiganSankuru

Ang Lusambo ay isang teritoryo (katumbas ng mga bayan) at kabisera ng lalawigan ng Sankuru, Demokratikong Republika ng Congo. Matatagpuan ito sa hilaga ng tagpuan ng Ilog Sankuru at ng Ilog Lubi.[1][2][3] Pinaglilingkuran ito ng Paliparan ng Lusambo IATA: LBOICAO: FZVI.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Isang katutubong banda sa Lusambo noong 1903

Noong 1890 pinili ni Paul Le Marinel ang Lusambo bilang pangunahing hukbuhing takad ng Belhika sa rehiyon ng Kasai upang magtanggol laban sa banta ng mga Arabe at Swahiling mangangalakal ng alipin at garing na nanghihimasok mula sa silangan. Ang estasyon ay magiging isa sa mahalagang mga puwestong militar ng Malayang Estado ng Congo na may permanenteng tauhan ng labimpitong mga puti, 600 katutubong sundalo at apat na mga piyesang kanyón.[4]

Noong 1999, sinabi ng bagong pamahalaang Kabila at ng pamahalaang Simbabweyano ni Robert Mugabe, na tinutulungan ng mga Amerikanong upahan (mercenaries) ang mga puwersang manghihimagsik na sinuportahan ng Uganda at Rwanda. Pinalibot ng mga manghihimagsik ang 700 mga Simbabweyanong kawal malapit sa Lusambo noong Ikalawang Digmaang Congo.[5]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. National Geographic Atlas of the World: Revised Sixth Edition, National Geographic Society, 1992
  2. www.maplandia.com
  3. www.geonames.org
  4. De Coster, Pieter (1997). "Biografie van Paul Le Marinel". De eerste Europese ontdekkingsreizen in Katanga 1797-1897 (sa wikang Olandes).
  5. Smith, Alex Duval (2 Disyembre 1999). "Foreign troops under siege as war rages in Congo, four months after peace deal". The Independent. Nakuha noong 16 June 2016.