Pumunta sa nilalaman

Lutuing Koreano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lutuing Koreano
Hanjeongsik, pihikan at pinong kainan sa lutuing Koreano
Pangalang Koreano
Hangul한국요리 / 한식
Hanja韓國料理 / 韓食
Binagong RomanisasyonHanguk yori / Hansik
McCune–ReischauerHanguk yori / Hansik

Nagbago ang lutuing Koreano sa daan-daang taong ng pagbabago sa lipunan at politika. Nagmula sa mga sinaunang tradisyon sa agrikultura at nomadismo sa Korea at timog Manchuria, isang kumplikadong interaksiyon ang lutuing Koreano ng kalikasan at iba't ibang uso sa kultura.[1][2]

Pangunahing nakasalig ang lutuing Koreano sa bigas, gulay, pagkaing-dagat at (kahit sa Timog Korea lamang) karne. Halos walang deyri sa tradisyonal na diyetang Koreano.[3] Pinangalanan ang mga tradisyonal na Koreanong ulam para sa bilang ng mga pamutat (반찬; 飯饌; banchan) na ipinapares sa sinaing na kanin. Inihahain ang kimchi sa halos lahat ng kainan. Kabilang sa mga karaniwang sangkap ang langis ng linga, doenjang (pinangasim na bins), toyo, asin, bawang, lugaw, gochugaru (taliptip na sili), gochujang (pinangasim na siling pula) at petsay.

Ang mga sahog at ang mga luto ay nakakaiba sa bawat lalawigan. Mayroong maraming mga makabuluhang panrehiyong luto na naging parehong pambansang at rehiyonal na luto. Maraming mga luto na dating pangrehiyon, gayunman, ay naiiba sa mga pagkakaiba-ibang uri sa mga ibat-ibang rehiyon ng bansa. Ang Lutong Koreano para sa Koreanong Hari dati ay nagdala ng lahat ng mga natatanging rehiyong luto para sa mga kapamilya ng hari.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Korean Food in History (역사 속 한식이야기)" [Pagkaing Koreano sa Kasaysayan] (sa wikang Koreano). Ministry of Culture, Sports and Tourism. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-11-27. Nakuha noong 2010-08-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Korean Cuisine (한국요리 韓國料理)" [Lutuing Koreano] (sa wikang Koreano). Naver / Doosan Encyclopedia. Nakuha noong 2009-03-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  3. Lee, Kyung Won; Cho, Wookyoun (2017-06-19). "The Consumption of Dairy Products Is Associated with Reduced Risks of Obesity and Metabolic Syndrome in Korean Women but not in Men". Nutrients. 9 (6): 630. doi:10.3390/nu9060630. ISSN 2072-6643. PMC 5490609. PMID 28629203.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)