Pumunta sa nilalaman

Munich

Mga koordinado: 48°08′15″N 11°34′30″E / 48.1375°N 11.575°E / 48.1375; 11.575
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa München)
Munich

München
college town, big city, residenz, metropolis, financial centre, urban municipality in Germany, urban district of Bavaria, lokal na pamahalaan sa Alemanya, district capital
Watawat ng Munich
Watawat
Eskudo de armas ng Munich
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 48°08′15″N 11°34′30″E / 48.1375°N 11.575°E / 48.1375; 11.575
Bansa Alemanya
LokasyonUpper Bavaria, Baviera, Alemanya
Palarong Olimpiko sa Tag-init 19721972; 1923
Itinatag1158 (Huliyano)
Ipinangalan kay (sa)monghe
Bahagi
Pamahalaan
 • lord mayor of MunichDieter Reiter
Lawak
 • Kabuuan310.71 km2 (119.97 milya kuwadrado)
Populasyon
 (31 Disyembre 2023)
 • Kabuuan1,510,378
 • Kapal4,900/km2 (13,000/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+01:00, UTC+02:00
Plaka ng sasakyanM
Websaythttps://www.muenchen.de/

Ang Munich (Aleman: München; pinakamalapit na bigkas /mín·shen/) ang pinakamalaki at kabisera ng estado ng Baviera, sa Alemanya. Kasunod ng Berlin at Hamburgo, ang Munich ang pangatlong pinakamalaking lungsod sa Alemanya, at isa rin ito sa mga pinakamahahalagang sentro pang-ekonomiya, pantransportasyon, at pangkultura ng bansa.

Ang lungsod ay unang nabanggit noong 1158. Mahigpit na nilabanan ng Katolikong Munich ang Repormasyon at naging punto ng pagkakaiba-iba sa politika noong nagresultang Digmaan ng Tatlumpung Taon, ngunit nanatiling hindi pisikal na nasalanta sa kabila ng pananakop ng mga Protestanteng Suweko.[1] Sa sandaling naitatag ang Baviera bilang isang soberanong kaharian noong 1806, ang Munich ay naging pangunahing sentro ng sining, arkitektura, kultura, at agham sa Europa. Noong 1918, sa panahon ng Rebolusyong Aleman, ang naghaharing Pamilya Wittelsbach, na namamahala sa Baviera mula noong 1180, ay napilitang magbitiw sa Munich at isang panandaliang sosyalistang republika ang idineklara. Noong dekada 1920, naging tahanan ang Munich ng ilang paksiyon sa pulitika, kabilang sa mga ito ang NSDAP. Matapos ang pagsulong ng mga Nazi sa kapangyarihan, idineklara ang Munich bilang kanilang "Kabesera ng Kilusan". Ang lungsod ay binomba nang husto noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ngunit naibalik ang karamihan sa tradisyonal na tanawin ng lungsod. Pagkatapos ng pagtatapos ng pananakop ng mga Amerikano pagkatapos ng digmaan noong 1949, nagkaroon ng malaking pagtaas sa populasyon at kapangyarihang pang-ekonomiya noong mga taon ng Wirtschaftswunder, o "himala sa ekonomiya". Ang lungsod ay naglunsad ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 1972 at isa sa mga host na lungsod ng mga FIFA World Cup noong 1974 at 2006.

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. Englund, Peter (1993). Ofredsår. Stockholm: Atlantis.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)