Pumunta sa nilalaman

Chat Silayan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ma. Rosario Silayan)
Chat Silayan
Kapanganakan
Ma. Rosario Rivera Silayan

8 Hulyo 1959(1959-07-08)
Pilipinas
Kamatayan23 Abril 2006(2006-04-23) (edad 46)
Pilipinas
TituloBinibining Pilipinas Universe 1980
Beauty pageant titleholder
Major
competition(s)

Si Ma. Rosario Rivera Silayan-Bailon o mas kilala bilang Chat Silayan-Bailon (Hulyo 8, 1959 – Abril 23, 2006) ay isang artista at inspirational speaker sa Pilipinas na kinoronahan bilang Binibining Pilipinas-Universe noong 1980.

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Chat Silayan bilang Ma. Rosario Rivera Silayan noong Hulyo 8, 1959.[1][2] Ang kanyang mga magulang ay sina Antoinnette Rivera at Vic Silayan na isang artista.[3][4]

Nagkaroon ng kasintahan si Chat Silayan na isang Italyano noong siya ay nasa Estados Unidos at sila ay nagkaroon ng isang anak.[3]

Noong Disyembre 30, 1992 ay ikinasal si Chat Silayan kay Michael Bailon sa Parokya ng St. James sa Alabang at nagkaroon sila ng dalawang anak.[1][3][5]

Karismatikong Katoliko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Miyembro si Chat Silayan ng grupo ng Catholic Charismatic na nagngangalang Elim.[5] Nakasama niya dito ang kanyang naging asawa na si Michael, at ang artista na si Dondon Nakar.[5] Dumadalo sila para pag-aralan ang Bibliya tuwing Lunes sa punong-tanggapan ng Elim sa New Manila sa Lungsod ng Quezon at nakikilahok sa mga prayer meeting tuwing Martes sa Seminaryo ng San Carlos sa Guadalupe sa Lungsod ng Makati.[5]

Naging motivational at inspirational speaker si Chat Silayan at nagbigay ng mga panayam tungkol sa kagandahang pangloob o inner beauty sa mga kababaihan at mga grupong Kristiyano sa mga probinsiya sa Pilipinas at sa Estados Unidos.[3]

Binibining Pilipinas-Universe

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kinoronahan bilang Binibining Pilipinas-Universe ni Chat Silayan noong 1980.[1] Nanalo siya bilang third runner-up noong nirepresenta niya ang Pilipinas sa patimpalak na Miss Universe na ginanap noong 1980 sa Timog Korea.[1]

Dahil kaarawan ni Chat Silayan noong araw ng patimpalak ng Miss Universe, hiniling ng host na si Bob Barker sa mga manonood na kantahin ang maligayang kaarawan para kay Chat Silayan.[1] Nagpasalamat si Silayan gamit ang wikang Koreano na naging dahilan kung bakit siya naging paborito sa patimpalak.[1][6]

Pumasok sa larangan ng show business si Chat Silayan pagkatapos niyang manalo sa patimpalak na Miss Universe.[1] Ilang taon ang lumipas ay kumuha siya ng mga aralin sa pag-arte sa Estados Unidos.[1]

Nakilala si Chat Silayan sa kanyang mga pagganap sa mga pelikulang "Ang Maestro" kasama si Fernando Poe Jr. noong 1981, at ang "Wanted: Leon Mercado" kasama si Lito Lapid noong 1982, at sa serye sa telebisyon na "Esperanza" noong 1997.[2][7][3]

Noong 1996 ay ipinalabas sa International Film Festival ng India at sa Asian Film Tour (Netpac) sa labing-apat na lungsod sa Estados Unidos ang pelikulang "Ipaglaban Mo" na kasama si Chat Silayan sa mga casts.[8]

Kasama din siya sa mga naging hosts ng programang "Suerte sa Siete" at "Student Canteen" at naging pangunahing artista sa kanyang programa na "Chat Silayan Drama Studio".[5]

Yumao si Chat Silayan noong Abril 23, 2006 sa St. Luke’s Medical Center sa edad na 46 taong gulang matapos makipaglaban sa sakit na colon cancer.[1] Inilibing siya sa Manila Memorial Park sa Lungsod ng Parañaque.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 Lo, Ricky (Abril 25, 2006). "Chat slips quietly into the night". Philstar.com. Nakuha noong Pebrero 14, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  2. 2.0 2.1 "Chat Silayan - Biography". IMDb. Nakuha noong Pebrero 14, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 Montemar-Oriondo, Ann (Disyembre 8, 2002). "Chat Silayan and That 40-carat feeling". Philstar.com. Nakuha noong Pebrero 14, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  4. Magbanua, Djan (2017-01-26). "Muntik na! Mga Pinay runners-up sa Miss Universe". INQUIRER.net. Nakuha noong 2024-02-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 Francisco, Butch (Mayo 6, 2006). "How Chat touched my life". Philstar.com. Nakuha noong Pebrero 15, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  6. Mallorca, Hannah (2023-01-16). "IN THE SPOTLIGHT: Filipinas who came this close to winning the Miss Universe title". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-02-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  7. "Wanted: Leon Mercado 1982". IMDb. Nakuha noong Pebrero 14, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  8. Garcia, Jr., Leonardo; Masigan, Carmelita (Agosto 17, 2001). "An In-depth Study on the Film Industry In the Philippines" (PDF). Philippine Institute for Development Studies. Nakuha noong Pebrero 15, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)