Pumunta sa nilalaman

Nobelang magaan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Magaang na nobela)
Isang raketa ng mga nobelang magaan sa isang tindahan ng mga nobelang magaan sa Macau.
Isang tindahan ng mga nobelang magaan sa Macau.

Ang nobelang magaan, (Ingles: light novel) kilala ring ranobe[1] (pinaikling tawag sa salitang Hapón na ライトノベル raito noberu) at minsan dinadaglat bilang LN, ay isang istilo ng nobelang pambatang-matanda (young adult), lalo na sa mga kabataang nasa haiskul,[2][3] na nagmula sa bansang Hapón. Madalas umaabot sa 50,000 mga salita ang haba ng isang nobelang magaan, malapit na sa pinakamababang hangganang inaasahan para sa isang nobelang Kanluranin.[4] Madalas itong inililimbag sa sukat na bunkobon (papel na A6, o 10.5 sm. × 14.8 sm.). Madalas ring siksik ang iskedyul ng paglilimbag sa mga ito.

Kilala ang mga nobelang magaan dahil sa paglalagay ng mga larawang nakaguhit sa istilong manga. Kalimitang nagkakaroon rin ang mga ito ng sarili nilang manga at anime. Di tulad ng karamihan sa mga tradisyonal na nobela, magkakahiwa-hiwalay na inililimbag ang mga tomo ng nobela, na madalas ginagawang serye. Baha-bahagi namang inililimbag ang bawat kabanat ng ilang mga nobelang magaan sa mga magasing antolohiya bago ito kolektahin sa anyong libro, madalas pagkatapos ng isang arko ng kwento.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Light Reading: Comic-like Novels Are All the Rage [Magaan na Pagbabasa: Mga Nobelang Mala-komiks ang Uso [ngayon]], Trends in Japan (sa wikang Ingles), Web Japan, Pebrero 28, 2007{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  2. 榎本秋 (Aki Enomoto) (Oktubre 2008). ライトノベル文学論 [Kritisismo sa mga nobelang magaan] (sa wikang Hapones). Hapón: NTT Shuppan. ISBN 978-4-7571-4199-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "The Platform to Produce Innovative Content - Kadokawa Annual Report 2012" [Ang plataporma para sa paggawa ng mga makabagong nilalaman - Taunang Ulat ng Kadokawa 2012] (PDF) (sa wikang Ingles). p. 11. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2013-07-17. Nakuha noong 2020-11-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2013-07-17 sa Wayback Machine.
  4. "SFWA Novel Categories" [Mga Kategorya ng Nobela ng SFWA]. Science Fiction and Fantasy Writers of America (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Marso 2009. Nakuha noong Nobyembre 6, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 19 March 2009[Date mismatch] sa Wayback Machine.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.