Pumunta sa nilalaman

Sinaunang Roma

Mga koordinado: 41°53′N 12°29′E / 41.89°N 12.48°E / 41.89; 12.48
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mamamayang Romano)
Sinaunang Roma
dating bansa
Map
Mga koordinado: 41°53′N 12°29′E / 41.89°N 12.48°E / 41.89; 12.48
LokasyonRehiyon ng Mediteraneo
Itinatag753 BCE (Huliyano)
Binuwag476 (Huliyano)
KabiseraRoma
Populasyon
 (2nd dantaon (Huliyano))
 • Kabuuan50,000,000
Ayon sa alamat, ang Roma ay itinatag noong 753 BC ni Romulus at Remus, na pinalaki ng babaeng-lobo.

Ang Sinaunang Roma ay isang sinaunang kabihasnan sa Europa na umiral sa Italyanong Peninsula. Ang maliit na agrikultural na lungsod ay lumaki at naging isa sa mga pinakamalawak na imperyo ng sinaunang panahon sa Dagat Mediteraneo.

Sa mga siglo ng pag-iral, ang Romanong kabihasnan ay naging kaharian, isang oligarkiyang republika at naging malakas na imperyo.

Nang daan-daang taon kinontrol ng mga Romano ang kabuuan ng kanlurang Europa, pati na rin ang buong kasakupang pumapalibot sa Dagat Mediteraneo at bahagi ng kasakupang pumapalibot sa Dagat Itim.

Bumagsak ang Kanlurang Imperyo Romano noong 476 AD sa mga barbaro habang ang Silangang Imperyo Romano ay tumagal hanggang 1453 AD bago bumagsak ang kabisera nito sa mga Turkong Ottoman.

Ayon sa alamat, ang lungsod ng Roma ay itinatag ng dalawang kambal na sina Romulus at Remus. ipinatapon ang magkambal noong sila ay mga sanggol pa at iniwan malapit sa Ilog ng Tiber. Inalagaan sila ng mga lobo pero noong lumaki na sila, natagpuan sila ng isang pastol at inalagaan din sila ng pastol. Itinatag nila ang bayan ng Roma pero nag-away sila kung sino ang mamumuno dito pero sabi ng mga ilang historyan, ang pangalan lang ng lungsod ang pinagawayan nila. Nanalo si Romulus at namatay naman si Remus at ipinangalan kay Romulus ang bayan ng Roma.

Naging kaharian ang Roma, pero ang huling hari ng Roma, si Tarquin na Nakapagmamalaki, ay pinabagsak. Itinatag ang Republika ng Roma noong 509 BC at namuno ang mga senador pero namuno si Julius Caesar sa lahat at sinakop niya ang karamihan ng Gitnang Europa. Pinatay siya noong 44 BC ng ilang mga senador at pagkayari may tatlong taong namuno na sila Lepido, Octavio at si Mark Anthony pero nag-away silang lahat para sa pamumuno ng Roma. Tinalo ni Octavius sila Lepidus at tinalo rin niya sila Mark Anthony at si Cleopatra sa Digmaan sa Actium noong 31 BC at kinuha niya ang panglang Augustus Caesar at siya ang naging unang Emperador ng Imperyo ng Roma.

Hinati ni Emperador Diocletian ang Imperyo ng Roma noong 293 AD dahil masyado itong malaki at malawak. Hinati niya ito sa dalawang imperyo - ang Silangang Imperyo Romano at ang Kanlurang Imperyo Romano. Si Emperador Constantine ang namuno sa Silangang Imperyo Romano.

Sinakop ng mga Vandal ang Kanlurang Imperyo Romano noong 476 AD pero ang Silangang Imperyo Romano o ang Imperyong Bizantino na ay natira pero sinakop din ito ng mga Turkong Ottoman sa pamumuno ni Mehmed II noong 1453 AD.

Mga mamamayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May apat na uri ng mga mamamayan sa Sinaunang Roma. Kabilang sa mga sinaunang Romano ang mga patrisyano, mga plebyano, mga taong pinalaya, at mga alipin.[1]

Ang mga patrisyano ang aristokrasya ng Sinaunang Roma, na umaangkin sa lahat ng mga pribilehiyo at mga kapangyarihang panglipunan. Sumunod sa kanila ang mga plebyano, na ipinanganak bilang malalayang mga mamamayan ngunit may iilang mga kapangyarihan. Kasunod nito ang mga pinalayang tao, o dating mga alipin na may bahagyang kalayaan kaysa mga plebyano. Nasa pinakailalim ng antas ang mga alipin, na may iilang uri ng anumang mga karapatan.[1]

Ang Imperyong Romano noong panahon ni Trajanus

Ang buhay sa Sinaunang Roma ay umiikot sa lungsod ng Roma, na nasa pitong burol. Maraming mga gusali at monumento na makikita dito tulad ng Colesseom, Forum of Trajan at ang Pantheon. Marami ding mga inuming fountain na may tubig galing sa mga aquadukto; mayroon ding mga teatro, gymnasio, paliguan at mga silid-aklatan na may mga tindahan at mga kanal.


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who were the Plebeians?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), may paglalarawan ng apat na kaantasan o uri sa lipunan ng Sinaunang Roma, pahina 17.