Manfredonia
Manfredonia | |
---|---|
Comune di Manfredonia | |
Basilika ng Siponto | |
Manfredonia sa loob ng Lalawigan ng Foggia | |
Mga koordinado: 41°38′N 15°55′E / 41.633°N 15.917°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Apulia |
Lalawigan | Foggia (FG) |
Mga frazione | Borgo Mezzanone, Riviera Sud (Sciali and Ippocampo), Pastini, Ruggiano, San Salvatore, Siponto, Tomaiuolo |
Pamahalaan | |
• Mayor | Angelo Riccardi |
Lawak | |
• Kabuuan | 354.54 km2 (136.89 milya kuwadrado) |
Taas | 5 m (16 tal) |
Demonym | Manfredoniani, Sipontini |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 71043 |
Kodigo sa pagpihit | 0884 |
Santong Patron | San Lorenzo ng Siponto (San Lorenzo Maiorano) |
Saint day | Pebrero 7 |
Websayt | Opisyal na website |
Ang Manfredonia ([maɱfreˈdɔːnja]) ay isang bayan at komuna ng Apulia, Italya, sa lalawigan ng Foggia, kung saan mula ito ay 35 kilometro (22 mi) hilagang-silangan sa pamamagitan ng tren. Matatagpuan ang Manfredonia sa baybayin, nakaharap sa silangan, sa timog ng Monte Gargano, na nagbibigay-pangalan sa golpo sa silangan nito. Magmula noong 2017[update] ang populasyon nito ay 56,932.[3]
Mga pangunahing tanawin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kastilyong medyebal, na sinimulan ng Hohenstaufen at nakumpleto ng Capetong Pamilya ng Anjou, at mga bahagi ng pader ng bayan ay napanatili nang maayos. Ang kastilyo ay dinagdagan ng isang bagong linya ng mga pader noong ika-15 siglo.
Sa simbahan ng San Domenico, ang Kapilya ng Maddalena ay naglalaman ng mga lumang pinta noong ika-14 na siglo.
Tatlong kilometro (3 kilometro (1.9 mi)) sa timog-kanluran matatagpuan ang dating Katedral ng Siponto, na ngayon ay Basilika ng Santa Maria Maggiore di Siponto, na itinayo noong 1117 sa estilong Romaniko, na may isang simboryo at cripta.
Ang Abadia ng San Leonardo sa Lama Volara, malapit sa Foggia, na kabilang sa Ordeng Teutonico, ay itinayo sa parehong panahon.
Ang Manfredonia din ang kinalalagyan ng luklukan ng Arsobispo ng Manfredonia-Vieste-S. Giovanni Rotondo sa Katedral ng Manfredonia, itinayo muli noong mga 1600 matapos ang pagkawasak ng mga Turko sa naunang simbahan noong ika-13 na siglo.
Mga mamamayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Lorenzo ng Siponto (namatay 545), obispo, santo, patron ng Manfredonia
- Vettor Pisani (1324–1380), Venecianong Admiral
- Pino Rucher (1924–1996), gitarista at tapag-ayos ng musika
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ All demographics and other statistics from the Italian statistical institute (Istat)
- ↑ (sa Italyano) Source: Naka-arkibo 2012-02-25 sa Wayback Machine. Istat 2011
Mga pinagkuhanan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- A. Beltramelli, Il Gargano (Bergamo, 1907)
- Westermann, Großer Atlas zur Weltgeschichte