Pumunta sa nilalaman

Marjorie Evasco

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Marjorie Evasco
Kapanganakan21 Setyembre 1953
  • (Bohol, Gitnang Kabisayaan, Pilipinas)
MamamayanPilipinas
NagtaposPamantasang De La Salle Maynila
Pamantasang Silliman
Pamantasang Holy Name
Trabahomakatà, manunulat, kritiko[1]

Si Marjorie Evasco ay isinilang sa Maribojoc, Bohol noong 21 Setyembre 1953. Nagtapos siya ng kursong Bachelor of Arts in English sa Divine Word College sa Tagbilaran, Bohol noong 1973 at ng Masteral Degree in Creative Writing sa Siliman University noong 1982.

Siya ay nagturo sa Unibersidad ng De La Salle. Siya ang nagtatag ng isang organisasyon ng mga kababaihan na tumutulong sa publikasyon ng mga koleksiyon ng mga naisulat ng mga babaing manunulat, na kung tawagin ay Writers Involved in Creating Cultural Alternatives (WICCA).

Ang kanyang mga tulang nasulat ay kasama sa isang katipunan na pinamagatang Forbidden Fruit, koleksiyon ng mga erotikong literatura ng mga kababaihan noong 1992. Ang kanyang sarHing koleksiyon ng mga tula ay may pamagat nit Kung Ibig Mo (If You Desire).


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. https://www.dictionnaire-creatrices.com/fiche-marjorie-evasco.