Pumunta sa nilalaman

Pamantasang De La Salle

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Unibersidad ng De La Salle)
Pamantasang De La Salle
SawikainReligio Mores Cultura
Christian Achievers for God and Country
La Sallian Achievers for God and Country
Administratibong kawani400
Mag-aaralmahigit 11,000
Lokasyon,
KampusUrban, 50,400 m²
HimnoDe La Salle Alma Mater Hymn
KulayLuntian at Puti
PalayawLa Salle Verde Arquero
MaskotGordo, Flaco and Sally
ApilasyonAUN, ASEACU, IIC, UAAP, IFCU, PATE, IAU
Websaytwww.dlsu.edu.ph

Ang Pamantasang De La Salle (De La Salle University (DLSU) sa wikang Ingles), o kilala rin bilang La Salle, ay isang pribadong Katolikong pampananaliksik na pamantasan na itinaguyod at ipinatatakbo ng Kapatirang De La Salle na matatagpuan sa Taft Avenue, Malate, Maynila, Pilipinas. Itinaguyod ito noong 1911 bilang Kolehiyong De La Salle sa Daang Nozaleda sa Paco, Maynila. Inilipat ito sa kasalukuyan nitong kinaroroonan noong ikadalawampu't-isa ng Setyembre upang tugonan ang pagdami ng mga pumapasok na mag-aaral. Naging pamantasan ito noong Pebrero noong 1975. Ito ang pinakamatandang miyembro ng De La Salle Philippines (DLSP), isang samahan ng mga pamantasang Lasalyano sa Pilipinas.

Nagsimula ito bilang isang institusyong panlalaki. Sa kasalukuyan, nag-aalok ito ng mga koedukasyong kursong pang-undergraduate at pang-graduate sa pamamagitan ng pito nitong mga dalubhasaan at isa nitong paaralan. Ilan sa mga pinagdadalubhasaan ng mga ito ay ang mga disiplinang negosyo, inhenyeriya, at ang malalayang sining.

Ikinilala ng Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon (CHED) ang Pamantasang De La Salle bilang isang Center of Excellence sa anim nitong mga programa, at Center of Development sa tatlo nitong mga programa. Kasalukuyang kasapi ang pamantasan sa ilang internasyonal na samahang pamantasan katulad ng ASEAN University Network (AUN), at ang International Association of Universities. Kasapi rin ang pamantasan sa ilang mga lokal na samahan, katulad ng South Manila Inter-Institutional Consortium.

Ang pamantasan ay kabilang sa pagbuo ng kasunduang consortium kasama ang ibang malalaking pamantasan sa Pilipinas. Ang mga kasunduang ito ay nagbigay daan sa mga programang palitan ng mga mag-aaral at pakuldad sa mga miyembrong paaralan, kabilang na rin dito ang pagbabahagi ng mga espesyalisasyon. Sa kasalukuyan, ang De La Salle ay may kasunduang pangkonsorsiyum sa Saint Scholastica's College, Philippine Christian University, St. Paul University of Manila, Philippine Normal University, Ateneo de Manila University, at University of the Philippines. Sa pamamagitan ng mga konsorsiya na ito, nakakagamit ang mga mag-aaral at guro ng De La Salle ng mga pasilidad ng ibang paaralan, at nakakapagtrabaho sa kanila mga counter-part.

Binubuo ang pakuldad ng pamantasan ng mga religious at lay professors na nagsanay sa labas ng bansa tulad ng Europa, Amerika, at Asya, kabilang na ang Pilipinas.

Mga Dalubhasaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pamantasan ay mayroong anim na kolehiyo ng kadalubhasaan na nagbibigay ng mga programang undergradweyt at gradweyt.

Dalubhasaan ng Negosyo at Ekonomiks

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Kolehiyo ng Negosyo at Ekonomiks (College of Business and Economics o CBE) ng DLSU-M ay isa ngayon sa pinakanangunguna at dinamikong kolehyong pannegosyo sa Pilipinas. Ito ay binubuo ng Departamento ng Economics, Accountancy, Marketing, Finance, Business Management at Commercial Law.

Ang kolehiyo ay kasalukuyang umuupa ng mga profesor mula sa tanyag na mga kompanya para sa kaniyang mga kursong Accounting. Pinagmamalaki ng naturang kolehiyo ang kanyang mga estudyante, na nakakuha ng panguna, pangalawa, at pang-apat sa board exams para sa Accounting noong 2004.

Dalubhasaan ng mga Araling Kompyuter

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Kolehiyo ng mga Pag-aaral sa Kompyuter (College of Computer Studies o CCS) ay isa sa mga pinakamagaling sa unibersidad at sa Pilipinas. Ang kolehyo ay isa nang ganap na kolehyo ng DLSU-M. Dati itong nabibilang sa independenteng institusyon na De La Salle – Professional Schools, Inc. kasama ng Graduate School of Business para sa Master's of Business Administration (MBA). Ang Kolenhiyo ng mga Pag-aaral sa Kompyuter ay nahahati sa tatlong departamento: Computer Technology, Information Technology at Software Technology. May tatlong kurso naman na ibinibigay ang kolehiyo, ang Computer Science, Information and Communication Technology Management at Computer Systems Engineering. Ang mga mag-aaral ng Computer Science ay pinapapili ng kanilang specialization matapos ang kanilang unang taon. Ang mga specialization ng Computer Science ay Instructional Systems Technology, Software Technology at Network Engineering.

Dalubhasaan ng Edukasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hinahawakan ng Kolehiyo ng Edukasyon (College of Education of CED) ang Batsilyer sa Agham sa Pangalawang Edukasyon, isa sa mga pinakalumang kurso sa unibersidad. Kadalasang mababa ang tingin ng ibang mga estudyante sa ibang paaralan sa kolehyong ito. Sa kabila noon, hindi maitatago na ito ang pinakamatanda at ito ang espesyalidad na kurso ng DLSU. Nasa eleganteng Yuchengco Hall ang kolehyong ito.

Dalubhasaan ng Inghenyeriya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pinangungunahan ng Kolehiyo ng Inghenyeriya (College of Engineering o COE) ang bansang Pilipinas para sa pagsulong ng mataas na antas ng edukasyong pang-inghenyeriya para sa mga estudyante. Pinagyayabang ng kolehyo ang kanilang matataas na marka sa board exams ng Pilipinas. Ang maging pinakamagaling na inghenyeriyang kolehyo sa Asya Pasipiko sa ika-21 siglo ang kanilang pangunahing misyon. Matatagpuan ang lahat na departamento ng kolehyo sa Velasco Hall, maliban sa Departamento ng Inghenyeriyang Mekanikal, na nasa unang palapag ng Miguel Hall. Sa kasalukuyan, karamihan sa mga estudyante ng kolehyo ay lalaki.

Dalubhasaan ng Malalayang Sining

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Inaalok ng Kolehyo ng malalayang Sining (College of Liberal Arts o CLA) ang pangkalahatang kursong edukasyon. Nasa unibersidad na ang kolehyo simula pa nang magbukas ito, at nahati sa dalawang magkahiwalay kolehyo noong 1978. Nasa 70% ng kabuuang kurso ng unibersidad. Matatagpuan ang mga silid-aralan at ang opisina ng Dekano at Pangalawang Dekano sa Miguel Hall, samantala matatagpuan sa William Shaw Hall ang mga opisina ng mga profesor.

Kilala ang Miguel Hall, na pangunahing gusali ng CLA, sa kanyang bukas at nakalalayang karakter na dala ng kawalan ng hallways sa karaniwang sens ng salita. Di-tulad ng hallways ng mga pangunahing gusali ng ibang kolehyo na magkabilaang pinalilibutan ng mga dingding, ang gilid eksteryor lamang ng “hallways” ng Miguel Hall—mula sa ikatlong palapag pataas—ang nakadingding habang ang gilid interyor naman ay nilagyan lamang ng mabababang rehas; nag-iiwan ang setup na ito ng espasyo sa gitna na ideal para sa people-watching mula sa anumang kinaroroonan. Sa kasalukuyan, karamihan sa mga estudyante ng kolehyo ay babae.

Dalubhasaan ng Agham

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isa sa mga pinakaunang kolehyo sa bansang Pilipinas ang Kolehiyo ng Agham (College of Science o CoS) ng DLSU. Pinagyayabang ng kolehyo ang uring dekalidad na mga profesor. Si Dr. Wyona Patalinghug, na puno of the Departamento ng Kimika ay ang nag-iisang crystallographer sa Pilipinas. Nasa St. Joseph Hall (o SJ) at SRTC ang kolehiyong ito.

Sentro ng Kahusayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Centers of Excellence

Sentro ng Pagpapaunlad

Mga Sentro ng Pagsasaliksik

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Advanced Research in Computing (AdRIC)
  • Bienvenido N. Santos Creative Writing Center
  • Brother Alfred Shields FSC Marine Biological Station in Matuod, Batangas
  • Center for Business and Economics Research and Development (CBERD)
  • Center for Educational Media (CREM)
  • Center for Engineering Research, Training and Consultancy
  • Center for Natural Sciences and Environmental Research (CENSER)
  • Center of Research in Advanced Information and Computing Technology (CReATe)
  • CHED-Zonal Research Center Naka-arkibo 2006-08-27 sa Wayback Machine.
  • Culture and Cognition Research Laboratory (CCRL)
  • Educational Management Center
  • European Documentation and Research Centre (EDRC)
  • Laboratoryo sa Pananaliksik sa Sikolohiya (LAPIS) (Laboratory for Research in Psychology)
  • Lasallian Institute for Development and Educational Research (LIDER)
  • Science and Technology Research Center (STRC)
  • Social Development Research Center (SDRC)
St. La Salle Hall
St. Joseph and Velasco Halls

Ang kampus ng De La Salle University-Manila ay sa kasalukuyan binubuo ng labing-syam na gusali. Nakatayo ito sa 5.04 hektaryang lupa na nakaharap sa Taft Avenue sa distrito ng Malate, malapit sa Rizal Memorial Sports Complex, De La Salle-College of Saint Benilde, at Vito Cruz LRT Station. Ang pinakaunang gusali ng pamantasan ay ang St. La Salle Hall, isang istrakturang neoklasiko na dinisenyo ni Tomas Mapua, ngayon ay ginagamit ng Kolehiyo ng Negosyo at Ekonomiks.

Pagkatapos ng gyera, lumaki ang kampus nang itayo ang Br. Athanasius Gym at St. Joseph Hall noong 1950s, at Br. Alphonsus Bloemen Hall at Br. Connon Hall noong 1970s naman. Noong 1980, sinimulan ang pagtatayo ng Velasco Hall, Br. Miguel Hall at ang bagong University Library. Pinalawak pa ang kampus sa Daang Fidel Reyes noong 1990s nang itinayo ang Gokongwei Hall, Science and Technology Research Center, at Enrique M. Razon Sports Complex. Ang mga mas bagong gusali ay ang Br. John Hall na matatagpuan sa pinaka-timog na bahagi ng kampus, ang Don Enrique T. Yuchengco Hall na itinayo ay dating lugar ng Br. Athanasius Gym, at ang Br. Andrew Gonzalez Hall noong Hunyo 2006 na matatagpuan sa harapan ng Enrique M. Razon Sports Complex. Sa kasalukuyan, ang Br. Andrew Gonzalez Hall ang pinakamataas na gusaling pang-edukasyon sa Pilipinas.

May dalawang istilong pang-arkitekto na kitang-kita sa mga gusali sa pamantasan. Karamihan ng mga gusali ay gumagamit ng neoklasikong arkitektura, samantala ang iba naman ay gumagamit ng hindi gaanong magayak na disenyo na modernist style. Ang disenyo ng Br. Andrew Gonzalez Hall ay isang modernong interpretasyon ng makalumang neoklasikong istilo. Gumagamit ito ng magandang porma at proporsiyon ng classical architecture, ngunit ginamitan ng modernong linya at materyales tulad ng reflective glass curtain walls at modernong kagamitan.

Mga Gusaling Pangsilid-aralan

Iba pang mga gusali

Paaralang Gradwado ng Negosyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagsimula ang kuwento ng Paaralang Gradwado ng Negosyo (Graduate School of Business o GSB) noong 1960. Pagkatapos ng dalawang taong pananaliksik at gawaing paghahanda kasama ng alumni at pangongonsulta sa mga pinuno sa komunidad negosyante, binuksan ng de la Salle ang Graduate School of Business sa pag-alok ng programang pandigring Master ng Pangangasiwa ng Negosyo (MBA).

Noong 1982, sinimulan ng GSB ang programang pandigring Doktor ng Negosyo (DM). Iniba ang pangalan ng programa noong Hunyo 1992 sa Doktor ng Pangangasiwa sa Negosyo (DBA) alinsunod sa Regional DBA Program na sinuportahan ng Canadian International Development Agency (CIDA) at ng Association of Deans of the Southeast Asian Graduate School of Management (ADSGM). Ang DLSU ang isa sa mga institusyong nagbibigay ng digris sa ilalim ng Programang ADSGM-CIDA DBA Program; ang Unibersidad ng Pilipinas ang isa pa.

Inaalok simula noong taong akademiko 1996–97 ng GSB ang programang Master ng Agham sa Computational Finance (MSComFi) para sa profesyonal na investors sa mga pamilihang pinansiyal.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]