De La Salle Philippines
- Tungkol ang artikulong ito sa De La Salle Philippines, Inc.. Para sa pamantasan sa Philadelphia, tingnan La Salle University.
Ang De La Salle Philippines, Inc. (DLSP o DLSPI) ay isang sistemang pamantasan sa Pilipinas, na pinapatakbo ng mga De La Salle Brothers sa Pilipinas. Binubuo ang sistema ng walong awtonomong mga kampus sa Kalakhang Maynila at karatig na mga lalawigan ng Laguna at Cavite. Itinatag ang DLSPI upang tugunan ang mabilis na paglawak ng mga paaralang Lasallian at gawing epektibo ang mga yaman nito. Kinukuha ang inspirasyon ng sistema at ang mga kasaping paaralan nito mula sa buhay at mga gawa ng nagtatag ng intitusyon, si San Jean-Baptiste de La Salle.
De La Salle University-Manila ang unang kampus na itinatag noong 1911 habang nagbukas naman ang pinakabago, ang De La Salle-Canlubang, noong 2003 sa Biñan, Laguna. Tumatanggap ang lahat ng kampus ng mag-aaral para sa kolehiyo maliban sa De La Salle-Santiago Zobel School at La Salle Green Hills na nag-aalok ng edukasyong elementarya at sekundarya at ang De La Salle-Professional Schools, Inc. na para lamang sa mga nagtapos ng kolehiyo.
District schools
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ As John Bosco College; St. Margaret Mary's School (Bislig Bay Elementary School), established in 1950 but merged with John Bosco College
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- De La Salle Philippines
- De La Salle Brothers in the Philippines
- 1 komunidad ng mga alumni at mag-aaral ng mga 17 paaralang De La Salle Naka-arkibo 2021-01-26 sa Wayback Machine.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.