Pumunta sa nilalaman

Marxismo–Leninismo–Maoismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Marxismo–Leninismo–Maoismo ay isang pilosopiyang pampolitika at ideolohiyang komunista na nagsasama-sama at nagtatayo sa Marxismo–Leninismo at Maoismo. Una itong ginawang pormal ng Partido Komunista ng Peru (mas kilala bilang Nagniningning na Landas) noong 1982. Lumaki at umunlad ang ideolohiyang ito at kasalukuyang naglilingkod bilang puwersang nagbibigay-buhay sa mga kilusan panghimagsikan sa mga bansang gaya ng Brasil, Ekwador, Indiya, Kolombya, Nepal, at Pilipinas.