Pumunta sa nilalaman

Midya sa Berlin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Media ng Berlin)
Punong-tanggapan ng Axel Springer SE

Ang Berlin ay isang pangunahing sentro ng media sa Alemanya at Europa.

Ito ay tahanan ng maraming pandaigdigan at rehiyonal na mga himpilan ng telebisyon at radyo.[1] Ang pampublikong broadcaster na RBB ay may punong tanggapan nito sa Berlin sa tabi ng mga komersyal na broadcaster na MTV Europe, VIVA, at N24. Ang Aleman na pampublikong pandaigdigang broadcaster na Deutsche Welle ay mayroong yunit ng produksiyong pantelebisyon nito sa Berlin, at karamihan sa mga pambansang Aleman na broadcaster ay may estudio sa lungsod kasama ang RTL.

Pagpasok sa mga Estudyo ng Babelsberg

Ang industriya ng pelikulang Europeo at Aleman ay naroroon,[2] naglalaman ito ng higit sa 1000 kompanya ng paggawa ng pelikula at telebisyon, 270 mga sinehan. Mga 300 pambansa at pandaigdigang koproduksiyon ang kinukunan sa rehiyon bawat taon.[3] Ang makasaysayang Estudyo Babelsberg at ang kompanya ng produksiyon na UFA ay matatagpuan sa kalapit na Potsdam. Ang Rise FX ay may punong tanggapan nito sa Berlin.

Ang lungsod ay tahanan ng Akademyang Pampelikulang Europeo at ng Akademyang Pampelikulang Aleman, at nagsasagawa ng taunang Pistang Pampelikula ng Berlin. Itinatag noong 1951, ang pagdiriwang ay isinasagawa taon-taon tuwing Pebrero mula noong 1978. Na may higit sa 430,000 kalahok ito ang pinakamalaking pampublikong dinadaluhan na pistang pampelikula sa mundo.[4][5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Media Companies in Berlin and Potsdam". medienboard. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 2, 2013. Nakuha noong 19 Agosto 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Wall-to-wall culture". The Age. Australia. 10 Nobyembre 2007. Nakuha noong 30 Nobyembre 2007.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Berlin fact sheet" (PDF). berlin.de. Nakuha noong 19 Agosto 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "European Film Academy". European Film Academy. Nakuha noong 7 Abril 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Berlin Film Festival". Berlinale.de. Nakuha noong 7 Abril 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Karagdagang pagbabasa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Media related to Media of Berlin at Wikimedia Commons