Mekaniko
Ang mekaniko ay isang tao na may kalaman at kakayahang sumuri ng mga sasakyan, panlupa, pandagat o panghimpapawid man. Sa Pilipinas, karaniwang pinapatungkulan nito ang mga may kakayahang magkumpuni sa panlupang sasakyan tulad ng kotse, bus at mga trak. Kanyang tungkulin na alamin ang bahagi ng sasakyan na hindi gumagana, ang dahilan sa anomalyang nabanggit at kung paano ito maaayos. Sa kanyang pagaayos, maaaring kanyang kumpunihin ang bahagi o parte ng sasakyan na hindi gumagana ng maayos o kaya naman ay palitan ito. Maaring siya ay gumagawa sa isa lamang natatanging bahagi ng isang sasakyan o sa isang natatanging modelo. Karamihan sa kanila, sa kabilang banda, ay may malawak na kaalaman sa ibat ibang aspekto ng pangungumpuni.
Mainam na magbigay ang isang mekaniko ng kanyang payo upang maiwasan ang tuluyang pagkasira ng isang sasakyan, ngunit sa Pilipinas, karaniwang kinukonsulta sila pag may nakita ng sira sa sasakyan.
Ang isang mekaniko ay kinakailangang may sapat na kaalaman sa sumusunod:
- Mga sistemang elektrikal
- Kompyuter
- Sistemang Panggasolina
- Sistemang Pampalamig
Ang isang tao na may kagustuhang maging mekaniko ay maaaring mag-aral ng kursong bokasyonal o kaya naman ay kumuha ng iba pang kurso na may kinalaman sa sasakyan. Sa Pilipinas, marami rin ang natututong maging mekaniko sa pamamagitan ng kanilang karanasan sa pangungumpuni.
Walang paraan ang pamahalaan, para makontrol ang pagdami ng mga mekaniko o limitahan ang kanilang pag-usbong. Sa kabilang banda, labis na pinapahalahan ng mga tanggapan ang sertipiko na ibinibigay ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga paaralan na mayroon ng kursong ito.
Mga Ahensiya na may Kurso Pang Mekaniko
[baguhin | baguhin ang wikitext]- TESDA
- Mga Paaralang Pang Bokasyonal
- Mga pampamahalaang Unibersidad
- Mga Pribadong Ahensiya
Ang isang tanggapan na may kagustuhang magturo o tumanggap ng mga mag-aaral sa pagkamekaniko ay kailangang pumasa sa mga katangian na hinahanap ng TESDA.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.