Pumunta sa nilalaman

Meteorolohiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Meteyorolohiya)

Ang meteorolohiya (mula sa Griyego μετέωρος, metéōros, "mataas sa langit"; at -λογία, -logia) ay ang pag aaral ng mga kaganapan sa mababang himpapawid sa Daigdig.[1] Ang agham na ito ay mahalaga sa pagkilala at pagsasabi sa lakad ng panahon sa alin mang bahagi ng Daigdig. Ang ulan, hangin, araw at temperatura ay ilan sa mga isinaalangalang na mga dahilan sa pag aaral ng kaganapan sa panahon. Ayon sa kaalamang ito, ang malamig na hangin ay mabigat at ang mainit na hangin ay may kagaanan, dahil dito ang malamig na hangin mula sa himpapawid ay palaging nababa sa lupa at ang mainit na hangin sa ibabaw ng lupa ay siyang pumapaitaas. Isang kautusan ng kalikasan ukol sa panimbang sa temperatura, presyon/tulak o bigat ng hangin sa kapaligiran. Ang pagbabago sa elebasyon o taas ng lupa ay may malaking dahilan sa pagbabago ng temperatura sa bawat dako ng lupain. Ang mababang tayo ng lupa ay may mataas na temperatura kaya mainit, samantala ang nasa mataas na dako tulad ng sa Baguio at Lungsod ng Tagaytay sa Pilipinas ay may mababang temperatura kaya malamig. Ito ang ikalawang batas ng metereolohiya na kapag lumalayo sa lupa (pantay dagat na antas) ang hangin, ang temperatura ay mababa. Ang pagbaliktad ng temperatura sa matataas na dako ay minsan nagaganap dahil sa pook na may mababag presyon (low pressure area) sa karagatan o iba pang kadahilanan. Tinawag itong "temperature invertion" o pagsaliwa ng temperatura. Ang kaalamang ito ay mahalaga upang magkaroon ng pag iingat sa paglalakbay sa lupa, sa himpapawid at sa karagatan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Wragg, David W. (1973). A Dictionary of Aviation (ika-first (na) edisyon). Osprey. p. 190. ISBN 9780850451634.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.