Mga Amang Tagapagtatag ng Estados Unidos
Ang Mga Amang-Tagapagtatag ng Estados Unidos ay ang mga "ama ng bansang Nagkakaisang mga Estado ng Amerika". Sa pangkalahatan, sila ang mga politiko na naging aktibo sa pagkakamit ng kalayaan mula sa Dakilang Britanya, mga nagsagawa ng balangkas ng demokratikong pamahalaan: ang Konstitusyon ng Estados Unidos.[1] Kilala rin sila ng mga mamamayan ng Estados Unidos bilang "mga ama ng" kanilang "bansa" o ang mga "tagapagtatag". Nakiisa sila sa Rebolusyong Amerikano sa pamamagitan ng pagiging pinuno ng mga makabayan at sumuporta sa kanilang bagong-tatag na pamahalaan.[2]
Mga piling pangalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ilan sa mga mas kilalang mga amang-tagapagtatag ng Estados Unidos sina: George Washington, Alexander Hamilton, Thomas Jefferson, Benjamin Franklin, James Madison at iba pa. Labing-siyam sa mga ito ang lumagda sa Konsitusyon ng Estados Unidos noong 1787. Kasama sa mga hindi pumirma sina Jefferson at John Adams.[1]
Mga mahalagang dokumento
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isinulat ng mga ito ang dalawang mga dokumentong nabasa ng mga mamamayan sa buong mundo: ang Deklarasyon ng Kalayaan at ang Panukalang Batas ng mga Karapatan. Sa ngayon, ang mga ito pa rin ang pinakasinisipi, tinatalakay, at tinutularang mga dokumento sa larangan ng kasaysayan ng mundo.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Founding Fathers of United States". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ A Short History of the United Empire Loyalists
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.