Mga Sebuwano
Kabuuang populasyon | |
---|---|
9,125,637[1] (2010) | |
Mga rehiyong may malaking bilang nila | |
Cebu at mga pamayanan sa ibang bansa | |
Wika | |
Wikang Cebuano, Ingles, Tagalog, Kastila, atbp. | |
Relihiyon | |
Kristiyanismo, Protestantismo, Budhismo | |
Kaugnay na mga pangkat-etniko | |
Mga Boholano, mga Hiligaynon, mga Waray, iba pang mga Bisaya |
Ang mga Sebwano ( Sebwano: Sugbuanon) o mga Cebuano, ay ang pinakamalaking subgrupo ng mas malaking etnolinggwistikong grupong mga Bisaya. Nagmula ang mga ito sa lalawigan ng Cebu sa rehiyon ng Gitnang Visayas, ngunit kalaunan ay kumalat sa ibang mga lugar sa Pilipinas, tulad ng Siquijor, Bohol, Negros Oriental, timog-kanluran ng Leyte, kanlurang Samar, Masbate, at malaking bahagi ng Mindanao. Maaaring tumukoy din ito sa pangkat etniko na nagsasalita ng parehong wika bilang kanilang katutubong wika sa iba't ibang bahagi ng kapuluan. Ang terminong Cebuano ay tumutukoy din sa demonim ng mga permanenteng residente sa isla ng Cebu anuman ang etnisidad.[2] Makasaysayan ring tinutukoy ang mga naninirahan bilang taga-Sugbo o Sugbohanin sa lumang panahon.
Wika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang wikang Sebwano ay sinasalita ng tinatayang 25,000,000 katao sa bansa at bumubuo sa pinakamalaking wika sa Kabisayaan. Karamihan sa mga tagapagsalita ng Sugbuhanin ay matatagpuan sa Cebu, Bohol, Siquijor, Biliran, Kanluran at Katimugang Leyte, silangang Negros at sa kalakhang bahagi ng hilagang Mindanao.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "2010 Census of Population and Housing, Report No. 2A: Demographic and Housing Characteristics (Non-Sample Variables) - Philippines" (PDF). Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 19 Mayo 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Cebuano". Encyclopædia Britannica. Nakuha noong Oktubre 28, 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)