Pumunta sa nilalaman

Mga bansang nagtataguyod ng terorismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga bansang kasalukuyang (sa madilim na lunti) at dating (sa mapusyaw ng lunti) na binansagang "Mga bansang nagtataguyod ng terorismo" ng Kagawaran ng Estado ng Amerika. Ang Estados Unidos ay nakabughaw.

Ang Mga bansang nagtataguyod ng terorismo ay isang kabansagan ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos sa mga bansang inaakusahan ng kagawaran na "paulit-ulit na nagtaguyod sa mga gawaing pandaigdigang terorismo".[1][2] Ay pagkakasama sa listahan ay nagdudulot ng pagsasagawa ng Estados Unido ng mahigpit at sarilinang paparusa sa mga nabansagang bansa. Kasalukuyang nakalista ang mga bansang Iran, Sudan at Syria.

Ang talaan ay unang sinimulan noong Disyembre 29, 1979, at unang nailista ang mga bansang Libya, Iraq, Syria at Timog Yemen. Idinagdag ang Cuba sa listahan noong Marso 1, 1982 at ang Iran noong Enero 19, 1984. Naidagdag pa ang Hilagang Korea noong 1988 at ang Sudan noong Agosto 12, 1993. Tinangal ang Iraq sa talaan noong 2004, ang Libya noong 2006, ang Hilagang Korea noong 2008, at ang Cuba noong 2015.

Takdang panahon ng talaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga parusa na ipinapataw ng Estados Unidos sa mga bansang nakalista ay:

1. Pagbabawal sa pagluwas at pagbenta na may kinalaman sa armas.
2. Pagkontrol sa pagluwas ng mga produktong may dalawahang gamit, na kinakailanganan ng 30-araw na abiso sa Kongreso para sa mga produkto o serbisyo na maaaring palawigin ang kakayanang militar ng nakalistang bansa o ang kakayanang magtaguyod ng terorismo.
3. Pagkakait ng pagtulong ekonomikal.
4. Pagpapataw ng iba pang mga pagbabawal kasama ang:
Pagkakailangan sa Estados Unidos na magtutol sa mga utang ng Bangkong Pandaigdigan at iba pang institusyong pangpinansyal;
Pagalis ng kaligtasang diplomatiko para makasampa ng kaso ang mga kamag-anak ng mga biktima ng terorismo sa mga Amerikanong korte;
Hindi pagpapahintulot sa mga kompanya at indibiduwal ng mga kreditong pangbuwis para sa kitang nakamit sa mga nakalistang bansa;
Hindi pagbigay ng pagtratong duty-free sa mga produktong iniluluwas papuntang Estados Unidos;
Awtoridad na ipagbawal ang kahit anong mamayang Amerikano sa pagpasok sa mga kasunduang pinansyal sa mga nakalistang gobyerno ng walang lisensya mula sa Kagawaran ng Pananalapi; at
Pagbabawal sa Kagawaran ng Pagtanggol na pumasok sa isang kontrata na higit sa $100,000 sa mga kompanyang kontrollado ng mga nakalistang bansa.[3]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 22 U.S.C. § 2656f
  2. "State Sponsors of Terrorism". United States Department of State. n.d. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 19, 2009. Nakuha noong Hunyo 9, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Chapter 3: State Sponsors of Terrorism Overview". United States Department of State. 2006. Nakuha noong Hunyo 9, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)