Pumunta sa nilalaman

Mga wikang Indo-Europeo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mga wikang Indoeuropeo)
Indo-Europeo
Distribusyong
heograpiko:
Bago ang ika-16 siglo, Europa, at Timog Asya, Gitnang Asya at Timog-kanlurang Asya; ngayon ay sa buong daigdig.
Klasipikasyong lingguwistiko:Isa sa pangunahing pamilya ng wika ng daigdig
Proto-wika:Wikang Proto-Indo-Europeo
Mga subdibisyon:
Anatolyo (hindi na umiiral)
Heleniko (Griyego)
Italiko (na kinabibilangan ang Romanse)
Tokaryo (hindi na umiiral)
ISO 639-2 at 639-5:ine

  Mga bansang may isang pangunahing mga tagapagsalita ng mga wikang Indo-Europeo
  Mga bansang may minoridad na wikang Indo-Europeo na may katayuang opisyal
  Mga bansang ang wikang Indo-Europeo ay hindi opisyal ngunit ang isang malaking minoridad ay nagsasalita ng isang wikang Indo-Europeo

Ang mga wikang Indo-Europeo ay isang pamilya o phylum ng ilang daang magkakaugnay na mga wika at diyalekto. Ito ay may tinatayang 439 wika at diyalekto ayon sa pagtataya ng 2009 Ethnologue na ang tinatayang kalahati (221) ay kabilang sa sub-sangay na Indo-Aryan.[1]. Ito ay kinabibilangan ng pinakapangunahing mga kasalukuyang mga wika ng Europa, talampas na Iraniano at mga wika ng Timog Asya at nananaig rin sa sinaunang Anatolia. Sa pagkakaroon ng mga isinulat na pagpapatunay na lumitaw simula Panahon ng Tanso sa anyo ng mga wikang Anatolyo at Griyegong Miseneo, ang pamilyang Indo-Europeo ay mahalaga sa larangan ng lingguwistikang historikal bilang nag-aangkin ng pinakamahabang itinalang kasaysayan pagkatapos mga wikang Apro-Asyatiko.

Ang mga wikang Indo-Europeo ay sinasalita ng halos 3 bilyong mga katutubong tagapagsalita[2] na pinakamalaking bilang sa anumang kinikilalang pamilya ng wika. Sa mga 20 wika na may pinakamalaking bilang ng mga katutubong tagapagsalita, ang 12 wika ay Indo-Europeo: Espanyol, Ingles, Hindi, Portuges, Bengali, Ruso, Aleman, Marathi, Pranses, Italyano, Punjabi, at Urdu na bumubuo sa 1.7 bilyong mga katutubong tagapagsalita.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Ethnologue report for Indo-European". Ethnologue.com.
  2. "Ethnologue list of language families". Ethnologue.com. Nakuha noong 2010-08-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Ethnologue list of languages by number of speakers". Ethnologue.com. Nakuha noong 2010-08-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Wika Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.