Pumunta sa nilalaman

Mikee Cojuangco

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mikee Cojuangco-Jaworski)

Si Mikaela María Antonia Cojuangco-Jaworski, (ipinanganak bilang Mikaela María Antonia de los Reyes Cojuangco), o mas kilala bilang Mikee Cojuangco o Mikee Cojuangco-Jaworski,ay isang equestrianne, host sa telebisyon at artista sa Pilipinas. Nagwagi din siya ng gintong medalya sa 2002 Asian Games sa Busan, South Korea.

Ipanganak siya noong 26 Pebrero 1974 sa Kongresista ng Tarlac at kasalukuyang presidente ng Philippine Olympic Committee na si Jose "Peping" Cojuangco, Jr. at ang gobernador ng Tarlac na si Margarita "Tingting" de los Reyes-Cojuangco. Nanggaling siya sa tanyag na pamilya ng mga Cojuangco at may dugong Kapampangan, Intsik, at Espanyol. Ang pamilya Cojuangco ay mayroong plantasyon ng asukal sa Tarlac na tinatawag na Hacienda Luisita. Siya ay pamangkin ng Pangulong Corazon Cojuangco-Aquino.

Nagmula ang hilig ni Mikee sa pagsakay sa kabayo noong walong taong gulang lamang siya ngunit pinayagan lamang siya sa pagaaral ng mga magulang niya noong sampung taong gulang na siya. Noong labing-anim na taong gulang na siya ay sumali siya sa kanyang unang internasyonal na patimpalak sa Shizuoka, Japan kung saan siya ay naging pangatlo sa "Individual show jumping". Nagkamit siya ng gintong medalya sa Busan, South Korea sa "Individual show jumping".

Siya ay nagtapos ng degree of Batsilyer sa Sining sa Sikolohiya sa Pamantasang Ateneo de Manila noong 1995.

Si Mikee ay isa ring artista sa telebisyon at pelikula at isang commercial model. Asawa siya ng Kongresista ng Lungsod ng Pasig na si Robert "Dudut" Jaworski, Jr.. Si Robert Jaworski Jr. ay ang anak ng basketbolista at senador Robert "Sonny" Jaworski. Ang mag-asawa ay may tatlong anak na lalaki na nagngagalang Robert Vincent Anthony III (Robbie), Rafael Joseph (Raf) at Renzo Mikael.

Panglabas na Kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]


PilipinasArtista Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito. Palakasan Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.