Minsa'y Isang Gamu-gamo
Ang Minsa'y Isang Gamu-gamo ay isang pelikula mula sa Pilipinas na pinagbidahan ni Nora Aunor bilang Corazon de la Cruz at ipinalabas noong 1976. Ito ang unang pangkalakalan (commercial) na pelikula na may elementong pagbatikos sa pamamalagi ng mga base militar ng Estados Unidos sa Pilipinas.[1] Naisip ng mga prodyuser na hindi pahihintulutan ng Pangulo noon na si Ferdinand Marcos ang pagpapalabas ng isang pelikulang hindi sumasang-ayon sa base militar ng Estados Unidos. Kaya sa kadahilanang ito, pinili nila si Nora Aunor bilang pangunahing artista dahil naniniwala sila na may koneksiyon si Aunor sa Pangulo at sa Unang Ginang Imelda Marcos.[2]
Ang pelikulang ito ay nasa direksiyon ni Lupita A. Concio, panulat ni Marina Feleo-Gonzales, at pinagbibidahan nina Nora Aunor, Jay Ilagan, Perla Bautista, Gloria Sevilla, Eddie Villamayor, Paquito Salcedo, atbp. Kilala ang pelikulang ito sa linya "My brother is not a pig..." (Ang kapatid ko'y hindi baboy) na sinambit ng karakter ni Aunor na si Corazon de la Cruz. Madalas itong banggitin ng mga nanggagaya kay Aunor katulad nina Teri Onor at Ate Gay.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Minsa'y Isang Gamugamo (1976)" (tekstong HTML). Philippine Revolution Web Central. Hunyo 2003. Nakuha noong 15 Enero 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Trivia for Minsa'y isang gamu-gamo" (tekstong HTML) (sa wikang Ingles). IMDB. Nakuha noong 15 Enero 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pelikula mula sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.