Miss Republic of the Philippines
Ang Miss Republic of the Philippines o Miss RP ay isang patimpalak sa pagandahan sa Pilipinas. Una itong itinanghal noong 1969, nang makuha ng Spotlight Promotions ni Ferdie Villar ang prangkisa sa pagpili ng kandidata ng Pilipinas para sa taunang Miss World beauty pageant.[1][2] Ang mga runner-up ng Miss RP ay tinatanghal na Miss Luzon (1st runner-up), Miss Visayas (2nd runner-up), Miss Mindanao (3rd runner-up) at Miss Manila (4th runner-up).[1] Tumagal ang Miss RP hanggang 1976, nang ilipat na sa Mutya ng Pilipinas ang prangkisa ng Miss World at ang Miss RP 1977 na si Josephine Conde ay kinilalang kauna-unahang Mutya ng Pilipinas – World upang maitangi ito sa isa pang nagwawagi sa Mutya ng Pilipinas na lumalaban sa Miss Asia Quest.[1][2]
Matapos ang matagal na pagkawala ng Miss Republic of the Philippines, muli itong idaraos sa 2015 sa pangunguna ni Lynette Padolina, pangulo ng muling-binuhay na organisasyon, ngunit ang mga magwawagi'y hindi nakatakdang lumahok bilang kinatawan ng Pilipinas sa alinmang pandaidigang patimpalak, sa halip bibigyan ng scholarship grant ang mga ito para sa apat-na-taong kurso sa kolehiyo o kursong gradwado at maglilibot upang ipalaganap ang turismo at kulturang Pilipino.[3][4][5]
Mga nagwagi
Ang mga nagwawagi'y tinatanghal na Miss Republic of the Philippines ng susunod na kalendaryong taon, dahil halos katapusan na ng taon kung ganapin ang patimpalak, ngunit sila'y lumalahok sa Miss World nang taon kung kailan talaga sila nanalo.[1]
Taon | Tinanghal na Miss Republic of the Philippines | Kinalabasan ng paglahok sa Miss World |
---|---|---|
1970 | Feliza Teresa Miro† | |
1971 | Minerva Cagatao | |
1972 | Onelia Jose | |
1973 | Evangeline Reyes | |
1974 | Evangeline Pascual | |
1975 | Agnes Rustia | |
1976 | Suzanne Gonzales | |
1977 | Josephine Conde |
Tingnan din
Talasanggunian
- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Philippine Delegates to Miss World in the 70's (Miss Republic of the Philippines)". Veestarz.com. Nakuha noong Setyembre 5, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Villar, Ferdie (Oktubre 3, 2013). "Philippines' Megan Young finally brings home the elusive Miss World crown" (sa wikang Ingles). Asian Journal. Nakuha noong Setyembre 5, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dabu, Bianca Rose (Hulyo 23, 2015). "Beauty pageant na Miss Republic of the Philippines, nagbabalik". GMA News. Nakuha noong Setyembre 5, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Concepcion, Eton B. (Mayo 6, 2015). "Miss Republic of the Philippines pageant is back" (sa wikang Ingles). Manila Standard. Nakuha noong Setyembre 5, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Constantino, Ronald (Abril 29, 2015). "Miss Republic of PH revived!" (sa wikang Ingles). Tempo. Nakuha noong Setyembre 6, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 6.2 Burton-Titular, Joyce (Oktubre 1, 2013). "From Vivien to Megan: The PH in Miss World history" (sa wikang Ingles). Rappler. Nakuha noong Setyembre 5, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Republic of the Philippines: A look into the past and fast forward to the future" (sa wikang Ingles). Abril 17, 2015. Nakuha noong Setyembre 5, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)