Pumunta sa nilalaman

Mona Lisa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mona Lisa (dibuho))
Mona Lisa
Italyano: La Gioconda, Pranses: La Joconde
Alagad ng siningLeonardo da Vinci
Taonc. 1503–1506
TipoLangis sa poplar
KinaroroonanMusée du Louvre, Paris

Ang Mona Lisa (na kilalá rin bílang La Gioconda) ay isang ikalabing-anim na dantaong pintang-larawan sa langis sa isang panel o entrepanyong gawa sa kahoy na poplar ni Leonardo Da Vinci noong panahong Italyanong Renasimyento. Pag-aari ang dibuhong ito ng Pamahalaang Pranses at nakatanghal sa Museyo ng Louvre sa Pransiya na pinamagatang Larawan ni Lisa del Giocondo, kabiyak ni Francesco del Giocondo.[1]

May mga táong nag-iisip na ang Mona Lisa ay ang ina ni Leonardo sa isang nakaraang alaala. Noong panahong ipininta ni Leonardo ang larawan ng kanyang ina, na kanyang hinahangaan, hindi ito kabilang sa mga nabubuhay. Namatay siya noong 1495. Ang trabaho ni Lisa del Giocondo ay isang modelo lamang. Ang ideya ng pagpipinta ay isang buhay na imahinasyon ni Leonardo.[2]

Ang laman ng larawan ay kalahati ang laki na nagpapakita ng isang babaeng nilalang na may kabighabighani o enigmatikong pamamahayag ng mukha.[3][4] Ang pag-aalangan sa itsura ng ipinintang babae o ambigwidad, ang kalahating komposisyon ng isang pigura, at ang payak na paghuhulma sa mga hugis at ang mga ilusyong pangkapaligiran o atmosperiko nito ay isang katangi-tanging mga katangian na nakatulong sa patuloy na pagiging kahikahikayat nitong dibuho.[1] May iilang mga akdang-sining ang naging paksa ng pagsusuri, pag-aaral, mitohilisasyon nito, at iba't ibang mga parodiya ang inialay at inihambing sa katulad ng dibuhong Mona Lisa.[5]

Pamagat at paksa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Mona Lisa ay Ingles na tawag sa isang sikát na larawang ipininta ng isang kilalang pintor na si Leonardo Da Vinci, ang ibig-sabihin nito ay Ma'am, Madam, o My lady Lisa. Ang Mona ay pinaikling salitang Madonna na salitang panggalang sa isang babae, habang ang Lisa ay marahil ayon sa mga eksperto ay pangalan ng asawa ni Francesco del Giocondo na si Lisa del Giocondo.[6] Sa Wikang Italyano una itong tinawag na La Gioconda na ibigsabihin ay natutuwa, masaya,o "siyang nagagalak" sa literal na salin, ganun din ang ibig-sabihin nito sa Pranses na tinatawag naman na La Jaconde.[7]

Ayon sa mga eksperto, maaaring ginawa niya ito sa pagitan ng mga taóng 1503 o 1506. Madalas man itong isulat na Mona Lisa na mayroong isang letrang "N" may ibang mga gumagamit pa rin ng dalawang letrang "N", upang pagdiinan ang Monna sa Mona Lisa o Monna Lisa.[8]

Bukod sa modelong si Lisa del Giocondo, hinihinalang may iba ring maaring mga modelo na ginamit si Leonardo sa Mona Lisa.[9][10] Ilan sa mga pinag-iisipang modelo ng Mona Lisa ay sina Isabella ng Aragon,[11] Cecilia Gallerani,[12] Costanza d'Avalos Dukesa ng Francavilla,[13] Isabella d'Este, Pacifica Brandano o Brandino, Isabela Gualanda, Caterina Sforza, pati na mismo sina Salai na kaniyang katulong, at si Leonardo ay pinag-iisipan na maaaring naging modelo nito.[14] Gayon pa man, mas marami pa ring nagsasabi na si Lisa del Giocondo nga ang modelo ng larawang ipininta ni Leonardo Da Vinci na tinatawag na Mona Lisa.[15]

Sinimulang ipinta ni Leonardo Da Vinci ang Mona Lisa noong 1503 o 1504 sa Florence, Italya.[16] Bagama't pinagdidiinan ng Museyo ng Louvre na "walang dudang ginawa ni Leonardo ang larawan sa taóng 1503 hanggang 1506.[17] Ang historyador pansining na si Martin Kemp ay naniniwalang may mga kahirapan kung paano matukoy ang saktong panahon kung kailan ginawa ang Mona Lisa.[7] Ayon rin kay Giorgio Vasari, "matapos ang apat na taon iniwanang hindi tapos ni Leonardo ang kaniyang gawa".[18] May mga nagsabi rin na, bago mamatay si Leonardo sinabi nitong pinagsisihan niya na wala man lamang syang natapos na gawang maayos.[19]

Noong 1516 si Leonardo ay naimbitahan ng Haring si Francois I upang magtrabaho sa Clos Luce malapit sa kastilyo ng Hari sa Amboise. Pinaniniwalaang dinala niya ang Mona Lisa at ipinagpatuloy ang paggawa dito hanggang sa paglipat niya mula sa Pransiya.[14] Ayon naman kay Carmen C. Bambach isang art historian, na maaaring ito ang patunay na pinagpatuloy ni Da Vinci ang pagpinta dito hanggang 1516 o 1517.[20]

Sa kaniyang pagpanaw ipinamana niya sa kaniyang estudyante at katulong ang Mona Lisa at iba pang mga ginawa niya, ang estudyanteng ito ay nagngangalang Salai.[7] Binili ng isang hari ang larawang ipininta na tinatawag na Mona Lisa sa halagang 4,000 ecus at inilagay sa Palasyo ng Fontainebleau, at nanatili doon hanggang ilipat ito ni Louis XIV ng Pransiya sa Palasyo ng Bersalyes. Matapos ang Himagsikang Pranses, inilipat ito sa Louvre, ngunit pansamantala itong inilagay sa kwarto ni Napoleon I ng Pransiya sa Palasyo Tuileries.

Samantalang nagaganap ang Digmaang Prangko-Pruso (1870-1871), ito ay muling inilipat sa Museyo ng Louvre sa bandang Brest Arsenal.[21] Ganun rin habang nagaganap ang kalawang Digmaang Pandaigdig, ang larawang ipininta ay inilipat at inalis mula sa Louvre at matiwasay na inilipat sa Chateau d'Amboise, at nilipat muli sa Loc Dieu Abbey at Chateau de Chambord naman, at sa huli ito ay inilipat sa Museyo Ingres sa Montauban.

Pagnakaw at Bandalismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Napansin lamang ng mundo ang larawan ng Mona Lisa ng ito ay manakaw noong Agosto 21, 1911.[22] Kinabukasan si Louis Béroud isang pintor, ay naglalakad sa Museyo ng Louvre ng mapansin niya ang lugar na pinaglalagyan ng Mona Lisa ay walang nakalagay na anumang larawan kundi apat na sabitang bakal lamang ang nasa pader. Tinawag ni Beroud ang mga kinauukulan upang sabihin ang kaniyang nakita bagamat ang pagkakaalam ng mga bantay ng museyo na ang Mona Lisa ay pansamantalang tinanggal upang kuhanan ng litrato para sa paglalathala dito, ngunit sila'y nagkamali ng akala. Isinara ang Louvre sa loob ng isang linggo upang imbestigahan ang kaso ng pagnanakaw sa larawan.

Sina Guillaume Apollinaire isang poetikong Pranses, at si Pablo Picasso na isang pintor, ay isa sa mga unang inembistigahan at ikinulong kaugnay sa kaso ng Mona Lisa, ngunit kalauna'y pinawalang salà at pinalaya rin.[23][24]

Sa panahong iyon, inakala na nilang habambuhay nang mawawala ang Mona Lisa, ngunit makalipas ang dalawang taon nahúli na rin ang tunay na salarin. Ito ay si Vincenzo Peruggia isang trabahador sa Louvre, nakuha niya ang Mona Lisa sa simpleng paraan lámang, pumasok sya sa museyo sa normal na oras ng museyo, kinuha niya ito at itinago sa loob ng eskaparate ng mga walis at mula dito ay kinuha niya ito, inilagay sa ilalim ng kaniyang baro, at matagumpay na nailabas ng magsara ang museyo.[25] Si Peruggia ay isang Italyanong makabayan na naniniwalang nararapat na maibalik ang Mona Lisa sa museyo sa Italya. Maaaring si Peruggia ay naudyukan ng kaniyang mga kaibigang may mga kopya o replica ng Mona Lisa, na baká sakaling lumakas ang bentahe ng mga ito kung mawawala ang Mona Lisa at makilala sa mundo. May mga nagsabi rin na si Eduardo de Valfierno ang utak ng pagnanakaw sa Mona Lisa, na siya ring nag-utos kay Yves Chaudron upang gumawa ng anim na kopya ng larawan upang ibenta sa Estados Unidos habang hindi pa nalalaman ang lokasyon ng nawawalang larawang ipininta noong mga panahon na iyon.[26] Sa kabila ng mga kaganapan, ang orihinal na Mona Lisa ay nanatili sa Europa at matapos ang dalawang taon na pagtatago dito sa isang silid, hindi na nakapaghintay si Peruggia at ito'y ibinenta niya na, ito ang dahilan ng pagkakahúli sa kaniya ng subukan niyang ibenta ito sa direktor ng Galeriya Uffizi sa Florencia, ito ay umikot sa buong Italya upang ipakita ang larawan ng Mona Lisa at muli itong ibinalik sa Louvre noong 1913. Habang si Peruggia ay itinuring na makabayan ng kapwa niya Italyano at nakulong lamang sa loob ng anim na buwan kaugnay sa kaso niya patungkol sa Mona Lisa.[24] Bago ang pagnanakaw sa Mona Lisa hindi ito ganun kakilalá, ngunit dahil sa naganap na pagnanakaw ito ay nakilala at pinuri. Binansagan itong isa sa pinakamagandang Renasimiyento na pinta, hindi lámang sa Europa maski narin sa buong mundo.[27]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Portrait of Lisa Gherardini, wife of Francesco del Giocondo". Louvre. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-11. Nakuha noong 2008-04-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Roni Kempler: Who the Mona Lisa Is 2017, TXu 2-064-715, Google Site. Mona Lisa, painting by Leonardo da Vinci, View article history, Roni Kempler's contributions, Encyclopædia Britannica
  3. "Image La Joconde". ibiblio. Nakuha noong 2008-04-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Cohen, Philip (2004-06-23). "Noisy secret of Mona Lisa's". New Scientist. Nakuha noong 2008-04-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Gombrich, E.H. "The Story of Art". Artchive. Nakuha noong 2008-04-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Italian: Prese Lionardo a fare per Francesco del Giocondo il ritratto di mona Lisa sua moglie(Vasari 1879, p. 39)
  7. 7.0 7.1 7.2 (Kemp 2006, pp. 261–262)
  8. Carrier, David (2006). Museum Skepticism: A History of the Display of Art in Public Galleries. Duke University Press. p. 35. ISBN 0822387573
  9. Stites, Raymond S. (January 1936). "Mona Lisa—Monna Bella". Parnassus (vol 8 ed.) (College Art Association) 8 (1): 7–10, 22–23. doi:10.2307/771197. JSTOR 771197
  10. Littlefield 1914, p. 525
  11. Debelle, Penelope (25 June 2004). "Behind that secret smile". The Age (Melbourne). Retrieved 6 October 2007.
  12. Johnston, Bruce (8 January 2004). "Riddle of Mona Lisa is finally solved: she was the mother of five". The Daily Telegraph (UK). Archived from the original on 11 October 2007. Retrieved 6 October 2007. Johnston, Bruce (8 January 2004). "Riddle of Mona Lisa is finally solved: she was the mother of five". The Daily Telegraph (UK). Archived from the original on 11 October 2007. Retrieved 6 October 2007.
  13. (Wilson 2000, pp. 364–366)
  14. 14.0 14.1 Chaundy, Bob (29 September 2006). "Faces of the Week". BBC. Retrieved 5 October 2007.
  15. "Mona Lisa – Heidelberg discovery confirms identity". University of Heidelberg. Retrieved 4 July 2010.
  16. Wiesner-Hanks, Merry E. (2005). An Age of Voyages, 1350–1600. New York: Oxford University Press. p. 26. ISBN 0-19-517672-3.
  17. "Mona Lisa – Portrait of Lisa Gherardini, wife of Francesco del Giocondo". Musée du Louvre. Retrieved 11 March 2012.
  18. Clark, Kenneth (March 1973). "Mona Lisa". The Burlington Magazine (vol 115 ed.) 115 (840): 144–151. ISSN 0007-6287. JSTOR 877242
  19. Henry Thomas and Dana Lee Thomas, Living biographies of great painters, Garden City Publishing Co., Inc., 1940, p.49.
  20. Leonardo, Carmen Bambach, Rachel Stern, and Alison Manges (2003). Leonardo da Vinci, master draftsman. New York: Metropolitan Museum of Art. p. 234. ISBN 1588390330
  21. Bohm-Duchen, Monica (2001). The private life of a masterpiece. University of California Press. p. 53. ISBN 978-0-520-23378-2. Retrieved 10 October 2010.
  22. "Theft of the Mona Lisa". Stoner Productions via Public Broadcasting Service (PBS). Retrieved 24 October 2009.
  23. R. A. Scotti (April 2010). Vanished Smile: The Mysterious Theft of the Mona Lisa. Vintage Books. ISBN 978-0-307-27838-8.
  24. 24.0 24.1 "Top 25 Crimes of the Century: Stealing the Mona Lisa, 1911". TIME. 2 December 2007. Retrieved 15 September 2007.
  25. (Bartz 2001, p. 626)
  26. The Lost Mona Lisa by R. A. Scotti (Random House, 2010)
  27. "The Theft That Made The 'Mona Lisa' A Masterpiece". NPR. 30 July 2011. Retrieved 26 August 2014.


Sining Ang lathalaing ito na tungkol sa Sining ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.