Pumunta sa nilalaman

Wikang Italyano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Italian Language)
Italian
italiano, lingua italiana
Bigkas[itaˈljaːno]
Katutubo saItalya, Suwisa (Ticino and Southern Grisons), San Marino, Lungsod ng Vaticano, Slovene Istria (Slovenia), Istria County (Croatia)
RehiyonItaly, Ticino and Southern Grisons, Slovenian Littoral, Western Istria
Pangkat-etnikoMga Italyano
Mga natibong tagapagsalita
67 milyon sa Unyong Europeo (2020)
13.4 milyon (ikalawang wika)
c. 85 milyon total speakers
Mga sinaunang anyo
Mga diyalekto
Latin (Italian alphabet)
Italian Braille
Italiano segnato "(Signed Italian)"[1]
italiano segnato esatto "(Signed Exact Italian)"[2]
Opisyal na katayuan


Kinikilalang wika ng minorya sa
Pinapamahalaan ngAccademia della Crusca (de facto)
Mga kodigong pangwika
ISO 639-1it
ISO 639-2ita
ISO 639-3ita
Glottologital1282
Linguasphere51-AAA-q
  Official language
  Former official language
  Presence of Italian-speaking communities
Naglalaman ang artikulong ito ng mga simbolong ponetiko ng IPA Posible po kayong makakita ng mga tandang pananong, kahon, o iba pang mga simbolo imbes ng mga karakter ng Unicode dahil sa kakulangan ng suporta sa pag-render sa mga ito. Para sa isang panimulang gabay sa mga simbolong IPA, tingnan ang en:Help:IPA.

Ang wikang Italyano ay kabilang sa malaking pamilya ng mga wikang kilala sa tawag na Indo-Europeo. Ito ay nabibilang sa sangay ng mga wikang Romanse, na nagmula sa Latin, na kinabibilangan ng Espanyol, Pranses, Portuges, Rumano, Galyego at Katalan. Ginagamit ang wikang ito sa Italya, San Marino, ilang bahagi ng Suwisa, at mga dating kolonya ng Italya sa Aprika. Ang Italiano ay may mga diyalektong tinatawag na Neo-Romanse, na matatagpuan sa ibat-ibang bahagi ng Italya. Ang modernong Italiano ang opisyal na wika, at base sa diyalektong Florentino o Toscano, mga wika na ginamit ng mga manunulat na sina Dante Alighieri, Francesco Petrarca, at Boccaccio, mga itinuturing na pambatong manunulat na Italiano. Noong Gitnang Panahon, ang Latin, ang wika ng mga Romano, ang malaganap na ginagamit sa Europa dahil sa sakop ng mga ito ang malaking bahagi ng Europa, kasama na ang ngayon ay Espanya, Pransiya, Portugal, Romanya, Inglatera, Alemanya, at marami pang iba.[4]

Masasabi na maraming pagkakatulad ang kasaysayan ng wikang Italyano at ng kasalukuyang pinagdadaanang proseso ng pagsasapantay o standardization ng wikang Filipino. Batayan ng parehong pambansang wika ang diyalektong/wikang may pinakamatatag na written literary tradition (Toskano sa Italyano, at Tagalog naman sa Pilipino) at parehong napakabagal ang pagsulong ng pagsasapantay. Halos tumagal ng daan-daang taon ang proseso ng pagsasapantay ng Italyano.

Noong dating panahon, bago ang Imperyong Romano, ang wikang Etrusko ang kalat sa lugar na ngayon'y Italya. Ito'y sinasalita sa Toscana at Lazio. Subalit, sa paglawig ng Imperio, ito ay napalitan ng Latin, na siyang naging pangkalahatang wika (lingguwa prangka) ng mga tao roon. Pagkatapos mawala at bumagsak ang Imperio Romano (476), dumating ang mga Ostrogodo at Longobardi, mga tribung Aleman (ika-5 at 6 daantaon). Ang kanila lamang naging implwensiya sa wikang lokal ay sa paraan ng pagsulat.

Sa ngayon, maraming mga dialektong Italo-Romanse. Ang mga ito'y ang sumusunod na klasipikasyon: Dalawang malaking grupo, ang Romanse Occidental at Romanse Oriental.

Sa ilalim ng Occidental o settentrional:

  • Gallo-italici - Piemontese (Torino); Lombardo Oriental at Occidental (Bergamo, Milano); Genovese (Genova); Emiliano/Romagnolo (Bologna, Parma)
  • Veneto (Venezia, Padova,Verona, Trento, Trieste)
  • Friulano
  • Istrioto

Sa ilalim ng Oriental o meridional:

  • Toscani-Toscano (Firenze, Siena, Pisa, Lucca); Corso (Corsica)
  • Centro-Romanesco (Roma); Viterbese (Viterbo); Umbro (Umbra); Marchigiano (Marche); Aquilano-cicolano
  • Sud-Abruzzese (Pescara); Aquilano (L'Aquila); Campano (Napoli); Lucano (Luca); Pugliese (Puglia)
  • Estremo sud-Salentino (Lecce); Calabrese (Calabria); Siciliano (Palermo)

Pansinin: Ang Pantesco, wikang siciliano na ginagamit sa Pantelleria, ay may malakas na impluwensiya at halong wikang Arabe.

Mga Katangian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang wikang Italyano ay may halos sakdal na pagkakatugma ng bawat titik at ang pagbigkas ng mga ito. Sa wikang ito, hindi likas na ginagamit ang mga titik Jj, Kk, Ww, Xx at Yy bukod sa mga hiram o dayuhang salita; ang mga ito ay may kapantay na tunog sa katutubong alpabeto: ge/gi, ca/co/cu/che/chi, o/u, e/i, atpb.[5]

Pandaigdigang Paggamit

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Italiano ay opisyal na wika sa Italia, San Marino, at Vaticano; sa Kroasia (parteng Istria), at sa Swisa (Kanton ng Titsino at Grigiani). Ito'y kalat sa Malta - kung saan ito'y sinasalita o nauunawaan ng marami - at sa Kroasia at Albania. Sa Eritrea, Etiopia, Somalia, at Libya-mga dating koloniya ng Italya- ito ay opisyal na wika mula noong 1963. May mga komunidad Italyana rin sa Estados Unidos, Latino-Amerika, Australia, Canada, Pransiya, Alemanya, at Belhika na binubuo ng mga lahing Italiano. Ito'y itinuturo at ginagamit ng kanilang mga anak, kaanak at mga sunod na saling-lahi. Ang Italiano ay gamit ng may 70 milyong tao, at siyang ika-3 sa pinakamaraming mag-aaral sa mundo. Kung isasama ang mga gumagamit nito bilang pang-2 wika sa iba pang lugar sa mundo, ang bilang ng gumagamit ay may 120 milyon. Ayon sa pag-aaral ng Kaisahang Europeo (EU), ang Italiano ay pangalawa sa pinakamalawak na wikang ginagamit sa loob ng kontinenteng Europa. [6]

Ang suskrisyon ay binasa sa Italian a para sa Bibliya.
Para sa babaeng nagsasalita ng italian at sicilian

Isa itong talaan ng mga pagbating Italyano. [7]

Mga Pagbating Italyano
Tagalog Italyano
Maligayang Pagdating Benvenuto (isahan, panlalaki)

Benvenuti (maramihan, panlalaki)

Benvenuta (isahan, pambabae)

Benvenute (maramihan, pambabae)

(Pagbati) Ciao

Salve

Kumusta? Come va?

Come stai? ('di-pormal)

Come sta? (pormal)

Mabuti naman. Bene grazie.
Matagal na kitang hindi nakikita. Quanto tempo! (Matagal na panahon!)
Ano ang pangalan mo? Come ti chiami? ('di-pormal)

Come si chiama? (pormal)

Ang pangalan ko ay... Mi chiamo
Mula ako sa... Vengo da...

Sono di...

Magandang umaga Buongiorno
Magandang hapon Buongiorno
Magandang gabi Buonanotte
Salamat Grazie

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Omniglot: Useful Italian PhrasesTalaan 16 Free Online Italian Language LessonsTalaan ng mga Araling Italyano na Walang Bayad

Learn Italian With Free Online Lessons Bahagi ng Proyektong Pangwika ng BBC Learn Italian Online Free

Wiktionary
Wiktionary
Tingnan ang Category:Italian language sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.

Learn Italian Online

Samahang Dante Alighieri

Uni-Italia Naka-arkibo 2018-03-01 sa Wayback Machine. Website sa wikang Italyano

Wiktionary
Wiktionary
Tingnan ang Italyano sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.

Gabay panlakbay sa Italian mula sa Wikivoyage

Wikibooks
Wikibooks
Mayroon sa Wikibooks ng patungkol sa Wikang Italyano.
  1. "Centro documentazione per l'integrazione". Cdila.it. Nakuha noong 22 Oktubre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Centro documentazione per l'integrazione". Cdila.it. Nakuha noong 22 Oktubre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Pope Francis to receive Knights of Malta grand master Thursday - English". ANSA.it. 21 Hunyo 2016. Nakuha noong 16 Oktubre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Simone 2010.
  5. Berloco 2018.
  6. https://ec.europa.eu/education/study-in-europe/country-profiles/italy_en. Isinangguni noong ika-11 ng Marso, 2018.
  7. https://www.omniglot.com/language/phrases/italian.php. Isinangguni noong ika-11 ng Marso, 2018.

Bibliograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]