Amerikang Latino
Itsura
(Idinirekta mula sa Latino-Amerika)
Ang Amerikang Latino o Amerikang Latina (Ingles: Latin America; Portuges: América Latina; Kastila: Latinoamérica o América Latina; Pranses: Amérique latine) ay ang rehiyon sa Kaamerikahan na ang mga wikang Portuges at Kastila ang mga pangunahing salita. Sumibol ang mga wikang ito mula sa mga wikang Romansa, o mga hinango mula sa Latin.[1] Sa ibang salita, tipikal na sumasalungat ang katawagang "Latino Amerika" mula sa Anglo-Amerika kung saan Ingles, isang wikang Hermaniko, ang namamayaning mga salita.
Terminolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroong dalawang dahilan kung bakit ginagamit ang terminong Latin America:
- Unang ginamit ang terminong "Latin America" [Ingles] noong ika-19 dantaon. Inihiwalay ng katawagang ito ang mga bansang nasa Kontinente ng Amerika na may mga simulaing Ingles o mula sa hilagang Europa. Dahil sa kadahilanang ito, minsang hindi ibinibilang sa terminong ito ang mga lupaing pag-aari ng Estados Unidos, Gran Britanya, Pransiya, at Olanda na nasa Amerika.[2]
- Isa pang dahilan sa paggamit ng terminong Latin America ang muling pagbuhay ng mga bansang nasa Amerikang Latino sa mga isinaunang ideya ng kalayaan ng republikang Latin ng mga antigong republikang Romano. Nagsilbing inspirasyon para sa mga Amerikanong Latino ang mga gawi ng republikang Latin, partikular na ang mga batas, organisasyon ng republika at arkitekturang pampamahalaan. Batay sa mga batas ng mga Romano at Kodigong Napoléon ang sistemang legal ng mga republika sa Amerikang Latino, hindi mula sa pamamaraang legal ng Britanya.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Colburn, Forrest D (2002). Latin America at the End of Politics. Palimbagan ng Pamantasang Princeton. ISBN 0691091811.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "Latin America". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.