Pumunta sa nilalaman

Moranbong Band

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Moranbong Band
Kilala rin bilangMoranbong-agdan
(모란봉악단),
Moran Hill Band
PinagmulanPyongyang, Hilagang Korea
GenrePagkamakabansa, Sosyalismo, Pop, Rock
Taong aktibo2012–kasalukuyan
LabelMokran Video

Ang Moranbong Band (Koreano: 모란봉악단, Moranbong-agdan) ay grupo ng mga babaeng mang-aawit at manunugtog galing sa Hilagang Korea. Sinasabing binuo ni Kim Jong-un noong 2012, ang grupo ay tumutugtog ng mga kanta sa iba't ibang uri ng pop, rock at fusion. Ang pangalan ng banda ay galing sa burol ng Moran sa Pyongyang kung saan nagbigay ng talumpati si Kim Il-sung matapos ang kanyang exile.

Unang ipinalabas ang grupo noong 7 Hulyo 2012 sa piling manonood ng mga matataas na opisyal ng Partidong Manggagawa ng Korea at ng Militar. Naging usapin ang pagtatanghal dahil sa pagsasauri ng banda ng mga banyaga at kanluraning musika katulad ng mga kanta mula sa pelikula ng Disney, Rocky at mga komposisyon ng mga musikero katulad nila Paul Mariat at Richard Clayderman. Ang unang pampublikong palabas ng grupo ay noong 27 Hulyo 2012 sa anibersaryo ng pagpirma ng kasunduan para sa armistice ng Digmaang Koreano. Mula noon, ang grupo ay kadalasang nagtatanghal sa mga mahahalagang anibersaryo ng pamahalaan, militar at estado.

  • Seon-u Hyang-hui (선우향희, Pinuno at Unang Biyulin)
  • Hong Su-kyeong (홍수경, Pangalawang Biyulin)
  • Cha Young-mi (차영미, Biyola)
  • Yoo Eun-jeong (유은정, Tselo)
  • Ri Hui-kyeong ( 리희경, Teklado)
  • Kim Young-mi (김영미, Teklado)
  • Choi Jeong-im (최정임, Saxophone)
  • Kim Jong-mi (김정미, Piyano)
  • Ri Yoon-hui (리윤희, Drum)
  • Kang Ryeong-hui (강령희, De-Kuryenteng Gitara)
  • Jon He-ryon (전헤련, De-Kuryenteng Gitarang Bass)

Dating Kasapi [1]

  • Kim Hyang-soon (김향순, Teklado)
  • Ri Seol-lan (리설란, De-Kuryenteng Gitarang Bass)

Mga Mang-aawit

[baguhin | baguhin ang wikitext]

[2]

  • Kim Yoo-kyeong (김유경)
  • Kim Seol-mi (김설미)
  • Ryu Jin-a (류진아)
  • Pak Mi-kyeong (박미경)
  • Jung Su-hyang (정수향)
  • Pak Seon-hyeong (박선향)
  • Ri Myeong-hui (리명희)
  • Ra Yu-mi (라유미)

Natatanging Pagtatanghal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • 07 Hulyo 2012 - Unang Pagtatanghal
  • 27 Hulyo 2012 - Pagtatanghal para sa Anibersaryo ng pagpirma ng kasunduan para sa armistice ng Digmaang Koreano
  • 12 Oktubre 2012 - ika-67 na Anibersaryo ng Partidong Manggagawa ng Korea
  • 01 Enero 2013 - Bagong Taon
  • 15 Oktubre 2013 - ika-68 na Anibersaryo ng Partidong Manggagawa ng Korea
  • Marso 2014 - Mga seryo ng pampublikong pagtatanghal sa Pyongyang at ilang mga lalawigan.
  • 16 Abril 2014 - Pagtatanghal para sa Hukbong Himpapawid