Pumunta sa nilalaman

Morpema

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Morpheme)

Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Bawat salita sa isang wika ay binubuo ng mga pantig na pinagsama-sama. Subalit hindi lahat ng pinagsama-samang mga pantig ay makakabuo ng isang salita. May tatlong uri ng morpema: ang morpemang di-malaya (kilala rin bilang panlapi), ang morpemang malaya (kilala rin bilang salitang ugat), at ang morpemang di-malaya na may kasamang salitang ugat.[1]

Mga halimbawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Morpemang di-malaya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Halimbawa ng morpemang di-malaya o panlapi ang mga unlaping ma-, mag-, gitlaping -um, at hulaping -an at iba pa. [1]

Morpemang malaya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang uring ito ng morpema ay binubuo ng pangngalan, pang-uri, pandiwa o panghalip at ang pang-abay kasama ang pangatnig na may sariling diwa at katuturing ipinahahayag. Halimbawa ng morpemang malaya o salitang ugat ay ang galing, sipag, linis, linaw, dilim, at dasal at iba pa.[1]

Morpemang di-malaya at salitang ugat

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Halimbawa ng tambalang ito ang mga sumusunod:[1]

  • Unlaping nag- + salitang ugat na dasal = nagdasal
  • Gitlaping –um- + salitang ugat na bili = bumili
  • Hulaping -in + salitang ugat na linis = linisin

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Ang Morpema Naka-arkibo 2012-01-18 sa Wayback Machine., southridge.edu.ph

Balarila Ang lathalaing ito na tungkol sa Balarila ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.