Mwene-Ditu
Mwene-Ditu | |
---|---|
Mga koordinado: 7°00′S 23°27′E / 7.000°S 23.450°E | |
Bansa | Demokratikong Republika ng Congo |
Lalawigan | Lomami |
Taas | 910 m (2,990 tal) |
Populasyon (2012) | |
• Kabuuan | 195,622 |
Sona ng oras | UTC+2 (Oras ng Lubumbashi) |
Ang Mwene-Ditu ay isang bayan sa Lalawigan ng Lomami, katimugang Demokratikong Republika ng Congo. Matatagpuan ito sa layong 126 kilometro timog ng Mbuji-Mayi na kabisera ng dating lalawigan ng Kasaï-Oriental na dating lalawigan din ng bayan.
Pinaglilingkuran ito ng isang estasyon ng pambansang sistemang daambakal. Nasa hilaga-kanlurang bahagi ng lungsod ang Paliparan ng Mwene-Ditu ICAO: FZWE.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ang Mwene Ditu sa bisa ng Batas ng Kautusang Pampanguluhan Blg. 43, serye ng 2003 noong ika-28 ng Marso, 2003 sa isang panukala at hiling ng isang pambansang tagapayo ng tanggulan at seguridad sa kasagsagan ng transisyon mula sa Global and Inclusive Agreement na nilagdaan sa SUN CITY, Timog Aprika noong 2003. Nag-uugat ang kahalagahan nito mula sa estratehikong puwesto sa masagana at di-pinaunlad pang mga lugar ng luntiang pastulan at potensiyal na industriyang pagsasaka-pagpapastol.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Demokratikong Republika ng Congo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.