Pumunta sa nilalaman

Myeong-dong

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Myungdong)
Myeongdong
Transkripsyong Korean
 • Hangul명동
 • Hanja
 • Binagong RomanisasyonMyeong-dong
 • McCune–ReischauerMyŏng-dong
Myeongdong (2020)
Myeongdong (2020)
LungsodSeoul
Lawak
 • Kabuuan0.99 km2 (0.38 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2013)
 • Kabuuan3,320
 • Kapal3,400/km2 (8,700/milya kuwadrado)

Ang Myeong-dong[a] (Koreano명동; Hanja明洞; lit. 'kapitbahayang maliwanag') ay isang dong (kapitbahayan) sa Distrito ng Jung, Seoul, Timog Korea na napapaligiran ng Chungmu-ro, Eulji-ro, at Namdaemun-ro.

Kilala ito bilang isa sa mga pangunahing distrito ng Seoul sa syaping, ruta ng parada at turismo.[1] Noong 2011, 2012, at 2013, inilista ang Myeongdong bilang ang ikasiyam na pinakamahal na pinagsyapingang kalsada sa mundo.[2][3][4] Kilala rin ito para sa dalawang pook na mahalaga sa kasaysayan, ang Katedral ng Myeongdong at Teatro ng Myeongdong. Sikat ang mga tanghalan sa Teatrong Nanta ng Myeongdong.[5]

Myeongdong noong panahon ng kolonyalismong Hapones

Umiral na ang Myeongdong noong Dinastiyang Joseon kung kailan tinawag itong Myeongnyebang (명례방; 明禮坊). Noon, pinagtitirahan lang ito.[6] Noong panahon ng Hapones, ipinangalan ito muli ng Myeongchijeong (명치정; 明治町, Meijicho sa pagbigkas Hapones) mula kay Emperador Meiji at naging mas pangkalakalan ang distrito, na naimpluwensyahan ng tumataas na komersiyo sa kalapit na lugar ng Chungmuro.[1] Opisyal itong naging distrito ng Myeongdong noong 1946, pagkatapos ng kalayaan.[7]

Pagkatapos ng Digmaang Koreano hanggang d. 1960, umunlad ang ekonomiya at unti-unting lumawak ang sektor ng pananalapi mula Namdaemun-ro at Euljiro patungo sa Myeongdong. Umunlad ang lugar nang maganap ang mga pagsasaayos ng lungsod at pagtatayo ng mga matataas na gusali. Maraming almasen, syapingan, restoran, upscale shop at tindahan ang itinayo sa Myeongdong at pumatok ito sa kabataan at mga mauso noong d. 1970.[1]

Maliban sa pagiging pangunahing distrito para sa komersiyo at pananalapi, naging sikat na lokasyon ang Myeongdong para sa mga pampulitikang demonstrasyon at protesta, lalo na noong mga magulong taon ng d. 1980 at d. 1990. Madalas pinagralihan ang Katedral ng Myeongdong at pinagraralihan pa rin ito sa ngayon.[7]

Pagsapit ng Marso 2000, itinalaga ang Myeongdong bilang espesyal na Pook sa Promosyon ng Turismo at isa ito sa mga babaan sa pangunahing ruta ng opisyal na lakbay-bus ng Lungsod ng Seoul.[8]

Mga senyas sa isang kalsada sa Myeongdong (2012)
Myeongdong na nakailaw sa gabi (2011)

Nakahati ang sentro ng pananalapi ng Seoul dito at sa Yeouido kung saan matatagpuan ang Pamilihang Sapi ng Korea. Kabilang sa mga pangunahing kompanya sa seguro, panagot, serbisyo sa pananalapi, at pamumuhunan na may punong himpilan sa Myeongdong ang Citibank, SK Corporation, Kookmin Bank, Korea Exchange Bank, Lone Star Funds, Sumitomo Mitsui Banking Corporation, AIG Korea Insurance, Hana Bank, at HSBC. Nasa paligid din ang Bangko ng Korea.

Kabilang sa mga iba pang kilalang gusali sa Myeongdong ang Embahada ng Tsina, na unang binuksan noong Enero 4, 1949,[9] punong himpilan ng YWCA, Bulwagan ng UNESCO, Teatro ng Myeongdong, at ang pinakalumang simbahang Katoliko sa Korea, Katedral ng Myeongdong.[10]

Maliban sa madaling araw at hatinggabi, ang pangunahing kalye at karamihan sa mga eskinita ay hinaharangan para makalakad nang malaya ang mga pedestriyan na hindi nahahadlangan ng trapiko.[11]

Pagbibili ng luho

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isa ang Myeongdong sa mga pangunahing distrito ng Seoul sa syaping na nagtatampok ng mga tingian at pandaigdigang tatak na may katamtaman hanggang mamahaling presyo, kabilang dito ang Lacoste, Polo Ralph Lauren, H&M, Zara, Forever 21, Bulgari at Louis Vuitton, pati na rin ang mga Koreanong tatak sa kosmetiko tulad ng Nature Republic, Missha, The Face Shop at Skin Food.[12] Sikat na lugar ito lalo na sa mga kabataan at turista bilang sentro ng pananamit at pamamasyal.[1] Ilan din ang mga malalaking pamilihan at almasen ang nasa distrito kabilang ang Lotte Department Store, Shinsegae Department Store, Migliore, M Plaza, at Noon Square.[13]

  1. Binabaybay ring Myeongdong

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "유래 및 연혁 | 서울 중구 소공동 주민센터". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-08-14. Nakuha noong 2010-05-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Jung-gu Office, Nakuha noong 2010-05-26 (Koreano)
  2. "Myeong-dong Is World's 9th Most Expensive Shopping Street" [Myeong-dong, Ika-9 na Pinakamahal na Pinagsyapingang Kalsada sa Mundo]. The Chosun Ilbo (sa wikang Ingles). 2 Setyembre 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Oktubre 2018. Nakuha noong 9 Abril 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Myeong-dong Store Rent 9th Highest in the World" [Rentang Tindahan sa Myeong-dong, Ika-9 na Pinakataas sa Mundo]. The Chosun Ilbo (sa wikang Ingles). 16 Nobyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Hunyo 2018. Nakuha noong 9 Abril 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Myeong-dong, world's 9th highest commercial rental prices" [Myeong-dong, ika-9 sa mundo sa pinakamataas na rentang pangkomersiyo]. The Korea Herald (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Hunyo 2018. Nakuha noong 14 Nobyembre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Myeongdong Catholic Cathedral Archdiocese of Seoul" [Katolikong Katedral ng Myeongdong Arkidiyosesis ng Seoul]. Myeongdong Catholic Cathedral Archdiocese of Seoul (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-06-29. Nakuha noong 2018-06-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "1898 Myeongdong Cathedral" [Katedral ng Myeongdong ng 1898] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-05-25. Nakuha noong 2019-05-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 Myeongdong Naka-arkibo 2019-12-15 sa Wayback Machine. from Doosan Encyclopedia (sa wikang Koreano)
  8. Tourism Promotion Area Naka-arkibo 2011-08-31 sa Wayback Machine. Jung-gu Office (sa wikang Koreano)
  9. "South Korea-Taiwan relations 'in a rut'". Yonhap News Agency. 2002-08-21. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-07. Nakuha noong 2008-02-05.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Myeongdong Cathedral" [Katedral ng Myeongdong] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-10-31. Nakuha noong 2018-10-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Myeongdong streets to become pedestrian friendly" [Mga kalsada ng Myeongdong, magiging palakaibigan sa mga pedestriyan] Naka-arkibo 2011-10-01 sa Wayback Machine., Munhwa Ilbo 2008-03-03 (sa wikang Koreano)
  12. "Travel Highlights: What To Buy When Shopping in Korea". Korea Tourism Organization. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Pebrero 2015. Nakuha noong 8 Oktubre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Myeongdong". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-10-31. Nakuha noong 2018-10-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)