Pumunta sa nilalaman

NHK World

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa NHK World TV)
NHK World
BansaJapan
SloganYour Eye on Asia
Sentro ng operasyonTokyo, Japan
Pagpoprograma
WikaJapanese, English
Anyo ng larawan576i 16:9 (SDTV)
1080i (HDTV)
Pagmamay-ari
May-ariNHK
Kapatid na himpilanNHK
NHK General TV
Mga link
Websaytwww3.nhk.or.jp/nhkworld
Mapapanood

Ang NHK World and serbisyo ng NHK para sa pandaigdigang pagsasahimpapawid. Pangunahing pinagtutuunan nito ng pansin ang mga manonood at tagapakinig sa ibayong dagat.

Binubuo ng tatlong serbisyo ang NHK World:

  • NHK World TV
  • NHK World Premium
  • NHK World Radio Japan

Sumasahimpapawid ang Radio Japan (RJ) sa pamamagitan ng shortwave. Binubuo ng mga balita, impormasyon at mga pang-aliw ang mga programa nito na nakatuon sa Hapon at sa Asya, sa kabuuang 65 oras ng pagsasahimpapawid.

  • General Service - napapakinggan sa buong mundo sa wikang Nippongo at Ingles.
  • Regional Service - napapakinggan sa mga espesipikong lugar sa 21 wika: Ingles, Arabe, Bengali, Burmes, Intsik, Pranses, Aleman, Hindi, Indones, Italyano, Koreano, Malay, Persa (Persian), Portuges, Ruso, Espanyol, Swahili, Swedish, Thai, Urdu, at Vietnamese.
  • Parehong napapakinggan sa shortwave ang mga serbisyo.

Mga Pasahang Himpilan ng RJ

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagpapatakbo ang RJ ng isang domestikong himpilan

Umuupa rin o nagmamay-ari ang RJ ng mga himpilan sa labas

Nagpapalabas ang NHK World TV ng hindi scrambled na mga programang pambalitaan at impormasyon sa buong mundo sa pamamagitan ng mga satelayt, 24 oras araw-araw. Maaaring makapanood ng libre ang sinuman na may tamang antena at tuner.

NHK World Premium

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagpapalabas ang NHK World Premium ng mga programang pambalitaan, impormasyon, pang-aliw, dula, pampalakasan, atbp. sa mga himpilan ng cable at satelayt. Mapapanood lamang ang mga programa kung nakakontrata sa lokal na tagapagbigay ng serbisyo.

Maaaring mapanood ng mga manonood sa Hilagang Amerika at Europa ang TV Japan na nangangailangan lamang ng maliit na antena kaya't mas madaling masagap kaysa NHK World TV. Isa itong serbisyong binibigay ng mga lokal na kinatawan ng NHK sa mga nasabing lugar.

Serbisyong pang-internet ang NHK Online. Ito ang opisyal na pahina ng NHK World sa wikang Ingles at Nippongo. Narito ang ilan sa mga serbisyong nasa NHK Online:

  • Radio Japan Online - live na mga brodkast, balita at podcast.
  • Daily News - mga balita mula sa loob at labas ng Hapon.
  • Weekly Program - mga lingguhang programa sa RJ
  • Japanese Lessons - mga muling inedit na bersyon ng mga programang "Brush Up Your Japanese" at "Japanese for You" sa RJ.

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Telebisyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Telebisyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.