Nadia Ferreira

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nadia Tamara Ferreira
Nadia Ferreira 2021 01.jpg
Si Ferreira noong 2021
Kapanganakan
Nadia Ferreira

(1999-05-10) 10 Mayo 1999 (edad 23)
Villarica, Paraguay
Tangkad1.75 m (5 ft 9 in)
TituloMiss Teen Universe Paraguay 2015
Miss Universe Paraguay 2021
Beauty pageant titleholder
Hair colorKayumanggi
Eye colorBughaw

Si Nadia Tamara Ferreira (ipinanganak noong ika-10 ng Mayo 1999) ay isang modelo at beauty pageant titleholder na Paraguayo na kinoronahang Miss Universe Paraguay 2021. Si Ferreira ang kumatawan sa bansang Paragway sa Miss Universe 2021, kung saan ito nagtapos bilang 1st Runner-Up.[1]

Lumitaw na rin bilang isang modelo si Ferreira sa Harper's Bazaar, Cosmopolitan, L'Officiel, at Robb Report Singapore.[2]

Buhay at pag-aaral[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Ferreira sa lungsod ng Villarrica sa mga magulang na si Ludy, at ang kanyang ama na hindi kilala ang pangalan. Ang kanyang ina ay isang ulirang ina at at ang kasama lang nila sa kanilang bahay ay ang kapatid ni Nadia na si Eli. Noong siya ay sampung taong-gulang, nawalan si Ferreira ng paningin, pandinig, at kakayahang gumalaw dahil sa isang komplikasyon. Subalit, gumaling naman ito sa kanyang karamdaman pagkatapos ng dalawang taon.[3]

Karera[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga paligsahan ng kagandahan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 2015, kinatawan ni Ferreira ang Guairá sa Miss Teen Universe Paraguay 2015 at kalaunan ay naipanalo nito ang titulo. Si Ferreira ang kumatawan sa kanyang bansa sa Miss Teen Universe 2015 na ginanap sa Guwatemala kung saan siya ay nagtapos bilang third runner-up.[4]

Miss Universe 2021[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Agosto 31, 2021, kinoronahan ni Miss Universe Paraguay 2020 Vanessa Castro si Ferreira bilang Miss Universe Paraguay 2021. Pagkatapos ay kinatawan ni Ferreira ang Paraguay sa Miss Universe 2021 pageant na ginanap sa Eilat, Israel.[5][6] Mula sa 80 kalahok, napabilang si Ferreira sa Top 16 na sumabak sa swimsuit competition at sa Top 10 na sumabak sa evening gown competition.

Nagtapos bilang first runner-up si Ferreira sa kompetisyon. Ito ang pinakamataas na pagkakalagay ng Paraguay sa kasaysayan ng kompetisyon.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. "Miss Universe 2021: India's Harnaaz Kaur Sandhu beats Paraguay's Nadia Ferreira to become Miss Universe". Jagran English (sa wikang Ingles). 13 Disyembre 2021. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  2. Caruso, Skyler (20 Mayo 2022). "Who Is Nadia Ferreira? All About Marc Anthony's Fiancée". Yahoo News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  3. "Nadia Ferreira tells all about being a successful woman and her future road to the altar". Hola! (sa wikang Ingles). 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 24 Disyembre 2022.
  4. "Dayanara Peralta, la ecuatoriana que conquistó el Miss Teen Universe". El Universo (sa wikang Kastila). 7 Pebrero 2015. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.
  5. "Esta noche se revelará a la Miss Universo Paraguay 2021" (sa wikang Kastila). La Nación. Nakuha noong 31 August 2021.
  6. "Nadia Ferreira es la nueva Miss Universo Paraguay 2021" (sa wikang Kastila). UltimaHora. Nakuha noong 31 August 2021.

Panlabas na kawing[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Parangal at Natanggap
Sinundan:
Brazil Julia Gama
Miss Universe 1st Runner-Up
2021
Susunod:
Kasalukuyan
Sinundan:
Vanessa Castro
Miss Universe Paraguay
2021
Susunod:
Leah Ashmore